Chapter 3

8.3K 162 1
                                    

Short chapter lang. Ginanahan ako mag ud.

----------------------------

Nang magising ako ay puro puti ang nasa paligid ko. Alam kong nandito ako sa lugar na pinaka-ayaw ko, sa ospital.

Paulit ulit ko lang naaalala iyong check up ko noon na dahilan ng paglayo ng asawa ko.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero walang ibang tao, kundi ako lang. Paano nga ba ako napunta dito? Ang naaalala ko lang ay nagkagulo kami at biglang dumilim ang paningin ko pagkarating sa kwarto.

"A-aw" pinilit kong bumangon pero napa aray ako dahil kumirot ang ulo ko. Nakabenda ito. Siguro'y dahil ito sa pagkauntog ko.

Pinilit kong tumayo at tumungo sa pinto. Pagkabukas ko ay saktong dumating ang isang nurse.

"Ma'am okay lang po ba kayo?"

"Oo. Sino pala ang nagdala sa akin dito?"

"Isa pong lalaki. Hindi ko ho alam kung sino siya, pero pagkadala niya sa inyo ay umalis din ito."

Si Peter iyon, sigurado ako. Siya lang naman at ako ang nakatira sa bahay. Pero bakit siya umalis?

Kahit na dismayado ako sa pag alis niya ay tuwang tuwa naman ako. Hindi ko nga din alam kung bakit. Siguro ay dahil sa siya ang nagdala sa akin dito. Kahit papano ay concerned siya sakin.

Bago umalis ang nurse, sinabi niyang pwede na akong lumabas kahit anong oras. Bayad na din ang gastusin, na ikinatuwa ko pang lalo. Hindi dahil nakalibre ako, kundi dahil asawa ko ang gumawa non.

-----------------------------------------

Naglalakad lakad ako dito sa Manila Bay. Gusto ko ng umuwi pero alam kong mainit ang ulo sa akin ni Peter. Ayoko naman madagdagan ang sama ng loob niya kaya nagpasya muna akong manatili dito bago umuwi.

"Ay sorry!" Nabalik ako sa wisyo ng may makabangga sa akin.

"Ayos lang. Di ako nakatingin sa dinadaanan ko." Ani ko.

"Ano ka ba? It was clearly my fault. Halika samahan mo ako sa ice cream store na malapit. Treat ko na para makabawi sayo." Tatangi sana ako pero bigla nalang niya akong hinatak kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila.

Nang makarating kami ay pumila ito at umorder, ako naman ay umupo lang.

"Here it is! Sige help yourself." Sabi nito na may ngiti sa mukha.

Maganda siya. Halatang mayaman at may class. Sexy din siya, at halatang habulin ng mga kalalakihan. Lalo na ang kanyang ngiti, mala anghel ito.

"Did you like it? Alam mo ba you look really nice! Can we be friends?" Dahil sa sunod sunod nitong tanong ay napangiti ako.

"Sigurado ka bang gusto mo ako maging kaibigan. I mean, look at me. Walang wala ako kumpara sa iyo."

"You're maganda naman ha! And to be honest, I've never had any friends like you before. Iyong kaibigan na totoo ang ngiti. All of my past friends are plastics." Dama ko ang bitterness sa mga salita nito.

"Sige friends" inalok ko dito ang kamay ko. Tutal naging maayos naman siya sa pakikitungo sa akin, tama lang na suklian ko ito.

Nagkwentuhan pa kami ng kaunti at nagpalaam sa isa't isa. Bigla kasi siyang nakatanggap ng tawag mula sa boyfriend niya.

Ang sweet nga nilang dalawa. Nakakainggit pero masaya naman ako para sakanya. Hindi ko lang talaga maiwasan ang isipin iyong nakaraan.

Hindi ba pwedeng humiling na sana ganoon din si Peter? Na sana bumalik ang pagiging maalaga niya.

Nagdesisyon na akong umuwi sa bahay. Ihinanda ko na din ang sarili ko sa pwedeng gawin ni Peter sa akin. Alam kong magagalit siya sa akin pero kailangan ko parin gampanan ang mga duties ko bilang asawa niya.

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon