-WP-[4] Searching Marc

80 12 0
                                    


Andrei's POV

Nasa klase ako ngayon at nakikinig. Mabait kasi akong bata hindi ako gaya ng iba dyan na nagbubulakbol. Kailangan ko kasing mapanatiling top 1 lang ako para mapunta sa akin ang mana ni lolo. Tatlo kaming nagcocompete, Ako, ang kuya ko at si Alvin. Yes si Alvin Fransokyo ang member ng 5DH

Nga pala 5DH means 5 Demon Hearthrobs. Kung akala niyo ako ang nagmamay-ari sa university na ito. Pwes hindi, yung pinsan kong si Alvin ang nagma may ari ng university na ito.

"Okay , class dismissed". Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa.

Tatayo na sana ako ng nagtatatakbo palalapit sa akin sina Leo at Sven na hingal na hingal.

"Master, wag kang aatakihin ha". Ano daw? Atatakihin?

"Kumalma ka lang Master".

"Ano bang pinagsasabi niyo?".

"Kasi si Baby Blake mo". Blake ang pangalan ng sasakyan kong Ferrari 458 spider. Search niyo sa Google para makita niyo, ano itsura. Basta maganda siya.

"Oh anong nangyari?".

"Kasi------". Hindi na nasabi ni Leo ang sasabihin niya dahil may sumingit.

"Master Andrei! Yung sasakyan mo! Wasak!!". Literal na lumaki ang mga mata ko O_O Processing....

50%

70%

90%

93%

96%

98%

100%

BOOOM!! Agad akong tumakbo papuntang parking lot, wala akong pakialam kung sino pa ang mabang------ boogsh!!

"Array!!". Pota naman!

"Hoy Baboy! Bulag ka ba? Kita mong nagmamadali yung tao eh!" Ako pa ata ang mas nasaktan samin, sa laki ba naman niya!

"Hoy manong! Ikaw tong paharang harang dyan eh, mag sorry ka lang. OK na eh! Pero nanlait ka pa, kala mo kung sinong gwapo! Tsee!". Magsasalita pa sana ako ng umalis na siya. Tss!bad trip! Oo nga pala si Blake!! Takbo ako ng takbo Habang sa makita ko ang sasakyan ko na puro pintura. Lumapit ako sa sasakyan ko at hindi makapaniwala sa na kita ko. Wasak na wasak ang sasakyan ko, wala ng gulong, basag ang bintana. Kulay rainbow na ngayon ang blue kong sasakyan. Halos lahat ng esyudyante naglabasan sa mga classrooms nila, ang buong atensyon nila na sakin lang. Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Who the fuck did this?!" Walang ni isa ang sumagot.

Wansapana"PERVERT" (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon