Chapter 8

6.6K 99 6
                                    

PATRICIA

Tinawagan ko si Casandra or Casie para makipagkita sakanya. I used Peter's phone kaya kailangan kong burahin ang mga calls at messages namin ng kaibigan ko. I haven't discussed my plan with her, pero sana pumayag siya. Nakasalalay ang kapalaran ko sa desisyon niya. I have to convince her.

Halos isang linggo na din mula ng sabihin ko kay Peter ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ang daming magandang pagbabago ang nangyari sa amin. Pero may mga pagkakataon na tulala ito at malalim ang iniisip, kaya hinahayaan ko nalang. Pagod lang siguro.

Pinayagan niya din akong lumabas labas pero I have a curfew. He also gave me a phone as his gift. At sinabihan niyang tawagan ko siya pag may emergency. Sa mga ginagawa niya, I feel secured. I feel loved. Ganito kami noon. He is possessive pero hindi naman mahigpit. He limits my action but I can decide for myself. Sobrang saya ko dahil bumabalik na kami sa dati.

It's 10:00 am at nagsimula na akong maghanda para sa pagkikita namin ng kaibigan ko. Maagang umalis si Peter sa trabaho. Earlier than before. Nakakapagtaka nga pero siguro dahil lang sa overtime. He's making sure of our future. I hit a jackpot ng maging kami. Peter is everything a girl would ever want. Nasa kanya lahat ng katangian na gustong gusto ng mga kababaihan. It's almost 12 ng matapos akong mag ayos. Ganito naman talag ang mga babae hindi ba? Pagpili pa lamang ng damit, aabutin na ng halos isang oras. We will stare at our clothes, decide, and eventually iba ang isusuot natin. It's funny how we take time thinking about choosing something pero doon lang din tayo babagsak sa desisyon na hindi natin naisip na pipiliin natin.

Tumawag nalang ako ng taxi at nagpunta sa tagpuan namin. We are going to meet at a restaurant dahil na din sa cravings ko. Cravings from my fake pregnancy I should say. I heard they serve crabs in that restaurant. Paborito ko iyon kainin. Parehas kami ni Peter na mahilig sa seafood. Ilang buwan na din kasi mula ng nakakain ako nito. We only eat easy to cook food or mga lutong bahay ko. Which is puro vegetables and a little meat. Hindi naman sa wala kaming pambili, I think Peter is too busy to go to groceries. At hindi rin naman ako makalabas noon.

After few minutes nakarating na ako. Pagkapasok ko sa restaurant, nilibot ko ang tinggin ko but I didn't see Casandra. Sabi niya'y baka ma-late siya ng kaunti.

"Hello miss." I said as I try to get the servant's attention. Lumapit naman ito sa akin.

"We made a reservation under the name of Miss Sandra." Pormal kong sabi dito. I'm not from a rich family pero may pinag aralan din naman ako.

"This way please, Ma'am." And he guided me to my seat. Naupo naman ako and waited for my friend. I'm getting hungry again. Kaunti lang ang nakain ko this morning and now I can smell food pero hindi ako makakakain. I have to wait.

Makalipas ang limang minuto, I saw her coming towards my direction. Nakangiti lumapit sa akin so I stood up and we hugged each other. Umupo ito at nag order muna kami.

"Hello dear. Kamusta naman ang kaibigan ko?" She said.

"I'm fine. And you, maayos ka na ba? Are you doing okay? Ang baby mo?" Sunod sunod kong tanong. Sobrang worried ako sa kanya.

"Hey hey isa isang tanong lang. But sa totoo lang, I'm not fine. Hindi ko kayang saktan ang bata but I can't have this child." Sabi nito na problemadong problemado.

This is the perfect time to offer her my plan. She will benefit din naman. She can get rid of the baby without any harm.

"So, what's the reason behind this meeting? May problema ba?"

"Sandra, di na ako pagpapaligoy ligoy pa. I want to adopt your baby." Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Natahimik kaming dalawa. Tila nag iisip ito ng sasabihin. And me, I'm wishing na sana pumayag siya.

"Aalagaan ko siya, Casandra. I will be the mother hanggang sa magkaroon kami ni Peter ng sariling anak.I can promise you a good future for this child. Kaya parang awa mo na, let me adopt your child." I said as I beg and assured her. At oo, kahit makuha ko man ang batang ito, I still want a child of my own. Batang galing sa akin, dala ang dugo at laman ng asawa ko.

"I know you can't bear a child. Pero sigurado na ba kayo dito?" Ani nito.

"Casandra, ang totoo niyan Peter doesn't know this. This is all my plan para mabalik kami sa dati at mabuo ang pamilyang pangarap namin. Pagpapanggap akong buntis, and your child will be my child. This is the only way I know. Kaya please, help me Sandra." Hinawakan ko siya sa kamay. If she wants me to kneel, gagawin ko pumayag lang siya.

Nakatitig ito sa akin. And I'm looking with pleading eyes. Sana makipag cooperate ang kapalaran sa akin. After a minute of silence nagsalita na din ito sa wakas.

"Pumapayag na ako."

Hurts and BetrayalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon