Chapter 15

6K 88 22
                                    

P A T R I C I A

Nang makarating ako sa mall, pumasok ako agad sa isang shop para tumingin tingin. Wala akong balak bumili dahil wala naman akong pera. Hindi dumating si Casandra sa pagkikitaan namin. She said emergency came up at di siya makakapunta kaya naman pumunta nalang ako sa mall dahil malapit naman ito sa pagkikitaan sana namin. Nang mainip na ako sa kakaikot sa loob ng shop lumabas ako. Sakto namang natanaw ko ang isang store para sa mga pregnant women at baby clothes.

I entered the store dahil gustong gusto ko na ibili ng damit ang magiging anak ko. Ang saya siguro sa pakiramdam ng magkaroon ng maging tunay na ina. Iyong excitement at syempre takot pagdating ng pagsilang sa bata. Casandra is lucky dahil she knows how it is like to be pregnant. Pero may lamang naman ako sakanya. My husband is still with me, pero ang nakabuntis sa kanya ay wala padin.

Speaking of my husband, natatakot ako na baka isang araw tanungin niya kung bakit hindi lumalaki ang tyan ko. Mayroon namang paraan para magmukha akong buntis, pero paano pag nalaman niya?

I shook my thoughts away. No, he will not find out. Hindi ako makakapayag na sirain ulit ang pangarap niya na magkakaanak kami.

Papasok na ako ng makabangga ko ang isang babae.

"Sorry." sabay naming sabi.

"Pasensya na, hindi kasi ako nakatinggin sa dinadaan ko." I said. She just smiled at me. For some unknown reason, I got goosebumps. Hindi naman dahil may nararamdaman ako multo o mukhang ugat ng puno ang kaharap ko. I just can't explain it.

"No need to say sorry, it's my fault too. Farah nga pala." And she offered her hand so nakipagkamay ako. Bilang isang babae, praising another girl is not very common. Pero ang isang ito, she is truly beautiful. Even her hands are soft and they look perfect.

"I'm Patricia Ocampo. Nice to meet you." At nginitian ko din ito. Mukha naman siya mabait na tao. She looks harmless. How can someone look this beautiful? Mukha siyang dyosa na sobrang bait.

Nakita ko na medyo nagulat siya sa sinabi ko. Which is why I'm puzzled too. May mali ba akong nasabi? Pangalan ko palang naman ang nasasabi ko.

"Is there anything wrong? Mukhang nasuprise ka yata sa name ko." I asked her.

"Ahh wala naman. You have a beautiful name. That name will be mine soon." Ani nito. I didn't hear her last sentence dahil pabulong lang niyang sinabi ito. Napangiti nalang ako sa compliment nito.

"By the way, ilang buwan ka na? Are you with your husband?" Tanong ko dito ng makitang wala itong kasama. It's dangerous pa naman for a pregnant woman to be in these kind of places lalo na at mukhang kakasimula palang nito magbuntis.

Yes, siguro nga wala pa akong experience pero I do my research. Baka kung sakaling totoong mabuntis ako ay alam ko na ang mga gagawin ko.

Nakita ko na nagdilim ng kaunti ang mga mata niya. I think my question was too personal. "Sorry, I'm asking very personal questions ha." Paumanhin ko dito.

"Actually my child's father was with me kanina. Nasira nga lang ng may dumating na delubyo so he had to go. Pero it's okay. Next time, he'll be able to freely go with us na walang alinlangan." And she smirked. I don't know what she meant by that pero sinuklian ko nalang siya ng ngiti. Sabi nila pregnant woman says weird things kaya naman hinayaan ko nalang siyang magsalita.

"Sige Farah, I'll just go in the store. Magtitingin lang." And I waved goodbye to her.

"We'll meet again, Mrs. Ocampo. " And she turned her back.

I started doing window shopping as soon as she left. Pero may isang bahagi sa sistema ko na natatakot. I don't know why I'm feeling this pero I don't like it. Parang may masamang paparating. Or maybe I'm just paranoid. Mababaliw na yata ako sa dami ng iniisip ko.

F A R A H

So siya pala so Patricia. She looks different in person. Mukha siya losyang at sobra simple manamit. Kung ako ay matatawag na fashionista, she's my total opposite. Perp gayunpaman, I won't deny na may ganda siyang taglay. But that beauty couldn't keep her man.

I'm much better than her. Meron akong appeal which hooks many guys. That b*tch doesn't even know how to dress herself. Halatang pabaya siya sa sarili. No wonder why Peter left her. Siguro nga't maganda ang kanyang maamong mukha, but that isn't the trend today. These days, strong women slays.

She even dared to go to that store. Mahal ang store na iyon because they have branded clothes. Sigurado naman ako na she csn only look at them dahil wala si Peter na ginagamit niya as her personal bank. From what I've known, mas mahirap pa siya sa akin. Which is sobrang halata naman from how she looks. Sobrang cheap.

I wonder how she got Peter to marry her. Maybe she used her body. Too bad dahil mas magaling ako sakanya. She couldn't even give him a baby immediately.

I tried calling Peter para ibalita sakanya na I've finally met yung babaeng soon to be his ex wife pero busy ang phone nito. Maybe nakatulog lang siya sa sobrang pagod. Anyway, kaninang nakita ko siya, mukhang mabait naman. Madaling utuin at lokohin. I feel bad for her dahil sobrang clueless niya.

Lahat ng sinabi ko sakanya, I mean it. I will be Mrs. Ocampo at mapapasakin lahat ng kanya ngayon. I will make sure na wala siyang habol o kahit ang anak niya kay Peter. Kami ang magiging priority ni Peter, while her. She will go back to the dirt that she belongs to.

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon