Mabie's POV
Ayaw ko sanang umalis sa bahay, ayokong iwan si mom and dad. Ako na lang kasi yung kasama nila sa bahay maliban sa mga maids namin. Sa mga condo kasi nila nag s-stay sina kuya at ate, kaya madalas ako lagi nilang nakaka-sama. I love my parents so much, but I also have the right to decide for myself and say no sometimes. I don't want to get married at the age of 18, I still have a lot of things that I want to do in my life. I can't do that if I'm already married.
Sabi ko kay kuya na kay lolo ako mag s-stay pero na hihiya akong pumunta sa kaniya sa ganitong oras. Baka rin natutulog na 'yon ngayon. Sigurado rin ako na kapag sinabi ko yung dahilan ko, baka mag-away na naman sila ng parents ko at yun yung ayaw kong mangyari. Nag-away na sila dati at dahil din yun sa akin, nag sumbong kasi ako sa lolo ko noon na ipapa-dala ako nila dad sa U.S para do'n mag-aral pero ayoko. Kaya pumunta ako kay lolo at nag sumbong na ayaw kong umalis. Maliit na bagay lang naman yun pero ang tagal bago sila nag ka-ayos ulit at ayoko ng mangyari yun.
My lolo is not that strict. Actually, you'll like his personalities. Strikto lang siya for making decisions, lalo na pag dating sa mga apo niya. He loves us so much, he give us what we want. Mapag biro yung lolo ko at sa aming tatlo nina kuya? Ako yung favorite niyang apo. Mag-isa lang si lolo sa bahay niya, my grandmother pass away 7 years ago.
Na-iyak ako dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Wala rin ako masyadong kaibigan. Nagpa-baba lang ako sa taxi kanina dito malapit sa seleven tapos naglakad-lakad na 'ko. Hindi ko na malayan na naka rating na pala ako sa may park na pinupuntahan ko no'ng elementary ako. Madalas ako dito kasi lagi may nanlilibre sa 'kin ng cotton candy. Napa upo ako sa kinatatayuan ko at niyakap yung mga tuhod ko at umiyak na naman ako. Saan ako matutulog neto ngayon?
"Mavie?" May maling tumawag sa pangalan ko at isang tao lang yung alam ko na tumatawag nun. Inangat ko yung ulo ko at nakita si ate LA na nakatayo sa harap ko. Ang ganda talaga niya, she's almost a perfect girl for me. Kaya nga shini-ship ko sila ni kuya Marcus hanggang ngayon. Kaso hindi naman niya kilala yung kuya ko, pati na ate ko. Basta ang alam niya may ate at kuya ako. Tumayo ako para yumakap sa kaniya at umiyak na naman ako.
"Hey. What's wrong?" Tanong niya habang hinahaplos yung ulo. Hinawakan niya yung mag-kabilang balikat ko at iniharap ako sa kaniya."What happened, Mavie? And......what's with the luggage?" Baling niya sa maleta ko habang tatawa-tawa.
"Ate, its Mabie not Mavie. It's letter B not V. B as in Batchoy not V" natawa naman siya sa sinabi ko. What's funny about that? I'm just correcting her.
"I know. But still, I want to call you Mavie, its sounds classy right?" Sabi niya.
"Whatever, ate" pinunasan ko yung luha sa mga pisngi ko."So, tell me, what happened and what's with the luggage at this late at night?" Hinawi niya yung buhok ko at nilagay yun sa likod ng tenga ko ng tinanong niya yun.
"Nag layas ako or siguro pinalayas ako? It's either the two" sagot ko at tumawa naman siya nang malakas. She's Weird.
"Ikaw lang nakita kong nag layas na naka channel luggage at naka white dress fitted on top hah. Anong brand ba yang dress mo, Mavie?" Natatawang tanong niya sa 'kin. She has still that smile back then."It's from Gucci" tumawa ulit siya sa sagot ko. Ano ba nakakatawa sa mga sagot ko?
"I'm not asking, I'm being sarcastic" she just said that while rolling her eyes at me.
"Well, I'm sorry if my brain system can't process you-being sarcastic"
"San ka pupunta ngayon?" She asked.
"I actually don't know yet" sagot ko."Maglalayas ka sa inyo tapos hindi mo alam kung saan ka pupunta? Alam mo yung plano? Pwede mong gawin yun next time. Balik ka ulit sa inyo ta's pag-planuhan mo muna kung saang planeta ka magba-bakasyon. Kapag tapos ka ng mag plano, saka ka mag layas" naaaaapaka ganda niyang advice sa 'kin, ewan ko ba kung ano na gustuhan ko dito. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niyang yun.
YOU ARE READING
Love to the Fullest
General FictionAndie, can be confusing sometimes. She always do what she wants to do. Always do things on her own. She always prioritize the safety of her loved ones. She always put others first before herself. She's so different, and pain for her is neutral. "It...