4

15 4 0
                                    

Loureen's POV

Nagising ako sa alarm ko ng ala-sais ng umaga dahil before 8:30 dapat 'andon na daw yung mga studyante. Hinanda ko na yung isusuot kong damit, tapos naligo na'ko. Pagka labas ko sa cr, saktong tumunong yung phone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, nakita kong tumatawag si M. Sa aming magka-kaibigan, first letter ng mga apilyedo namin yung naka pangalan sa contacts ng bawat isa. M for Marquez. More like a code name. Its complicated. Sinagot ko yung tawag habang tinatanggal yung towel sa buhok ko.

"Good morning, Die" British accent na sabi ni James.
"Hmm, morning. Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya habang sinasaksak ko yung blower. Ayaw ko kasi na lumalabas akong basa yung buhok. In-on ko na yung blower para tuyuin yung buhok ko.

"May bagyo ba diyan sa condo mo? Anong signal?" sarkastikong tanong niya.
"Ba't ka ba kasi tumawag?"malakas at sarkastiko ko ring tanong sa kaniya.
"Pwede bang patayin mo muna yang blower mo at makinig ka sa'kin, daliiiii" patili niyang sabi. Buti na lang hindi naka lapat sa tenga ko yung phone. Ang lakas talaga ng mga boses . Pinatay ko na yung blower dahil medyo tuyo na rin naman yung buhok ko. Kinuha ko yung phone sa table at dumiretsyo sa kusina para mag handa ng makaka-kain.

"Oh, ano na yun?" tanong ko habang nag to-toast ng tinapay. Nagsalin na'ko ng gatas sa baso ko. Kung sa iba, they can't start their day without coffee. Sa'kin I can't start my day without milk. Kinuha ko na rin sa kwarto ko yung contract para kay Mr. Padion sa investment niya sa company namin. Nilagay ko yun sa table sa may sofa, ipapa-kuha ko na lang kay kuya Leeo mamaya. Siya rin naman yung makikipag-meet kay Mr. Padion to close the deal. And it's also his job.

"Sabay tayong apat pumasok mamaya. Daanan ka namin ni, Rhe diyan mamaya kaya bilisan mo. Dahil may mga papa pi mamaya sa school. As in OMAYGHAD!!! Kaya bilisan mo na diyan. See you later Die, Byeee" kapag usapang pogi talaga, hindi mo mapipigilang hindi tumili yung mga kaibigan ko. Sobra pa sa Energen yung energy nila pag usapang pogi eh.

Pagtapos kong kumain nagbihis na'ko, itinapis ko lang kasi yung towel sa'kin kanina pagkatapos kong maligo. Tinatamad na akong mag suot ng robe kanina eh, 'tsaka wala namang ibang tao maliban sa'kin dito sa condo. Nag suot lang ako ng ripped jeans fitted black and plain caramel shirt tapos converse. I feel comfortable wearing this kind of outfit.

Mas madalas ko ding suot yung mga Nike, Adiddas, Jordan at Converse na mga sapatos. Mas komportable din kasi yung mga yun. Nag susuot naman ako ng iba kaso madalang lang at depende sa mood ko. Pagkatapos kong mag bihis, kinuha ko na yung mga gamit na kailangan ko at nilagay na sa bag. Shoulder bag yung dala ko kasi hindi naman ganon karami yung dala ko 'tsaka nilagay na namin yung ibang gamit sa locker namin nung Sunday. Para hindi na marami yung dala namin pag pasok.

Winag-wag ko lang yung buhok ko dahil yun yung naka-sanayan ko ng ayos ng buhok ko. Mahaba yung buhok ko pero hindi abot sa pwet, medyo kulot ng slight sa dulo, 'tsaka may highlight ng ash grey. Sinuot ko na yung relo ko dahil hindi rin ako lumalabas ng walang relo. Tanging relo lang 'tsaka itim na ipit sa buhok yung nasa kamay ko, hindi ako nag b-bracelet. Pinalitan ko rin yung piercing ko, sa kanang tenga lang ako may piercing. De bale apat yung butas ko, tatlo sa kanan at isa sa kaliwa. Tatanggalin ko na lang kapag pina-tanggal sa school. Nag-aayos ako ng sarili ko ng biglang may nag doorbell, sila na yan. Kinuha ko na yung bag ko 'tsaka nag spray ng pabango.

Pag bukas ko ng pinto naka cross arm si, Rhe at James sa harap ng pintuan ko habang naka taas yung kaliwang kilay. Nag practice ba tong mga toh? Tinignan ko mula ulo hanggang paa yung mga suot nila. Naka ripped jeans na maong si, James. Tss gaya gaya. Naka white polo na Gucci na may design sa dulo ng kwelyo na ahas. Meron din sa baba ng polo. With matching white Nike shoes and then leather na shoulder bag na black. Tss tsss sayang na sayang toh. Hindi ko alam kung kailan siya tutuwid. Masyado niyang pinapahirapan yung sarili niya, ang daming alam sa buhay.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now