Chapter 7

7.9K 108 1
                                    

P A T R I C I A

"P-peter uhm ang totoo niyan, that pregnancy test is ......

Mine."

Sh*t! I can't lie to him, pero kung ito lang ang paraan para mag stay siya, I need to stick with this. I made up my plan. I will pretend to be pregnant. Kapag nakumbinsi ko si Casie, I will adopt her baby at siya ang magiging anak ko.

If it fails at ayaw niyang ipaampon ang anak niya, I will adopt another baby. Kailangan ko ng maraming back up plan. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos.

Bigla siyang napayakap sa akin and showered my face with sweet kisses. Peter continued to say words like "Thank you" and "I love you" ng paulit ulit. Expected ko na ang reaksyon nito pero sa totoo lang, kinikilig parin ako. He wanted this a long time ago.

"Ilang linggo na?" He said na halata ang pagka excited nito.

"Ha? Um, t-tatlong linggo na." Nauutal ako dahil sa sobrang kaba.

Marami pa itong tinanong. Kung ano ang gusto kong kainin, kung may masakit sa akin at kahit pati ang pangalan ng magiging anak namin pinag iisipan na niya.

Hanggang sa matutulog na kami ay
nakayakap parin ito sa akin. I find it possessive pero sweet. He shows so much love for our baby. Our FAKE baby. Hindi naman peke ang bata, pero ang pagbubuntis ko.

"Thank you baby. Sobrang tagal ko nang pangarap 'to. Let's celebrate bukas. But for now, matulog na tayo." And he put his arm around me.

"Sige. I love you." I said habang naka spooning position kami. Pangarap ko din ito.

"I love you so much, you and our baby. Goodnight baby." He said and kissed my hair. Unti unting bumagal ang paghinga nito at nakatulog na.

Nakakatuwa ang naging pagbabago ng relasyon namin. Biruin mo, isang araw lang maayos na kami agad. At dahil iyon sa pregnancy. Isang bagay na wala akong kakayanan gawin.

Hindi ko maatim na magsinungaling, lalong lalo na sa mahal ko. Pero ito nalang ang natitirang alas ko para bumalik ang loob ni Peter. Ito nalang ang kaya kong gawin. Nang mapatinggin ako sa orasan, dos na pala ng madaling araw. Hindi ako makatulog ng mabuti. Siguro dahil sa guilt, hindi ko alam. Occupied ako ngayon.

Napatinggin nalang ako sa braso ni Peter na nakayakap sa akin. I have to enjoy this moments now. Kung sakali kayang malaman niya ang totoo, yayakapin pa ba niya ako ng ganito?

Tanga Tricia, sa tinggin mo ba magagawa pa niyang kahit tignan ka pag nalaman niya ang iyong ginawa? Clearly, no. Pero wala na akong magagawa. Kaysa mag isip ng kung anong susunod na mangyayari, mabuti pa'y ako'y matulog na. After so many months, ngayon lang kami ulit natulog ng ganito. Mapayapang magkatabi. Dahil sa pagod at antok, I closed my eyes and rested.

---------------------

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Tila napapaso na ang balat ko. Late na akong nagising sa sobrang kakaisip. I looked beside me, but Peter isn't here. Pumasok na siguro iyon. Nakakalungkot na katahimikan nanaman ang titira sa bahay namin buong araw.

After fixing myself, bumaba na rin ako. But to my surprise, nakita ko ang asawa ko na nagluluto. Nasa huling baitang ako ng hagdan at napatitig sa kanya. Unang beses niyang ginawa ito para sa akin. Napangiti ako. Tama nga siguro ang desisyon ko na panindigan ang mga plano ko.

"Ako na diyan, maupo kana. I'll finish it at kakain na tayo." Ani ko. Gulat naman itong humarap sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at itinuloy ang ginagawa niya. Sumunod naman ito at umupo.

"Ah babe, I need to go somewhere after breakfast." Peter. Gusto kong malaman kung saan siya pupunta, but instead of asking I just nodded.

Maybe I'm used to it, na hindi magtanong tungkol sa mga gagawin niya. He has always been secretive. Siguro nasabi ko na sakanya ang kwento ng buhay ko, but him kaunti lang ang alam ko sakanya.

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon