-WP-[3] Fransokyo University

114 11 0
                                    

Marc's POV

Nagising nalang ako sa sikat ng araw at sa init. Potek! Ang init, Naleletson na ako dito, pagkababa ko tiningnan ko yung wall clock. @_@ shit 30minutes nalang. Mag start na yung first subject ! Agad akong pumasok sa CR and do my thing tapos nagbihis ng uniform ko. Nang bumaba ako ulit, wala si Mommy.

"Mommy?". Walang nasagot."Mommy?". Wala parin. Hinanap ko siya sa kusina at nandoon nga siya nagluluto. Tss!

"Mommy! Diba sabi ko sa inyo wag na kayong magkikilos dahil baka kung ano pa ang mangyari sa inyo?". Inalalayan ko siyang umupo.

"Anak, Im okay. You dont have to be worry". Naks! Nasa skwater kami pero nag eenglish kami dito.

"Ma, No you're not, Okay?. Ako na bahala rito".

"Ako na Anak, papasok ka pa diba?". Kinuha ko ang celpon ko at napatingin sa orasan. Shit! Hindi na ako kakain.

"Ma, I have to go! Sabihan ko nalang si ALing besing na puntahan ka ulit dito para may makasama ka".

"Hindi ka ba kakain?".

"Hindi na po, Bye". I gave her a kiss on cheek. Agad agad kong kinuha ang bisikleta kong nakasabit sa likod ng bahay. Nang makarating na ako ng kalsada, sumakay agad ako ng bike at pumadyak ng may narinig akong natatawanan.

"Hoy Baboy! Flat na yung gulong oh! HAHAHAHAHA".

"Oo nga pare! Hindi na siya kaya nung bisikleta niya HAHAHAHA". Hindi ko nalang sila pinansin at pinaharurot ko yung bisikleta ko, 15minutes nalang, malalate na talaga ako ng bilang ---

SHINGGGGG~ SHINGGGG~~ BROOOMMMMMM~~~~~~!!!!! (tunog ng sasakyan, yung para sa karera), Nakita ko yung plate number 5J******. Humanda ka pag nakita kita!!!

Mabilis pa sa alas kwatro akong natalsikan ng mga putik tsaka natumba. Nakngputcha naman oh! Kung kelan nagmamadali ako! Sakit ng pwet ko arghh! Nakita kong huminto yung isang sasakyan sa harap ko, Siya kasi yung pinakahuli, nakita niya siguro yung nangyari.

May naglahad ng kamay sa harap ko ng tiningala ko ito. Ohmygad! Is this Heaven? May anghel kasi sa harapan ko. Kumikinang ang mata ko dahil ang gwapo gwapo niya, Mapupungay na mga mata, mapupulang labi, matangos na ilong. Ohmygas! and everything went black.

----

Fransokyo University

"Arrgggghhh". (-_O) - (O_-) - (O__O) What the?! Patay na ba ako? Bakit puro puti nakikita ko? Waaaa!!! MOMMMMMYYYYYYYY!!! Napabalikwas ako ng bangon at nasa..... CLINIC ako? Bakit ako nandito?! Atatatata--- Sakit ng braso at pwet ko. Maya-maya may nagbukas ng pinto.

"Are you Okay?". Ohmama! O_O

"Miss?". O_O winagayway niya ang kamay niya sa harap ko kaya napansin ko na kinakausap niya pala ako.

"Ah--- ano--huh?".

"Masyado ka naman atang nagwagwapohan sakin, Miss". Okay i take it back! Masyado syang mahangin. "Just Kidding, Are you Okay?".

"Ah--Im fine. Nasaan ako?".

"Nasa Clinic ka".

"I know, I mean nasaan ako?!". Kahit gwapo siya, ayokong ma rape noh! Malay niyo kidnapper siya o kaya may ipapagawa siya sakin. Waaaa!!

"Nasa Fransokyo Unviersity ka, Nakita ko kasi yung I.D mo. SchoolMate pala tayo". Ngiti niya sakin. >///< Nakakahiya baka nagbablush na ako sa harap niya.

"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" Nakakahiya! Mabigat pa naman ako.

"Hindi, tinulungan lang ako ng mga tao doon sa lugar na hinimatayan mo tapos tinulungan ako ng apat na guard. Hindi ko kayang kargahin ka noh! Ang bigat mo kaya". Tss! Sabi na nakakahiya talaga!

"Sino ka?!". Pag iba ko ng usapan.

"You dont know me?". He smirk.

"Kaya nga tinatanong kita kung sino ka?". Pamimilosopo ko sa kanya.

"Haha you're funny, I Like you. My name's Squall Villafuerte, Member ako ng Group na "5DH". What? I Like you daw? @__@ Gusto niya ako? Mygad! Teka daw? Squall? Anong klaseng pangalan yun? Tsaka 5DH? Anong 5DH pinagsasabi niya?

"Hey, you're spacing out again and you? Whats your name?".

"Hindi mo nakita sa ID ko?". Umiling siya, nilahad ko yung kamay ko sa kanya pra makipag shake hands." Marc". Tipid kong sagot.

"Marc? Like DJ Marc?". Hala paano niya nalaman yun? Nakakahiya! Wala akong sinasabihan bukod kay Mommy at luigi about sa work ko. Magmaang maangan ka MARC!

"Who's?What?No! MARC stands for Maria Audrie Reina Castro".

"Oh Hahaha akala ko lang naman ikaw na si DJ Marc".

"How could you say that? Maganda si DJ Marc, Sexy, maputi". Pagsisinungaling ko. Pinupuri ko ata sarili ko HAHAHA.

"Really? Do you know her?". Patay! Mag isip ka ng palusot Marc, daldal mo kasi.

"No-- i dont know her". Kailangan kong makaalis sa usapan namin at TING!! I check the wall clock dito sa clinic, patay! 1:25 na ! Mag eend na yung first subject! Shit! Nagmamadali akong tumayo at hindi ininda ang sakit ng pwet ko.

"Nasaan ang bag ko?".

"Ito". Inabot niya sakin, aalis na sana ako ng maalala ko yung bike ko.

"Yung Bike ko?".

"Nandoon sa parking Lot katabi ng sasakyan ko".

"Well then, Salamat". tumakbo ako ng mabilis papuntang parking Lot. Kailangan kong tingnan kung nandoon ba talaga si Pekky. Yes Pekky ang name ng Bike ko, Bike ko na siya since First year college ako pero hindi ako nag aaral dito nun, sa ibang school ako nag aaral because they always bullied me kaya lumipat ako ng school nung mag 3rd yr college na ako. Pinag ipunan ko ang Bike na yun when i started to be a DJ. Nang makarating ako sa Parking Lot at ayun nakita ko agad si Pekky. Pekky myloves! Yinakap yakap ko pa ang bike ko. Nilingon lingon ko yung paligid baka kasi may nakakita sa akin dito, magmukha pa akong tanga, Nang mahagilap ko yung sasakyan na sumagasa sa kin, nasa harap ko lang naman ang sasakyan na may plate number na 5J*****. Humanda ka!

Nag isip ako ng pwede kung gawin sa sasakyan na yun. Pumunta ako sa Janitors room, may mga pintura doon na iba't ibang kulay. Wala namang makakakita sa akin doon sa parking lot because classes are going on. HAHA *Evil laugh* . Agad kong kinuha ang mga pintura tsaka kinulayan yung sasakyan ng PINK, GREEN, RED etc. actually mukha na siyang rainbow HAHAHAHAHA. Kumuha narin ako ng tools, tatanggalin ko yung mga gulong, actually may alam ako kunti sa mga sasakyan. Natatawa nalang ako sa ginagawa ko , tsaka tinanggal ko rin yung plaka, tinapon ko sa basurahan, I'll make sure, malinis ang gawa ko at walang bakas na ako ang nag paint nun, nagsulat ako sa sasakyan ng "FUCK YOU". HAHAHAHAHA natatawa ako! Well that's my revenge! Pagkatapos ng gawa ko agad ko pinagulong sa kung saan ang apat na gulong at hindi pa ako nakuntento, sinipa sipa at binato ko ng bato ang window ng sasakyan at nabasag kaya tumunog. Oops patay! Kaya agad ko sinauli ang mga gamit na kinuha ko sa janitors room , chineck ko yung sarili ko kung may Mantsa ng pintura at wala naman. Malinis talaga ako mag trabaho. Pumunta na ako sa locker ko at nagbihis ng P.E uniform . Buti nalang at P.E namin ngayon kaya may rason ako sa mga professors namin.

------

Sensya natagalan ang update !! Sana magustuhan niyo.

Vote - Read - Comment - Follow

- ThankYou

Wansapana&quot;PERVERT&quot; (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon