-WP-[32] Reunited 2

37 1 0
                                    


Marc's POV

"Hahahahaha did you see their faces? Hindi talaga nila ako kilala hahahaha" Tawa ko.

"Yeah. Alam mo bang may rumors na namatay ka na daw." Hindi na ako nagulat dahil kinikwento ni Kimmy sakin ang mga nangyayari sa school dati.

"I know. Ang tatanga lang nila na maniwala sila roon hahahaha"

"So anong plano mo ngayon?" Bigla akong napatigil sa tanong niya.

"Hmm. Maghihiganti at kukunin ko si Sef kay Andrei"

"Hindi mo makukuha si Sef nang ganun-ganun nalang. Marami silang koneksyon lalo na yung mga matatanda na fransokyo"

"Sa tingin mo pupunta ako dito na hindi ako handa? Lalo na't nalaman ko na sinasaktan ni Selena ang anak ko"

"Don't worry, tutulungan kita sa mga plano mo"

"Thank you Squall pero ayokong idamay kita rito sa plano kong to. Sapat na sakin ang suporta mo. Mahalaga ka sakin at ayokong madamay ka sa ano mang pwedeng magawa ko"I kiss him on his cheek. He didn't expect that kiss kaya nagulat siya.

" I - I understand. By the way, Kumusta si Luigi, mylabs?" pag iiba niya nang usapan. Siguro ay naiilang siya sa ginawa ko. Nag blush pa siya at ang cute niya.

"Okay lang siya. Nakikitaan ko na nga yun ng potential sa pagpapatakbo ng kompanya" Tango nalang ang naging sagot ni Squall sa sinabi ko.

"So, saan ka titira ngayon? Samin? o sa dati mong condo? Hindi ba't binenta mo na yun?"

"Seriously, Squall. Dami mong tanong haha. Isa-isa lang, okay? And yes doon parin ako titira sa condo ko and binili ko ulit yun"

"Bakit mo binili? Alam mo bang doon pa minsan-minsan tumitira si Andrei. Tsaka hindi ba niya malalaman na ikaw si Marc pag doon ka tumira?"

"Don't worry akong bahala. Oo nga pala, Lagi niya bang isinasama ang anak ko sa condo niya?" Excited na tanong ko.

"Minsan pero----" Hindi na natuloy ni Squall ang sasabihin niya nang mag ring ang selpon ni Marc.

"Sorry, Can i take this call?"

"Sure-sure"  tss. Sino na naman kaya to? Hindi ba't sinabi ko sa kanila na wag na wag akong tatawagan.

Unregistered number?

"Hello"

"Hi darling" Boses lalaki?

"Who's this?"

"Andrew Fransokyo. And you?"

"Okay. End this crap. What do you want?"

"Rude ey. Gusto ko lang na makilala ka" Seriously? If i know 'fuckboy' to eh. Gusto lang nito may maka fubu.

"You know what, i don't care. Where did you get my number anyway?"

"I have my sources darling" f^ck that sources!

"Okay! Could you please delete my number! I don't talk to strangers!"

"Chill darling. We're talking business here"

"Business? What business?" Monkey business ba? Tss.

"I know may company ka. And alam kong palugi na kaya naghahanap ka ng investors. Alam mo bang willing ako. Ang kompanya ko ang nangunguna sa buong asia kaya hindi ka magsisisi na maging investor mo ako" Teka paano niya nalaman? Kaya nga umuwi ako ng pilipinas para naman gumagaan gaan yung problema ko. At ito siya! Nag ala imbestigador!

"Hmmm... Okay. Alam ko naman na may kapalit ang pag iinvest mo sa kompany ko. So what is it?"

"Be my Date" He said.

Ayos din tong kuya ni Andrei ah. Magkapatid nga sila at date lang naman diba? Who i am to refuse and kailangan ko rin ng maraming investors para masalba ang kompanya ko.

"Okay Deal"

"Woo ang bilis ah. So can we meet tomorrow?"

"Sure, where? So i can give you the papers?"

"I'll pick you up at 8am"

"No thanks. Ako nalang ang pupunta dyan sa opisina mo, bye!" Hindi ko na inantay ang sagot niya at binaba ko na.

"Sino yun?" Muntik ko nang makalimutan, kasama ko nga pala si Squall.

"Nah wala. Tara na" Inaya ko na siyang umuwi dahil gabi na at maaga pa ako bukas.

*

Nasa Condo na ako at nakahiga . Kung nagtataka kayo kung bakit na sakin parin ang condong to. It's because nung binenta ko to , binili ko ulit sa binentahan ko. Una hindi siya pumayag pero dinouble ko yung bayad ko sa kanya kaya napapayag ko yung nakatira dito dati. Hindi na nga nag abala pang kunin ang mga gamit eh kaya ito, gamit ko yung nga gamit nung nag mamay ari nito dati.

Hayssss.... Kinuha ko ang picture frame ni Sef nung baby pa siya at hinalik halikan.

"Ang gwapo gwapo mo anak. Kaso ang pangit ng ugali mo. Nagmana ka talaga sa daddy mong bakulaw. Pero sana nak pagdating nang araw na malaman mong ako ang tunay mong ina. Sana wag mo kong kamuhian, sana matanggap mo parin ako kasi ako ipaglalaban kita hanggang sa huli. At ----- gruuuu~" Anak ng! Moment ko na yun eh. Pahamak din tong tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain. Labas nalang muna ako may nakita akong jolibbee sa harap eh. Nagbihis na ako at lumabas. Pinindot ko yung down sa elevator at pagbukas ng elevator,  Hindi ko inaasahan kong sino ang nasa harapan ko ngayon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nalang siya pinansin at sumakay ng elevator pero siya hindi siya lumabas. Saan siya galing? Sa taas na ba yung room niya? Pinindot ko yung UG. UG din pala siya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator at siya naman may nakapasak na earphones sa tenga. Ewan ko ba at pinagpapawisan ako. Ang tagal naman bumaba. Pinadyak ko yung paa ko kaya nagulat ko ata siya.

"Miss, okay ka lang?" Tiningnan ko lang at hindi umimik. Nako! Hindi niya ba ako naalala?

Pumadyak ulit ako at biglang nag brown out.

"Ahhhhh!!!!!" Natatakot ako sa dilim, Jusko! Tulong po!

"Miss, miss. Nasaan ka?" Patuloy parin ako sa pag sisigaw hanggang sa may humawak sa boobs ko. Sabay nun ang pag ilaw at pag andar ng elevator.

"Bastos ka!!" Pinaghahampas hampas ko siya. Anakng! Mapagsamantala siya!

"Sorry!-- Aray! Sorry, hindi ko naman sinasad--- Aray!!"

"Walang hiya ka! Manloloko't nakabuntis ka na nga. Manyakis ka pa!" Ooppss!! Did I say something?

"Teka teka, sino ka para sabihin sakin yan?"

"Ahhh ano.. Humuhugot lang ako! Oo tama. Humuhugot lang ako" Pag aalibay ko sa kanya.

"Teka nagmumukhaan kita" Ano? Naaalala niya na ba ako? Yung kanina ba yung naalala niya o yung dating ako? Lord. Wag naman sana. Masyado pang maaga.

"Ikaw yung----" Hindi na natuloy ni Andrei yung sasabihin niya nang bumukas ang elevator at nasa lobby na pala kami. Agad-agad akong tumakbo palabas ng building. Hingal na hingal ako. Success akong nakarating sa Jolibee. Yes! Makakakain narin ako. Pumila na ako at turn ko na.

"Isa pong burger steak surpreme"

"Ano pong drinks maam?" Nakita kong nag niningning ang mga mata ng lalaking nasa cashier.

"Ah hehe. Ice tea " Mabilis niyang ni ready ang order ko at pagkatapos nagpasalamat ako sa kanya. Naghanap ako ng maaring pwestohan ko at ayun meron pa. Lahat ng lalaking nandito napapatingin sakin. The hell, may tagos ba ako? o ano?

"Miss, tulungan ko na po kayo" sabi nung isang crew. Seriously? Bakit niya ako tutulungan eh kunti lang to eh.

"No thanks" umupo na ako't kumain. Pagkatapos ay umalis na ako. Tinitingnan tingnan ko muna ang paligid ko baka mamaya makita ko na naman si Andrei. Matagumpay akong nakapasok sa building at pinindot ang UP pero feel ko may sumusunod sakin. Hindi ako komportable eh. Nakasakay na ako sa elevator . Ilang minuto nasa floor na ako, nung papasok na ako sa room ko ng ------

"Marc?"

-

Wansapana"PERVERT" (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon