Chapter 16

4.7K 85 35
                                    

C A S A N D R A
(Her last POV/bye girl)

Alam kong magagalit siya sa akin for changing my mind. Pero hindi ko din naman ginusto ang mga nangyari eh. I never wanted to love my baby pero I did. Siguro nga I planned na saktan ang anak ko, pero iba na ngayon, I will do everything to protect my child now. I know Patricia will feel betrayed, pero hindi na kayang ibigay ang anak ko. Hindi na ngayon na bumalik na ang ama ng anak ko. Pinaasa ko ang kaibigan ko, but what can I do? Ina ako at di ko kayang iwan nalang ng basta ang anak ko. Maybe it was because of stress kaya ako nakapagbitay ng mga ganoong salita, but ngayon, I'm keeping this child at bubuo kami ng pamilya ng magiging ama ng anak ko. Sobrang selfish ng gagawin ko pero I know one day she's going to forgive me. Sana.

P A T R I C I A

Ilang buwan na din ang nakalipas mula ng huli kong nakausap si Casandra. She betrayed me. Akala ko desidido na siyang ibigay ang bata sa'kin. Trusting people too much is my biggest problem. Ang dali kong mahulog sa mga pangako at mga pambobola. Siguro nga ganoon ako katanga. But to be honest, naiintindihan ko siya. Kahit hindi pa ako naging isang ina, lagi kong naiimagine kung ano ang pakiramdam na maging isang ina na kayang ibigay lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.

Speaking of pagiging ina, hindi ko parin nasasabi kay Peter na hindi talaga ako buntis. I don't have the guts to tell him the truth. Paano nalang ako kung babalik nanaman kami sa dati. Buti sana kung pisikal na sakit lang eh, pero hanggang sa pinakadulo ng buhok ko durog na durog na sa sobrang sakit ng puso ko tuwing tinatrato niya ako na mas masahol pa sa hayop. I would always ask myself why I'm punishing myself by staying. Pero the thought of letting him go, parang mas di ko kakayanin.

Gustong gusto ko na sabihin sakanya ang totoo, but how will I start it? Paano ko sasabihin sakanya na I've been fooling for so long? Paano pag bumalik kami sa dati at mas lalong grabe ang pananakit niya this time? Sobrang dami kong naiisip na pwedeng kahantungan ng pagtatapat ko sakanya.

He'll be away for a week now dahil mayroon daw siyang  business trip in Hawaii. Ayoko sana siyang payagan pero nasigawan niya ako ng kaunti noong pinipilit ko siyang magstay nalang dito. He said he needed a break from me. Nakakasuffocate daw na makasama at makita ako araw araw. Unti unting bumabalik ang pagkacold niya sakin but siguro dahil lang din sa stressed siya.

Di naman nakakapagtaka kung bakit mainit ang ulo niya lagi. Especially dahil he works in his dad's company. Noong magnobyo pa lamang kami, malayo na talaga ang loob niya sa kanyang ama. It was because his mom died dahil nagsuicide ito after siyang hiwalayan ng daddy ni Peter. Ni minsan, sa tagal ng pagsasama namin, ay naikwento niya sa akin kung ano talaga ang nangyari sa pamilya niya, why his parents separated. Naririnig ko noon na dahil daw babaero ang tatay ni Peter.

Siguro nga sinasaktan ako ni Peter. Pero wala na sigurong mas sasakit pa kung iwan niya ako para sa ibang babae. Oo nga't he brought girls in and out of our home, pero ibang usapan naman na iwanan niya na ako ng tuluyan. I can't even stand the idea of him looking at other women. Hindi ba ganoon naman pag nagmamahal ka? Nagseselos ka sa lahat ng may potential na agawin ang mahal mo. Gaya ng mga kabataan ngayo. Pag may ibang picture na pinusuan ang jowa, bigla nalang magiging halimaw na kayang saktan ang lahat wag lang maagaw ang kanya.

P E T E R

Hindi ko alam kung gaano siya katanga to believe na I have a business trip in Hawaii. I'm obviously here to meet my other woman. Akala ko naman magaling ang mga babae dahil sa mga women instincts nila. Anyway, nandito talaga ako to meet Farah. It's only a week long trip para naman makasama ko sila ng anak ko ng mas matagal at walang istorbo. Pero it seems like I need to extend my vacation here dahil Farah is still not here. She told me na kailangan niya muna magstay sa Pilipinas for 2 days dahil may kailangan pa siyang gawin.

Kaya naman I'm here in our hotel alone. Hawaii is such a nice place. I would love to live her for the rest of my life kasama ang magiging pamilya namin ni Farah. She's all I can think about. Para bang just a thought of her makes me feel complete. I may sound corny and less manly right now, pero I feel kilig whenever I think of Farah. Para akong bumalik sa aking kabataan.

Except in my younger age, kay Patricia ko naramdaman ito. Siguro nga people really change. I tried to be ad good as possible to her nitong mga nakaraang week.  But I just couldn't treat her the way I used to noong mga bata bata palang kami. It just doesn't feel the same anymore. Kahit yata kunting pagmamahal para sakanya wala na. Hindi ko lang talaga siya maiwan iwan for now. I am just too busy with other things kaya di ako makakuha ng chance na mag open up sakanya about annulment.

Sigurado naman ako na hindi siya papayag so I will just keep being cold. Isang araw alam ko na siya din ang susuko sakin. And when that day comes, sisiguraduhin ko na I will be the happiest man to ever live. My only problem is that buntis siya. She might not give the child to me kung bibiglain ko siya about separation. Sigurado naman ako na Farah will help me out with that matter.

I tried calling her phone pero walang sumasagot. Is she okay? Ugh, napaparanoid nanaman ako. Baka busy lang siya.

But I'm really concerned. Para kasing may problema talaga siya eh. Lagi naman kasi siyang sumasagot sa tawag ko. I wonder why she won't answer it now.

Pumasok ako sa kwarto and bigla kong naalala na I have to inform dad something. He's the worst  father in the world pero sakin din naman mapupunta ang lahat ng yaman niya when he dies. So what's the point of acting rude to him. Kahit gaano pa ako kagalit sakanya, I need to be smart.

Bakit nga ba ako galit sakanya? Because he didn't play basketball with me as a child? Dahil sinasaktan niya ako noon at ang mommy ko? Maybe dahil nagpakamatay ang mommy ko dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya. For being a womanizer na kung sino sino ang kinakama? Or maybe a mix of everything.

But wala na iyon. I've already got even mula bata palang ako. I stole the only woman he really loved. She was a 19 year old girl and I was 16. Naseduce ko siya sa ganoong edad. That's when my dad felt how it was like losing the woman you love to someone. Siguro nga hindi sapat ang nagawa ko para bumawi sa lahat ng pananakit niya sa amin. But to me, that was more than enough. Dahil nakita ko sa mata niya iyong sakin na nakita ko sa mata ng mommy ko.

Tinatawagan ko na ang daddy. Walang sumagot so I redialled his office phone.

"Hello" her voice seems so familiar.

"Love who is it?" I heard my dad's voice in the background.

Was that.. Farah?

------
Gosh! Finally naalala ko ang password ng account na 'to at nakapag-update na ako!

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon