-WP-[34] Identity

28 1 0
                                    


Maaga akong nagising dahil may maaga akong appointment sa cliyente ko ngayong araw. And guess what kung sino ang cliyente ko? Yeaah. It's Andrew Fransokyo . Ang malalang version ni Andrei.

Nasa harap na ako ng building nang kompanya nila Andrew. This is it! Masasalba ko na rin ang kompanya namin. Papa, ito na :)

Pumasok na ako at naglakad patungo sa elevator. Sa pagkakaalam ko nasa 35th floor ang opisina ni Andrew. Joyride na itoooo haha. Ting! Kasabay nang pagbukas ng elevator, nagulat ako nang makita  ko si Selena. Nagulat rin siya at inirapan ako. Anong ginagawa niya dito? Palabas na sana ako ng elevator nang hinawakan niya ang braso ko.

"Hey bitch! Anong ginagawa mo dito?" Tinabig ko ang kamay niya kaya medyo nagulat siya sa ginawa ko.

"Kailangan ba talagang malaman mo?" I said.

"Pupuntahan mo ba si Andrew?" Sunod niyang tanong.

"Yes. I have business with him"

"Business o bitchness?! My dear Audrie. Wag mo nga akong pinagloloko. I know, you like Andrew. Naaamoy ko ang kasang sangan mo!" Hinawakan niya ulit ng mahigpit ang braso ko kaya napa aray ako. Bumaon sa balat ko ang mga kuko niya. Ang sakit!

"Aray! Bitawan mo nga ako! Wag mo akong igaya sayo. Kumpara naman sayo, masasabi ko pang bitchness ang ipinunta mo dito! Eh diba tinuhog mo naman yung dalawang -----" PAK! (Sampal) Shet! Ang sakit!

"How dare you!" - Selena

"No! How dare you! Nobody slaps me, bitch!" Hindi na ako makapag timpi't sinugod ko na talaga siya. Inawat na kami ng mga tao doon pero hindi ako nagpa awat. Sumosobra na siya!

"Ahhhh!! HELP!! HELP!!" Pagmamakaawa ni Selena.

"Hey! Anong nangyayari dito? F*ck! Selena!" Biglang dumating si Andrei. Hindi ko ineexpect na makikita ko siya dito.

"Huhu babe. Help! Sinugod ako ng babaeng yan!" Oh yeah. Naalala ko tong scene na to nung college. As usual si Selena na naman ang kakampihan niya. Tinulungan niyang tumayo si Selena bago niya ako hinarap.

"Miss. Bakit ka ba nang gugulo dito?" Nagulat ata siya ng makilala kung sino ako.

"Hindi ako nang gugulo. Yang asawa mo ang unang nang gulo!"

"Wag kang maniwala sa kanya babe huhu *sob* kita mo may galos ako tapos siya wala" parang batang nagsusumbong sa papa niya. Dahil nga sa knight and shining armour kuno siya ni Selena. Dinuduro duro na niya ako't minumura.

"Yeah. Ako na naman ang may kasalanan. Sanay naman ako na siya lagi mong kinakampihan. Sanay naman ako na siya palagi ang MAHAL MO!"

"What?" What? WTF! Yun lang ang sagot niya. Tang ina mo Andrei! Tarantado ka talaga kahit kailan! Maya maya dumating si Andrew at tinanong kung anong nangyari.

"I'm fine, drew. Okay lang ako. Wag ka nang mag alala". Nagkasalubong ang mga kilay niya at susugurin na niya sana sina Selena pero pinigilan ko siya.

"Wag na. Okay naman ako" Nakita kong pasulyap sulyap si Andrei dito. May nakikita akong lungkot sa mga mata niya pero hindi ko alam kung ano at bakit. Inalalayan ako ni Andrew tumayo tsaka inakay papunta sa kanyang opisina.

"I'm sorry sa nangyari" - Andrew

"It's okay. Medyo nagselos siguro si Selena nang malamang ikaw ang pupuntahan ko" ngumisi siya sa sinabi ko.

"Hayaan mo siya. Pamparaos ko lang naman siya" wow! Galing ha?! Pamparaos talaga?

"Ganun ba. Anyways ito na yung mga papeles na dapat mong pirmahan" Tinanggap niya naman ito at binasa. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa cabinet. Ano yun? Hindi niya ba pipirmahan?

"I know kung ano ang gusto mong sabihin. Pero hindi ba't may date pa tayo?" Lumapit siya sakin at parang anytime ay susunggaban na niya ako.

"Ah.. Yes. Alam ko, so tara na!" Tumayo ako't naunang lumabas. Iling nalang ang huling nakita ko sa kanya bago ko sinara ang pintoan.

Paglabas ko sa opisina ni Andrew, tumambad sa akin ang mukha ni Andrei.

"Hi" Bati niya sakin.

"Hello"

"May business ka with Andrew?" Bakit niya tinatanong? Ano naman sa kanya?

"Ah ye----" bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Andrew. Lumabas na pala siya.

"Yes. Actually mag da-date kami. Tara na!" Hindi na ako nakasagot dahil hinila na ako ni Andrew pasakay ng Elevator.

-

Selena's POV

Bwisit talaga! Ano bang meron sa kanya at parang nakalimutan na ako ni Andrew.

"Sissy, chill lang. Ano ka ba! Mababasag na yung baso sa higpit ng pagkahawak mo!" Kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Roxan at kasalukuyan kaming nag iinom ngayon. Badtrip na badtrip ako kaya nag aya akong makipag inoman sa kanya. Pero lentek lang!

"Ano ba roxan?! Naiinis na ako sayo ha. Kanina ka pa!".

"Si Audrie ba ang problema mo? Ano ka ba. Pwede naman natin siya ipapatay. Sabihin mo lang. Wag mo i stress ang sarili mo" - Roxan

"Hindi ako mamamatay tao kagaya mo. Ayoko madumihan ang mga kamay ko. Naiinis na talaga ako sa babaeng yun. Sinisira niya ang mga plano ko. Bigla nalang siya sumulpot out of nowhere tas ayun! Naging sagabal na siya sa lahat!"

" Can i see her? May Facebook ba siya? Na cu-curious din ako sa kanya" Binigay ko sa kanya ang phone ko at sinabi ko na buksan niya ang folder na may name na beech. At lumaki ang mga mata niya nang makita ito.

"Ohmy! Si Marc ba to? Yung classmate natin nung college? - Roxan

"Huh? Pinagsasabi mo? It's Audrie, sis"

"Hindi ako pwedeng magkamali. Kamukha niya si Marc pero sexy version nga lang"

"Ano ka ba. Galing ng America si Audrie at patay na si Marc" Kinuha ko sa kanya ang cellphone ko at tiningnan ang picture. Oo nga, may hawig si Marc at si Audrie. Pero napaka impossible naman nun.

"You're drunk sissy. Hindi pwedeng mabuhay yung patay . Ano ka ba!"

"Bakit? May nakita ba kayong puntod niya? Tsaka isipin mo nga. MARC stands for MARIA AUDRIE REINA CASTRO at pwede ang ginamit niyang name is yung AUDRIE which is yung second name niya para hindi natin siya makilala" May utak din pala tong babaitang ito.

"Well, eh saan naman galing yung beech na apelyedo niya?" Bigla siyang napatawa.

"Seriously? Beech yung surname niya?" Tumango na lamang ako.

"Aba malay mo. May sugar daddy yun. Nakapunta ng america at nagpa plastic surgery para pumayat at gumanda. Ano ka ba?! Ganyan na ang generation ngayon" Tinitigan kong maigi ang mga pictures niya. Possible kayang si Marc ito? Kung siya man ito. Kailangan kong madaliin ang mga plano ko.

Hinding hindi mo masisira ang mga plano ko, Audrie. Uunahan muna kita!

--

Wansapana"PERVERT" (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon