Chapter 2

10.2K 190 7
                                    

Nagising ako pero wala parin bakas na dumating na ang asawa ko. Siguro ay abala siya sa trabaho. Siguro kung nakatapos lang ako ng pag aaral, baka nakakatulong pa ako sa gastos namin.

Gusto ko sanang mag aral ulit pero siguradong hindi papayag si Peter. Nakakapagod din pala ang umupo buong araw.

Umakyat ako sa guest room at humiga. Madalas ako dito matulog dahil iyon ang gusto ng asawa ko. Nakakahiga lang ako sa tabi niya kapag kailangan niyang gamitin ang katawan ko.

Oo nagpapagamit ako sakanya. Sa kama ko lang kasi nararamdaman na mahal pa din niya ako.

Dahil sa sobrang tamihik ng paligid, unti unti akong pumikit.

-------------------

"Ahhh ar--e you sure walang makakaabala satin?"

"Oo naman. This is my house. Let's go."

Nagising ako ng may marinig akong paakyat at nag uusap. Mukhang nakauwi na si Peter.

Ilang oras na ba akong natutulog? Mukhang gabi na naman. Ngayon palang siya uuwi.

Tumayo na ako para maghanda ng pagkain. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto --

"Babe sino siya?" Babe? Sino ang babaeng 'to? Bisita ba siya?

Maganda siya, maputi, maganda ang katawan at malaki ang dibdib. Perpekto ang panlabas na anyo.

Tumitig ako kay Peter at hinitay siyang sagutin ang babae pero hindi ito nagsalita. Nakatinggin lang siya sa ibang direksyon habang nakakapit ang babae sa braso nito.

"Asaw--"

"Katulong ko siya." Nagulat ako ng putulin ni Peter ang sasabihin ko, tinawag niya akong katulong.

Tinignan ako pataas-baba nitong babae. Nakakainsultong tinggin.

"Okay, she does look like a maid. Ha ha ha. Anyway, Ipagluto mo kami. We'll eat later." Pagkasabi nito ay tumalikod na silang dalawa at tumungo sa kwarto.

Tinignan ko lang sila habang palayo sila sakin. Wala ba balak si Peter na bawiin ang sinabi niya?

Gusto ko umalis sa kinatatayuan ko pero tila'y nakapako ang mga paa ko. Dinig ko ang bawat unggol mula sa loob ng kwarto namin.

Hindi ako tanga para hindi malaman na may ibang nakakasiping ang asawa ko. Hindi ako pwedeng magalit dahil alam kong hindi ako sapat para sakanya.

Pero sobra naman yata na isampal niya sakin ang katotohanan na wala na akong halaga sa kanya. Sobra naman ang harap harapan niyang ipakita sa akin ang babae niya.

Kahit gustong gusto ko ng umiiyak ng malakas at ibuhos ang luha ko, tahimik lang akong humikbi. Nang hindi ko na kaya ang mga naririnig ko, bumaba na ako at magsimulang magluto.

Pinunasan ko ang luha ko at nagluto. Sasarapan ko ang gagawin ko para kahit sa ganitong paraan ay maipakita ko sa asawa ko na karapat dapat akong maging asawa niya.

Pagluluto ang isang nagustuhan niya sakin. Sabi niya masarap daw akong magluto. Gustong gusto kong marinig ulit ang mga papuri niya sa akin.

Natapos na lahat ang niluto ko. Naglagay ako ng dalawang plato sa dining table. Isa sa akin, isa sa mahal ko. Nang marinig kong pababa na silaay dali akong umupo.

"That was really hot, Peter. You are huge!" Hindi ko man makita ang reaksyon ng babae ay alam kong masaya ito. Isang mala-diyos ang asawa ko. I can hear the sound of satisfaction on her voice.

"Hey maid. Bakit ka nakaupo diyan?" Nakatinggin ito sakin habang nakataas ang kilay nito.

Hindi ko siya sinagot. "Peter kain na tayo."

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon