Loureens POV
"Morning, Ms. Pedanquico. Si daddy lo po?" Tanong ko pagkarating namin ng bahay ni daddy lo.
"Hi, Ms. Pedanquico" masiglang bati ni, Rhe."Nasa taas pa ang BOB. Pagsabihan mo nga 'yang lolo mo na dumito na lamang sa loob ng bahay at wag ng labas nang labas dahil hindi na nakakabuti sa katawan niya na ang dami pa rin niyang ginagawa sa buhay" sabi ni Ms. Pedanquico.
"Dolores, alam mong mas matanda ka pa sa 'kin ng labing apat na taon. Matanda na ako pero malakas, magino-o, at gwapo pa rin ako. Hindi pa ako ganon ka tanda tignan at wala pa 'kong nararamdamang sakit sa katawan" biglang sabi ni, daddy lo habang bumababa ng hagdan. Ang lakas talaga ng pandinig niya. Umiling iling lang si Ms. Pedanquico at nagpa-alam sa amin na magpapa-handa lang siya ng makakain naming lahat. "Stay and join me for lunch" dugtong ni daddy lo at tumingin ng seryoso kay Alee.
"Sinong walang kwenta ang nagpa-pasok sa isang 'to?" Bigla niyang sigaw na ang tinutukoy ay si, Alee. Nakita kong nagulat at napa-atras naman si, Alee tapos humawak ng mahigpit sa may braso ko.
"Alam mo bang bawal pumasok ang kagaya mo na hindi ko naman kilala sa loob ng pamamahay ko? What are you doing here? And how did you get in here without my permission?" Dugtong ni daddy lo. Seryoso yung mukha at tono niya habang nakatingin kay Alee. Lumapit siya ng konti sa harap ni, Alee at pinagmasdan niya ito ng mabuti.
"Ah aaa-ah e-e-ee a-ano pp-o, pap-pa-pases-sensya nap-po kak-kayo. Hi-h-hinatid ko lang po talaga silang dalawa, wag niyo po akong p-parusahan, maawa po kayo. Aalis na lang h-ho ako ngayon na" utal utal na sabi ni, Alee. Ramdam ko yung nginig ng mga kamay niya. Hindi naman na napigilan ni, Rhe yung tawa niya na sobrang lakas.
"Ayyyy pokeeee" gulat na sigaw ni, Alee dahil sa tawa ni Rhe. Bahagya naman akong natawa sa reaksyon ni, Alee. Nang medyo tumigil na yung tawa ni Rhe, bigla namang tumawa ng malakas si daddy lo. Kaya natawa rin ako ng bahagya na ikina-kalas ng pagkaka-hawak ni, Alee sa braso ko.
"I was just joking. Don't take it seriously, young mady. But, I have to thank you for making me laughed today. Thank you and welcome to my home. I guess you're friends with these two important young lady here, right?" Naka ngiting sabi ni daddy lo na ikinagulat ni, Alee. Lagi niyang ginagawa yung biro na gan'to kapag may bagong pumapasok sa loob ng bahay niya.
"A-a-ah, charot charot lang po yung kanina? Hindi po talaga kayo galit na nandito ako? At 'tsaka hindi po ako si mady, kayo nga po yung mady kanina. Ako po si, Aleejandro Baile but you can call me Alee or Lej. Pili lang po kayo" sabi ni, Alee na ikinatawa ni daddy lo.
"Ahhh, mady. That's a combination of man and a lady. You're in that line right? I like your name, Baile" naka ngiting sabi ni daddy lo. Bumalik na ulit sa normal si, Alee.
"Ayy ang taray po ng mady. At maganda po talaga ang pangalan ko kasing ganda ko. I also like your name po Mr. BOB Dela Fuente" masiglang sabi ni, Alee.
"Ahh, HAHAHA That's not my name. Theodor Bil Dela Fuente, that's my birth name. You can call me daddy lo, or anything that will make you comfortable"
"Ahhh. Ang taray po ha? Okay po, Mr. Theodor Bil" nakangiting sagot ni, Alee."What brings you here, young lady?" Baling sa 'kin ni daddy lo. Tinignan ko muna siya ng matagal bago ko sinabi kung ano yung pinunta ko dito. Pagkatapos naming pag-usapan 'yon, kumain na kami ng tanghalin.
"How are you, Rheianna?" Tanong ni daddy lo, habang kumakain kami.
"I am doing great daddy lo. Still beautiful"
"That's good. Elyssa and Jeremiah haven't visited me this past few months. Those kids are forgetting an old man here. Tell them they can't play at the arcade until they pay me a visit"
YOU ARE READING
Love to the Fullest
General FictionAndie, can be confusing sometimes. She always do what she wants to do. Always do things on her own. She always prioritize the safety of her loved ones. She always put others first before herself. She's so different, and pain for her is neutral. "It...