1

24 4 0
                                    

Loureen's POV

Nandito ako ngayon sa rooftop namin naka higa. Dito ako madalas tumatambay pag gusto ko lang mapag-isa. Naka tingala ako sa maraming bituin sa kalangitan. Gan'to lagi yung ginagawa ko pag may nangyaring hindi ko gusto. Lalo na kung tungkol sa pamilya ko. Nabanggit na naman kasi ni, dad kanina yung tungkol sa fix marriage, lagi niyang nababangit at pinipilit sa'kin yun. Pero dahil matigas yung ulo ko, laging na uudlot.

Ayoko lang talaga na mag pakasal sa taong hindi ko naman gusto. Malay ko ba kung ano ugali nung mapapang-asawa ko. Sa tuwing yun yung ida-dahilan ko, lagi naman sinasagot ni daddy na hindi naman daw niya ako ipapakasal sa taong hindi ako aalagaan. Dahil yung ipapakasal naman daw sa'kin ay yung kilalang kilala nila ni mom.

Sa mundong ginagalawan ko? Hindi talaga mai-iwasan na kailangan mong ipakasal yung bunsong babae sa isang kilalang pamilya o sa kasosyo nito. Nagaganap lang yung fix marriage upang may kasangga yung bawat pamilya kung sakaling magka-problema yung negosyo o kompanya. Sa madaling salita, may pakinabang yung fix marriage para sa negosyo o kompanya ng bawat pamilya.

Napaka business minded ng daddy ko, nasa lahi na kasi ng daddy yun. Kailangan ipagpa-tuloy kung ano yung na simulan ng angkan namin. Pero yung hindi ko lang talaga ma intindihan, ay kung bakit kailangang ako yung ipakasal ni daddy? Alam ko naman na malaki yung pakinabang non sa negosyo at kompanya namin, pero hello? Hindi pa nga ako nakaka graduate ng college. Tapos ikakasal agad ako? Tapos sa lalaking hindi ko pa mahal? Ano ako? Asin na pwedeng ilagay sa kahit na anong ulam? Pwede naman yung ate ko ehh!! Naku lang talaga.

Napatingin ako sa may pintuan ng may narinig akong naglalakad papunta dito. Pag ka bukas ng pinto, nakita ko si kuya Leo. Ngumiti siya sa'kin ng makita niya akong naka higa sa nilatag kung sapin. Umupo ako sa pagkaka higa ko at tumabi naman si kuya sa akin. Tatanungin ako neto kung ba't gising pa'ko. Tamo lng!

"Why are you still up?" Oh diba?
"Just chillin and waiting for the aliens to pick me up" pagbibiro ko sa kaniya.
"Hindi sila kumukuha ng babaeng matigas ang ulo" pagkasabi ni kuya non, tumayo na ako para umalis. Ayoko ng drama at alam kong do'n pa punta yung usapan namin ni kuya kapag pina-haba ko pa. Ganon siya lagi sa tuwing napag-uusapan naming mag pamilya yung tungkol sa fix marriage ko.

"Choosy pa sila, eh maganda naman ako ahh!" pag mamayabang ko. Natawa naman si mokong. "Alis na'ko, gabi na rin eh" hindi ko na siya hinayang mag salita at nagmadali na akong bumaba.

Pag pasok ko sa kwarto ko dito sa bahay niligpit ko agad yung mga gamit ko na dala ko kanina. Gabi na rin at kailangan ko nang umuwi kasi alam ko na hindi pa natutulog yung baby ko hanggat alam niyang hindi pa ako nakaka uwi. Inayos ko muna yung sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pa punta na'ko sa living area ng magsalita si mommy.

"Aren't you going to stay for the night Andie? It's already late, you should stay" bago ako humarap sa kaniya, huminga muna ako ng malalim.

"My baby is waiting for me, Mom. I have to go" I put a smile on my face, para hindi na siya mag-alala na uuwi ako ng gabi na.
"But sweetie, it's already late. Ipapahatid na lang kita kay manong, Vito par-"

"Mom, I can handle" pinutol ko na agad yung sasabihin niya, gabi na talaga at kailangan ko nang umuwi. "You don't have to call mang, Vito. I'll text you when I get home" napa-buntong hininga na lang si mommy kasi alam niyang wala na siyang magagawa kapag nag desisyon na ako.

"Call me pag uwi mo, okay?" I smiled at her
"I will mom, good night. Please, tell dad that I have to go" niyakap ko na siya at hinalikan sa pisngi at umalis na. Pinagbuksan ako ng gate ni manang at binuksan ko yung wind shield ng kotse ko para maka-usap si siya.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now