30

3 2 0
                                    

Mabie's POV

"Good bye, maam" sabay naming paalam ni Dreye sa adviser namin pagkatapos naming magpasa ng mga quizzes, test, and activities dahil nag advance na kami for 2 weeks lesson.

"Daan muna tayo ng mall" aya ko sa kaniya at kung minamalas ka nga naman...

"Hi, Gibson! Ice coffee for you" maarte, malandi, haliparot na sabi ni Daze. Kahit kailan talaga 'to....

"Ahmm.... thanks" kuha ni Dreye sa ice coffee na inaabot ni Daze sa kaniya.

"Ingat ka sa Boracay, okay?" sabi niya kay Dreye. Mas muka ka ngang kapahamakan eh.

"Thanks. Una na kami" sabi ni Dreye at na una nang maglakad. Tinaasan ko muna ng kilay at inirapan ko siya bago sumunod kay Dreye.

"Ano bibilhin mo sa mall?" tanong niya sa'kin pagkatapos niyang itapon yung binigay ni Daze sa kaniya sa basurahan. Hindi naman kasi siya umiinom ng ice coffee. Tanga kasi ni Daze.

"Outfits" ngiti ko sa kaniya at dumiretsyo na kami ng mall.

***

"Okay naba lahat ng mga dala mo?" tanong sa'kin ni ate LA pagkatapos kong ilabas sa sala yung mga dadalhin ko. Pagkagaling namin ni Dreye ng mall, umuwi na kami agad. Alam kong almost 3 hours din kaming nasa mall kanina. Pagkarating na pagkarating ko nag impake agad ako dahil 4am alis namin bukas.

"Yeah. I'm all set"

"Hindi ka ba magpa-paalam kila tita?" tanong niya.

"No need. It's not like I'm going to stay there forever" sagot ko.

"If you say so"

"Ahhh... I'm going to the coffee shop, magpa-paalam lang ako sa kanila" sabi ko habang sinusuot yung cardigan ko.

"Sure, hatid kita" alok niya.

"No need. Malapit lang naman eh. 'Tsaka sasamahan ako ni Dreye" sabi ko.

"Okay. Umuwi kayo agad. Ingat kayo or text niyo ako pag gusto niyo magpasundo" paalala niya.

"Bye" paalam ko. Hindi naman ganon kalaki yung trabaho ko sa coffee shop nila ate LA pero sobrang lapit na kasi ng loob ko sa kanilang lahat. Taga kuha ako ng order at taga hatid sa table ng mga customers kaya hindi ganon kahirap. Ayoko kasing gastusin yung credit card ko dahil walang kwenta yung pag-alis ko ng bahay kung pera pa rin ni daddy yung gamit ko. Although, alam ko naman na nilalagyan yun ni mom every month, ayoko pa rin gamitin.

Nasanay narin ako na nagtatrabaho sa coffee shop. Ilang buwan na. Ilang buwan ko na rin hindi nakikita si mom. Nagkikita kami ni kuya at ate minsan pero hindi nila alam na kay ate LA ako nag s-stay. Alam kong kapag sinabi ko, lagi na nila akong bibisitahin. Hindi naman sa ayaw ko non, pero mas okay na rin kasi nasasanay ko yung sarili ko sa mga bagay na hindi ko ginagawa dati. Napapansin kong malaki yung pinag-bago ko sa mga nakalipas na buwan. Inaasar nga ako ni ate LA minsan na nagiging mas Pilipino na raw ako dahil madalas na yung pagtatagalog ko hindi daw gaya ng dati. Marunong na rin akong mag hugas, at maglaba. Mas madali nga lang yung paglalaba kasi washing machine yung gamit namin at hindi ko na rin kailangan isampay kasi may dryer din. Marunong na rin akong magtipid ng pera ko galing sa sweldo ko sa trabaho. Masaya ako sa kung ano yung pinagbago ko. Pero hindi ko maita-tanggi na nami-miss ko yung parents ko, specially, mom. Pero mas okay na rin 'to kesa ikasal ako next year diba? Pakiramdam ko rin, mas lalo kong nakikilala yung sarili ko. Mas nakikilala ko rin sila ate LA. Nung mga nakaraan, alam kong merong nangyayaring hindi maganda na ayaw nilang sabihin at hindi ko rin naman na ipipilit na malaman yun. Nag-aalala lang ako minsan sa kanila kasi alam kong may komplikado o delikado silang ginagawa. Naiisip ko nga minsan na mga secrete agent sila or kung hindi man, miyembro sila ng mafia. Kung ano man yun, alam kong wala naman silang ginagawang masama. Alam kong...

Love to the FullestWhere stories live. Discover now