"Marc?" Gulat na tawag nito.
"Ki--kimmy? Anong ginagawa mo dito? Iniwan ka ba ni Alvin? Lentek na Alvin yan oh! Teka puntahan ko lang siya" Sunod sunod na sabi ni Squall at iniwan ang dalawa sa Van.
"Marc, is that you?" Hindi makaimik si Audrie. Hindi niya alam ang gagawin. Sa isip niya ito na ang tamang panahon upang magka usap silang dalawa pero natatakot siya na baka hindi siya tanggapin nito.
"Sumagot ka!" Nanginginig na sigaw nito.
"No-no. Si-sino si M-Marc?" Pagsisinungaling nito.
"I've heard everything." She said. Biglang napaluhod si Audrie at umiyak. Hinawakan nito ang mga kamay ng kaibigan.
"So, it's you. Paano mo nagawa sakin to, Audrie? We're bestfriends for god sake!" Sigaw ni Kimmy sa kaibigan.
"I just--- I need to. I'm sorry kung nawala ako ng parang bula. Hindi ko sinasadya Kimmy. I'm so sorry" Umiiyak na sabi ni Audrie.
"Ang galing! Nawala ka nalang bigla tapos magpapakilala ka na ibang tao ka? Paano mo nasisikmura na manloko ng tao?"
"Ginawa ko lang naman yun kasi gusto kong mabawi ang anak ko kay Andrei. Gusto kong maghiganti sa kanila. Gusto kong makapiling ang anak ko. Masama bang maghangad na makasama ang anak ko?" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Audrie.
"Tinuloy mo pa talaga yung plano mo dati? Ang tanga-tanga mo Marc. Sa tingin mo mababawi mo pa si Sef?"
"Gagawin ko ang lahat-lahat mabawi ko lang si Sef, Kimmy." Napaiyak na rin si Kimmy sa sitwasyon nila. Itinayo niya si Audrie at niyakap.
"Sira ulo ka eh! Iniwan mo kasi ako. Hindi mo pa ako kinontak! Kung hindi lang kita bestfriend baka echenapwera na kita!"
"Nag drama pa tayo. Papatawarin mo lang rin pala ako"
"Mahal kita eh. Oh sige! Di na tayo bati!" Tawa nalang ang naisagot ni Audrie sa kaibigan.
--
Andrei's POV
"Woooo! Guys, swimming tayo!" Sigaw ni Leo sa amin.
"Babeee, tara swimming na tayo" Pag aaya ni Selena sakin.
"Kayo nalang muna ni Sef. Susunod ako." Biglang sumimangot ang mukha niya at nagmamaktol paalis.
"Pare!" - Alvin.
"Oh Insan. Musta buhay asawa?" Tumawa si Alvin sa tanong ko.
"Ayun. Ayos naman! Kayo ba?" Tanong nito sa akin na nakapalungkot sakin.
"Ewan nga eh. Hindi ako sigurado" Buntong hininga kong sabi.
"Insan, hindi ako expert sa mga advice-advice na yan pero ang masasabi ko lang is kung saan ka masaya, doon din kami" Nakipag fist bump muna siya bago umalis.
Tatayo na sana ako ng makita ko si Audrie na nakatingin sakin. Bigla na lamang siya ngumiti at binalingan na ng atensyon ang kausap. Sa ngiti niyang yun, bigla kong naalala si Marc. Ganun na ganun siya ngumiti sakin dati. Teka ngumiti na nga ba siya sakin? Mali. Si Kimmy nga pala yung lagi nyang kasama noon at nahuhuli ko nga pala silang nagtatawanan noon.
Parang ganitong scenario ang nakita ko dati. Kausap ngayon ni Audrie si Kimmy at nagtatawanan sila. Parang ang tagal na nilang magkakilala na parang kung mag usap ay ang tagal nilang hindi nagkita. Possible kaya naaa----
"Master!" - Squall.
"Oh?" Nawala ata ako sa sarili ko at hindi ko ata napansin na nakalapit na pala siya sakin.
"Hindi ka ba mag es-swimming?" Tanong niya.
"Mamaya na siguro. Nakita mo ba si Sef?" Tumango siya at tinuro kung nasaan si Sef.
"Ayun oh. Kasama nila Audrie at Kimmy." Oh bakit hindi ko napansin yun? Masyado na ba akong maraming naiisip . Pero akala ko ba ...
"Si Selena, pre? Nakita mo?" Sunod ko na tanong.
"Ayun oh. Papunta si Selena kina Audrie, masyado ka atang lutang. Okay ka lang?"
"Oo ayos lang ako. Siguro stress lang ako sa trabaho kaya mukhang lutang ako" Ngumiti nalang si Alvin sa sagot ko at nag aya na makipag inoman. Yeah I badly need a drink para mawala sa isip ko ang mga bagay bagay na bumabagabag sakin.
Marc's POV
"Waaa. Tama na baby Haha" kasalukuyan kaming naglalaro ni Sef sa dagat. Ang sarap sa feeling na maka bonding mo ang sarili mong anak at kasama pa ang bestfriend mo . Hays sana ganito nalang palagi.
"Gawa tayo ng Sand Castle, Sef" Aya ni Kimmy.
"Marunong ka ba nun?" Pagtatanong ko kay Kimmy.
"Oo naman. Tuturuan ko kayo. Dali!" Sumunod kami kay Kimmy at sinimulan ang pag gawa ng Sand Castle.
Matapos ang ilang minuto... Teden!!!
"Wow amazing" Isa isang nilagyan ng mga taong kahoy ang Sand Castle na gawa namin.
"Here's Dad and You" Napatulala ako sa sinabi ni Sef.
"Me?" He smiled and answered yes.
"You know what dumb lady. I came to realized that maybe you are actually my Mom and not the mom that i knew". Natahimik kami ni Kimmy sa sinabi ni Sef.
"Paano mo nasabi yan?" Umupo siya ng maayos at bumontong huminga.
"My mom doesn't love me and she hates me. Ginawa ko naman lahat para mahalin niya ako but why can't she love me back? She's my mom right? But why i have the feeling that she is not my mom. And my mom is... the one who is standing infront of me". Tiningnan ako ni Kimmy at nababasa ko sa mga mata niya na 'chance mo na para sabihin mo ang totoo'.
Niyakap ko si Sef at hinalikan sa noo.
"I have something to tell you. The truth is...I am -------" hindi ko natuloy ang dapat kong sabihin nang biglang nagtalsikan ang mga buhangin sa banda namin at agad agad kong tinakpan ang mga mata ni Sef.
"Hey! Anong problema mo?!" Sigaw ni Kimmy.
"Anong problema ko?! Kayo! Lalong lalo na ikaw!!" Turo sakin ni Selena kasabay ng pag iyak ni Sef habang yakap ako.
"Bakit mo sinira ang sand castle na gawa ni Sef?! Sira ulo ka ba? Muntik ng mapasukan ng buhangin ang mga mata ng Anak mo!"
"Walang akong pakialam kahit mabulag pa ang batang yan! Tsaka ano bang pakialam mo?" Hinila niya si Sef palayo sakin at halata sa bata ang pagpipiglas.
"Let me go!!" Pagpupumiglas ni Sef.
"May pakialam ako! Dahil----" Sasabihin ko na sana kaso hinawakan ako ni Kimmy para pigilan ang sasabihin ko.
"Ano? Dahil ano? May gusto ka ba kay Andrei? At ganyan ka nalang ka sipsip sa anak namin ha?!"
"Let me go!! Mom!!!" Pagpupumiglas parin nito.
"Nasasaktan na yung bata!"
"Wala---- ahhhh!!!" Biglang kinagat ni Sef ang Kamay ni Selena at tumakbo palayo.
"Gooossshh!!! Ang sakit!!! You'll pay for this!!" Sabay takbo palayo samin.
"Kim, tell the others na hahabulin ko si Sef" Tumango na lamang siya at nagsimula na akong tumakbo para habulin ang bata.
"Seeeefffffff!!!" Takbo ako ng takbo pero hindi ko parin siya nakikita.
Ilang oras na akong naglilibot pero wala akong nakita kahit anino man lang niya.
"Nasaan ka?!" Mag gagabi na pero hindi ko parin siya nahahanap. Kinakabahan na ako.
"Seeeefff!!!! Please kung naririnig mo ko sumagot ka!!" Nasa loob na ako ng kagubatan at ito nalang ang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Sana nandito lang siya, sana okay lang siya. Kung may nangyaring masama sa kanya hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa babaeng iyon. Naku!!
--
BINABASA MO ANG
Wansapana"PERVERT" (On HOLD)
RomanceRead the Prologue to know more. -WARNING- RATED SPG. Not suitable for the young readers. But if you want to read this story. READ AT YOUR OWN RISK. Date Started : Jan. 24,2015 Warning : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, son...