Maniex POV
Nagda-drive na'ko ngayon papunta kay Ivo, dahil sa kabilang building lang din yung meeting ko kay Mr. Qkua. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa dinami dami ng lugar na pwede naming puntahan para pag-usapan yung negosasyon namin, eh do'n pa?
Grabe pa kung magalit 'tong kasama ko ngayon, kala mo naman hirap na hirap siyang magka-pera eh. Hanggang ngayon binabangayan parin ako, may kasama pang pananakit.
"Stop!!!" Bigla kong sigaw at hinto ng sasakyan. Kaya parehong umabante yung ulo namin dahil sa bigla kong pag-preno.
"Tama na nga!! Isusumbong kita kay daddy lo, tamo lang" banta ko sa kaniya.
"Sumbungeroooooo" parang batang pang-aasar niya sa'kin. "Tssss" dugtong niya pa bago kinuha yung cellphone niya at naglaro.
Pina-andar ko na ulit yung sasakyan ng tumahimik na siya dahil abala na sa paglalaro ng COD.
Isa ako sa paborito ni daddy lo, kaya siguradong 'pag sinumbong ko siya, hindi siya makakapaglaro sa arcade na meron si, daddy lo.
"We're here" usal ko ng makarating kami sa lugar ni Ivo, bago bumaba ng sasakyan.
"1 on 1 tayo" hamon niya bigla nang makababa ng sasakyan.
"1 on 1 mo mukha mo" sabi ko sa kaniya bago naunang pumasok sa loob."Hindi ko inaasahan na darating kayo" bungad agad sa'min ni Ivo pagkapasok na pagkapasok namin.
"Kailangan pa lang asahan yun?" Biro ni Andie. Binangga muna niya si Ivo, balikat sa balikat bago dumiretsyo papasok.
"Hanggang ngayon, ganyan mo parin ako kung batiin, young lady" pabalik na biro sa kaniya ni Ivo."Ikaw na muna bahala sa isang yan. May aasikasuhin lang ako diyan sa tabi ng lugar mo" sabi ko bago siya tinapik sa balikat.
"Sunduin mo'ko dito mamaya pagkatapos mo. Wala akong dalang sasakyan. Abnormal ka kasi" pasigaw ni Andie.
"Balik ako kaagad. Alis na'ko" paalam ko kay Ivoo.Pagkalabas ko, tinawagan ko muna si KK para itanong kung okay naba lahat. Nasa labas na'ko pero rinig na rinig kopa rin yung dalawa sa loob.
"Bakit ayaw mo ng gumamit ng pana? Tablado kana ba dito?" Si Ivo.
"Gusto mo pati yang samurai na naka display do'n sa pader sa likod mo, gamitin ko rin sayo?!!" Pagyayabang ni Die.
"Tignan natin kung malakas ka pa"
"Aray naman" reklamo ni Die. Binato siguro ni Ivo kung ano man yung hawak niya.Bago ako pumasok ng Club Hills, luminga linga muna ako sa paligid dahil kanina kopa nararamdaman na may nakamasid. Papunta pa lang kami sa restaurant ni Andie, ramdam ko ng may animal pero binaliwala ko lang kasi akala ko napa-praning lang ako. Pero nang mapansin kong merong sinusulyapan si Andie sa likod ko nung nasa restaurant kami, do'n ko na inisip na meron nga.
Dumiretsyo na'ko sa loob nang wala din namang mahagip yung mata ko.
Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko kaagad si Mr. Qkua kasama yung sandamak-mak niyang mga bantay. Itinaas niya ng bahagya yung kanang kamay niya nung dumapo sa'kin yung paningin niya. Ngumisi ako nang bahagya bago ko inayos yung polo ko at isinilid yung kanang kamay sa bulsa ko.
"It is such an honor to meet the only son of Mr.&Mrs. Lorentuo" tumayo siya sa pagkaka-upo niya at inilahad yung kanang kamay sa'kin nang makalapit ako sa mesa.
YOU ARE READING
Love to the Fullest
General FictionAndie, can be confusing sometimes. She always do what she wants to do. Always do things on her own. She always prioritize the safety of her loved ones. She always put others first before herself. She's so different, and pain for her is neutral. "It...