Chapter 10

6.2K 102 15
                                    


PATRICIA

Agad akong nakauwi after pumara ng taxi. Peter couldn't chase me dahil wala naman ito saplot kundi ang boxers lang na minadali niyang isuot noong mahuli ko sila. Speaking of that scene, sobrang nasasaktan parin ako. But tears won't come out anymore. Hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng pagkaubos na ng luha ko kanina habang pauwi, o baka naman dahil expected to ko na.

Paulit ulit ko pa din naiilalarawan ang kanina. Sobrang sakit pero wala akong nagawa. Why did I just stand there? Hindi ba dapat sugurin ko sila? Mag eskandalo doon at ipahiya sila. Pero hindi ko ginawa. I love Peter so much, hindi ko kayang isisi sa kanya kung bakit niya iyon ginawa sa akin.

Tumulo na ang luha ko. I can't breath anymore, pero iyak lang ako ng iyak. Ayoko man aminin, may kasalanan din ako kung bakit nangyari 'to. If I could only bear a child. Naisip ko. And then now I just realized, Peter thinks I'm pregnant.

He thinks I'm pregnant. He knows I'm bearing his child. Alam niyang hindi dapat naiistress ang buntis. But he shook that thought away. Pinili niya parin tirahin ang kabit niya. Sa totoo lang, naiingit ako sa babaeng kasama niya kanina. She looked gorgeous. Her body is perfect. Modelong modelo ang dating niya. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit siya pinatulan ng asawa ko.

While me, siguro nga maganda ako sa mata ng iba, but not for my husband. Not anymore. Walang wala ako sa babae ni Peter. Kung tutuosin, I'm just a piece of trash compared to my husband's mistress. Pero maganda naman siya, sobra pa nga. Why my husband? Bakit sa lalaking may asawa na? Hindi ba niya kayang makabingwit ng mas mayaman sa asawa ko? Of all people, bakit si Peter pa ang napili niya?

I can hear footsteps towards the guest room kung saan ako. It's funny how I know that it's my husband just by hearing those footsteps. Siya kaya, does he even know anythong about me? Maybe not, sa mula noon pa man tuwing magkikwento ako sa kanya about myself, he always looked uninterested. Siguro nga walang may gusto marinig ang madrama kong buhay.

I heard knocks on the door. I didn't bother to open it. Para saan? To see him? Parang sobrang sakit pa rin. Looking at him will remind me of what I witnessed in their condo. Tanga at manhid siguro ako, pero di ko naman kaya ang sobra sobrang pasakit sa isang araw. Ang dami ko nang natiis pero masakit pa rin pala.

"Baby, please open the door, I need to explain." He says with his pleading voice. I'm covering my whole face with pillows. I don't want him to hear my sobs. Ayokong isipin niya na susuko na ako, na I'm weak.

"Leave me alone. Kahit ngayon lang Peter." I managed to talk kahit umiiyak. Narinig ko ang yabag palayo. Gosh, thank you. The least thing I want in my life right now is for my husband to see me crying. Lagi niya nalang ako nakikitang umiiyak. Naisip ko, maybe he wants brave girls. Iyong mga babaeng malakas ang dating dahil mataas ang confidence nila. Baka iyon nga ang gusto ni Peter.

Bigla akong napabangon ng marinig ang pagbukas ng pinto. Dang! Nalimutan kong hawak niya lahat ng susi sa bahay. Agad akong tumakbo papasok sa banyo. No, ayokong makita muna siya. "Peter parang awa mo na, huwag muna ngayon. Hindi ko kaya." Sabi ko. I know he can hear me. Sana naman hayaan niya muna akong makahinga kahit sandali.

Ilang minuto ang nakalipas, he sighed. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto kaya naman lumabas na ako. I really need space right now, pero hindi ang space na hiwalayan na. I can't let him go now, not this time. Madali niya akong mapapalitan, hindi lang naman puso ko ang sobrang masasaktan nangyari iyon, kundi pati ang pride ko.

After ilang oras ng pag iyak, tumigil na din ako. My eyes are hurting. Pero walang mas sasakit pa sa puso ko. I've been strong all this time, sisiw nalang siguro ito sa akin. At isa pa, matagal naman na ako naghihinala. Ito ang sinasabi kong dapat mong paghandaan, sermon ko sa sarili ko. Maya maya pa ay pinikit ko na mata ko at pinilit matulog.

PETER

I'm in the living room right now and drinking. Nasaktan ko ang asawa ko, pati na din ang anak namin. I want to punch myself for hurting them! Pero hindi ko talaga matangihan si Farah. Noong tumawag kasi siya sa akin, she said her tummy is aching. Nabuntis ko din siya, kaya natakot akong may masamang mangyari sa anak namin.

Parang noon lang I wanted to have a child, and now magkakaroon na sa dalawang magkaibang babae. I feel bad for my wife for cheating, pero hindi ko naman kakayanin na iwan nalang si Farah at ang anak namin sa ire. Kanina, akala ko talaga mapapahamak na si Farah, kaya pumunta ako sa condo, not knowing na sinundan ako ng asawa ko. Ngayon naman, medyo magaan na ang pakiramdam ko. At least she already knows na may iba ako at we make love with each other.

I tried to talk to her kanina to say sorry and explain to her why this happened. Gusto ko din humingi sakanya ng pabor. Hiniling kasi saakin ito ni Farah bago ako umalis sa condo kanina. I couldn't say no dahil na rin sa sinabi niya na ilalayo niya ang anak ko kapag hindi ko ito sinunod. At ayokong mangyari iyon.

"I went to the doctor and she said ny pregnancy is really sensitive. I need you to take care of me. I need you to be beside me all the time." Ani nito na parang sobrang dali ng hinihiling niya.

"But buntis din ang asawa ko. We're still married at dala dala niya ang anak ko." Paliwanag ko dito. Kahit naman mahal ko si Farah, sobrang naman na iwanan ko ang anak ko sa asawa ko.

"Fine! Kung yan ang gusto mo! But remember, lalayo ako kasama ng anak ko at di mo na kami makikita pa." At tumalikod na ito para kunin ang maleta niya. Nataranta ako bigla at niyakap siya patalikod. I can't let them go.

"Oo na. I will take care of you  pero I also need to go home. Hindi ko namann kayang maghati ng katawan para sayo at sa asawa ko kaya baka I can't give you my full attention." Naramdaman ko nalang na tumutulo ang luha nito sa mga braso ko. She faced me while crying.

"Kung ganoon I have an idea. What if tumira nalang ako sainyo?" Sa gulat ko ay mahina ko itong naitulak.

"What?! Hindi naman pwede iyon!" Nakita kong nagbabaga ang mga mata niya but she's still crying. Alam niyang weakness ko ang pag iyak niya. She knows it too well kaya ginagamit niya ito sa akin.

"Baby don't cry please. Sige na, I will try to tell her. Basta wag ka munang gagawa ng kung ano at ingatan mo muna ang anak natin." Kahit labag sa kalooban ko ang gagawin ko, I have to. Maybe Farah is right.

Maalagaan ko silang dalawa if they're both under my roof. Hindi masamang ideya pero ang problema ko nalang ay kung paano sasabihin kay Patricia. Alam ko naman na matatanggap niyang nagloko ako, but getting someone pregnant at papatirahin pa sa bahay namin, I don't think so. Kaya dapat kong sabihin to sa asawa ko without surpising her. Or else I will lose both Farah and her, pati ang mga anak ko.




+++ HELLO EVERYONE! THANK YOU FOR READING. I will update for the next chapter when this chapter reaches 20 votes. Keep reading and enjoy!

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon