Chapter 9

5.9K 126 9
                                    

PATRICIA

Nagkasundo na kami ni Casandra, or Sandra as I usually call her. Hindi pa malinaw kung paano ako magpapanggap na buntis, pero I have started my plans. Sinisigurado ko muna na tamang tama ang kalalabasan nito. I can't lose Peter just because of my disability. Hindi naman tama na maiwanan ako dahil dito. Sabi nga nila, kapit sa patalim. Kahit kailangan ako ang masaktan, basta nasa tabi ko lang siya ay kakayanin ko. Ilang sampal at tadyak na ang tiniis ko, walang wala lang itong pagpapanggap ko na buntis.

Habang nagluluto ako ng breakfast namin, narinig ko na may pababa sa hagdan, it's my husband. Napakaperpekto nito sa paningin ko. Nakakapagtaka lang kung paano niya ako nagustuhan noon samantalang parang langit siya at lupa ako. Na sakanya na ang lahat ng hinahanap ng isang babae. Tama nga siguro na tiniis ko lahat. Isa namang magandang kinabukasan ang maghihintay sa akin, sa amin.

Kakagising lang siguro nito kaya tila balisa siya. Iniwan ko sandali ang niluluto ko para yumakap dito. "Good morning mahal." Aniya ko at sabay halik sa pisngi nito. Ang tagal na mula ng mahalikan ko ito ng di siya umiiwas. Ngumiti lang ito pabalik at umupo na. Binalikan ko ang niluluto at tinapos. Binabantayan niya ako at nakakatitig siya sa akin.

Bakit siya seryosong nakatinggin sa akin? Alam na ba niya na hindi ako buntis? No, paranoid ka lang Patricia. Stop thinking nonsense. "Hey may problema ba?" Tanong ko dito habang naglalagay ng pagkain sa plato nito.

He just shook his head at nagsimula ng kumain. Kumuha na din ako ng niluto ko at sinabayan siya. Hindi ito nagsalita hanggang matapos kami, na mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi ako kumbinsido na wala siyang problema. You can see it in his face, na tila gulong gulo ito.

After doing the dishes, pumunta ako sa living room kung saan siya naroon. Natinggin lang ito sa hindi naman naka-on na tv. "Peter ano ba, can you tell me what's wrong?" Medyo napataas na ang boses ko dahil pakiramdam ko naglilihim ito sa akin. May problema nanaman ba kami? I don't know kung paano siya magiging okay kung ililihim niya sa akin ang iniisip niya.


"Mahal, patawarin mo ako." Bigla itong lumuhod sa harap ko with his head down. Nataranta ako at pinilit siyang itayo. Ano ba'ng nangyayari? Hindi parin ito tumayo at paulit ulit na humingi ng tawad.

"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Patawarin niyo ako." Mas lalo ako naguluhan sa mga sinasabi nito.

Biglang nagring ang phone nito. Agad siyang tumayo at sinagot ang phone nito sabay naglakad palayo kung saan ako naroon. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari gulong gulo ako.

"Ano?! Sandali lang pupunta ako diyan!" Sabi nito sa kausap. Nagulat ako ng dali dali nitong kinuha ang susi ng sasakyan niya at umalis nalang bigla. Gulat man ay agad ko itong sinundan. Tamang tama at may taxi na dumaan kaya agad ako sumakay.

"Manong sundan niyo po iyon." Sabay turo sa sasakyan ng asawa ko na medyo may kalayuan na sa amin.

Alam kong hindi siya madalas magsabi ng mga problema niya, kahit noon pa mang magkasintahan pa lang kami. Pero parang iba itong ngayon. Sobrang kinakabahan ako sa di malaman dahilan.

Maya maya pa ay tumigil ito sa entrance ng isang building. Bumaba ako at inabot ang bayad sa taxi. Di na siya nag abalang magparking. Kahit sobrang lapit lang ng paradahan.

Agad akong lumapit sa front desk para magtanong ng di ko na matanaw si Peter. "Excuse me, saan daw papunta iyong lalaking kakapasok lang." Tanong ko rito.

"Kaano ano po ba kayo ni sir Peter?" Kilala niya nga ang asawa ko. It's either sinabi niya ang pangalan niya, or madalas siya ditong pumunta. That thought made my heart beat faster. Ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nandito?

"I'm his wife." Pagkasabi ko dito, parang medyo nagulat siya. Agad naman niyang sinabi kung san ako pupunta kaya sumakay ako agad ng elevator.

"Bakit kaya siya nandito?" Bulong ko sa sarili. No one is here except for me kaya mas nakakapag isip ako ng mabuti. Hindi kaya bumili siya ng condo para sa next anniversary namin? Is this his suprise gift?

Nang bumukas ang elevator, agad akong lumabas para hanapin ang room 346. Nahanap ko ito agad. I was about to ring the bell ng makitang bukas pa ang pinto. Instead of ringing, pumasok nalang ako ng walang permiso.

Medyo may kalakihan ang lugar, pero hindi ako nag atubiling lumibot pa ng may marinig akong inggay mula sa isang kwarto. I slowly walked towards the room at binuksan ang pinto.

And that moment, unti unting tumulo ang luha ko sabay ng pagharap sakin ng asawa ko at ang babaeng pinatungan niya. Kita sa mga mata ni Peter ang pagkagulat. While the girl is smirking at me. They are doing each other, and I saw it with my own eyes. Sobrang sakit sa akin na tignan ko sila.

"Patricia let me explain please." I can only see a blurry vision of them. Bakit ang sakit sakit?

"Patricia!" At tumakbo ako palabas kahit na paulit ulit akong tawagin ni Peter. Ang sakit pala. Is this the surprise that I wanted?

Is this my karma for lying about my pregnancy? Durog na durog ang puso ko ngayon. I feel worthless. I can't see people around me anymore, pakiramdam ko I'm alone. But why is this so suffocating?

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon