8 months later.
Andrei's POV
"Master, makipagbati ka na kay Squall. Ito naman parang wala tayong pinagsamahan niyan" - Leo. Kanina pa sila nangungulit na kesyo makipagbati na raw ako. Eh ayoko! Mataas ang pride ko! Walang kaso kung siya ang makikipagbati eh, payag agad ako. Pero pa chix din tong si Squall eh. Lage ko siyang nakikita na kasama si Baboy na buntis, laki laki na ng tiyan niya, kabuwanan niya na siguro ngayong buwan. Nakokonsensya din naman ako sa ginawa ko sa kanya, alam na rin ng barkada na ako ang ama ng dinadala ni Marc. Pinipilit nila akong panagutan yun, araw-araw sinasabihan nila ako. Araw-araw din akong sinasabihan ni Selena pero kabaliktaran ng mga sinasabi ng barkada. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko.
"Ano na, Master? Nakapag isip-isip ka na? Miss ko na si Squall Baby ko at yung soon to be pamangkin namin" - Alvin. Ay naku. Bahala sila!
"Hindi, as in No! Tigilan niyo ko, okay? Bubuntisin ko nalang si Selena. Pwede pa!"
"Naku, di bale nalang Master. Baka maging kasing kamaldita yan ni Selena. No thanks!" - Sven
"Mga ulol kayo!"
"As if naman magpapabuntis si Selena sayo, masisira yung figure niya!"-Leo.
"May point si Leo, Master". - Page sang-ayon ni Sven.
"Edi bahala siya" Nasa HQ kami ngayon, hindi kami naka uniporme syempre. Bakasyon na kasi, may pina pass lang kaming project etc. Mahirap talaga pag college, matagal yung bakasyon namin. Hayss.
Tok! [x5]
"Buksan niyo!" Utos ko sa kanila.
"Buksan mo Alvin" - Sven habang naglalaro ng PSP.
"Ikaw na Leo!" - ALvin habang nag COC.
"Ikaw na Master!" - Leo habang nagf-fb sa laptop.
"Oh sige" Tatayo na sana ako ng maalala ko na ako pala ang nang uutos. Mga gago to ah!
"Mukhang may babaon na MGA MUKHA sa SAHIG ah!" Inunat - unat ko ang mga kamay ko. Dahil sa narinig nila mula sakin, napatigil sila sa mga ginagawa nila. At isa-isang nagtatakbuhan para mabuksan ang pinto. Natahimik naman sila ng mabuksan nila ang pinto.
"Bakit kayo natahimik dyan? Sino ba yan?" Tumayo ako para tingnan kong sino ito. Nag give naman sila sakin.
"Squall, bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Oo. Si Squall lang naman ang nasa harap ko ngayon. Siguro manghihingi to ng tawad.
"Pare, gusto lang kitang makausap?" Pumasok naman siya agad sa HQ kaya hinayaan ko na. Inutusan ko ang tatlo na gawan kami ng miryenda dahil nga sa natakot sila kanina sakin, ayun sunod-sunoran sila sakin ngayon.
"Kung mag so-sorry ka sa ginawa mo last 8 months ago. Pinapatawad na kita, buti naman na realize mo na lumayo-layo sa Marc na yun" Bigla naman nag iba ang ekspresyon nga mukha nila.
"Hindi ako nandito para humingi ng tawad sayo" Eh ano pala? Assuming pala ako. Iba pala kailangan nito.
"Hoy kayo dyan sa kusina!! Wag kayo gumawa ng meryenda!! Nagbago na isip ko!" Narinig ko pa silang mag reklamo pero hindi ko nalang pinansin. "Ano bang pag uusapan natin?" Panimula ko.
"Isinugod si Marc sa ospital"
"Nakunan ba? Edi wow! Ayos yan!" Bigla siyang tumayo tsaka sinuntok ako. Babawi sana ako ng suntok pero inawat ako ni Alvin. Tang ina!! Gusto ko makabawi sa gagong to! Wala siyang karapatan na suntukin ako!
"Bitawan mo ko!! Fushang ina ka Squall!! Problema mo ha!!"
"Ikaw!! Ikaw ang problema mo!! Wala ka bang puso? Matutuwa ka pa kapag nalaglagan siya? Bata lang yun walang kamuwang muwang sa mundo!! Tsaka oo nga naman. Lagi mo nga naman sinasabi yan sa mga nabuntis mo!" Nagpupumiglas ako pero pumagitna si Leo samin. Hawak ni Sven si Squall.
BINABASA MO ANG
Wansapana"PERVERT" (On HOLD)
RomanceRead the Prologue to know more. -WARNING- RATED SPG. Not suitable for the young readers. But if you want to read this story. READ AT YOUR OWN RISK. Date Started : Jan. 24,2015 Warning : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, son...