04

167 8 0
                                    

"Ate, daan tayo sa jollibee. Nagugutom na po ako." Levi said, exactly twelve thirty na din kasi ng tanghali.

"Okay, ano ba ang gusto mo?" I replied immediately, nagugutom na din ako, eh.

"Fried chicken with rice, spaghetti and pineapple drink." He said cheerfully.

Dahil doon ay natawa kami ni Ethan, lalo na nang lumiko ang sasakyan papasok sa drive thru. "Ano sayo?" Tanong ng lalaki.

"Fries, burger and coke float lang. Bilihan natin si Aliza ng spaghetti at fries then sundae," bilin ko, tumango naman siya bago sabihin ang order namin.

Ibibigay ko na sana ang pera sakaniya kaso tumanggi 'siya nalang daw ang mag babayad', wala akong nagawa kaya hinayaan ko nalang. Habang pauwi ay tahimik lang kami, busy si Levi sa backseat habang kumakain, ako naman ay paminsan-minsan na  sinusubuan si Ethan ng fries.

Pagdating sa bahay ay agad kaming bumaba, kinuha muna ni Ethan si Aliza kay tita Ali bago isama papasok sa loob ng bahay.

Nasa kwarto kami ni Ethan ngayon, the two kids busy watching the peppa pig while eating.

"Gawa tayo ng pamilya... soon," Ethan said as he grinned, two dimples coming out again.

"Asa! Hindi nga kita mahal, eh." I said before I lightly slapped his cheek.

Lalo namang lumaki ang kaniyang ngisi, "aysus, hindi mag tatagal mahuhulog ka din sakin." He said as if he was absolutely sure that I would really love him.

Arrogant.

"You said so," I just said before shrugging.

I was leaning on the head board of the bed so he quickly wrapped both arms around my waist, then he pressed his head closer to my side.

"Inaantok ako," he said in a sleepy voice, I seem to believe that the man slept late.

Hinayaan ko lang si Ethan na matulog bago balingan ng tingin ang dalawang bata na nanonood. Nakayakap na si Aliza sa human sized bear habang ang mata ay papikit-pikit na, si Levi naman ay naka dapa na din.

Nang tuluyan na nakatulog ang dalawang bata ay maingat kong tinanggal ang braso ni Ethan na nasa bewang ko bago ayusin ang higa ng dalawa.

Natatawa ako habang tinitignan ang litrato ng tatlo sa film na hawak ko. Ang paa kasi ni Aliza ay nasa mukha ni Ethan habang nakaunan naman si Levi sa tiyan ng lalaki.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at kunuhanan ng litrato ang film bago naisipang ipost sa instagram. Nilagyan ko ito ng caption na 'cute', pag ka-post palang ay nag gain na ito ng maraming like and comment.

Napangisi ako sa mga nabasang comment.

'Fafa.'

'Ang pogi  ni kuya, geez akin ka nalang.'

'Akin na lang si sir pogi, miss @I'mLahari_T'

Napailing nalang ako bago itabi ang phone. 'Sorry girls, I win.' I mentally spoke to myself.

"Lahari?" Rinig kong katok mula sa labas.

I immediately stood up before opening the door. "Bakit po, tita?" Tanong ko kay tita Ali.

"Gisingin mo na si Ethan at ang mga bata, aalis na daw sabi ng tito mo." Ani niya, tumango ako bago lumapit sa kama.

Tulog na tulog ang tatlo, "Ethan, love gising."

"Hmmm," ungot niya pero naka-pikip padin ang mga mata.

"Gumising kana," patuloy ko sa pang gigising, nang mag mulat ang mga mata niya ay nilapitan ko naman ang mga bata.

"Levi, wake up," saad ko sa kapatid habang kinikiliti ang talampakan niya.

Iyon ang way para gisingin si Levi, masyado kasi itong tulog mantika.

Kinarga ko muna si Aliza bago ilabas para ibigay sa mommy niya, nanguha din muna ako ng panibagong damit ni Levi bago siya bihisan. Mabilis kasing pag pawisan dahil nga chubby na bata iyon.

Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi mapakali ang mga katabi ko, nahihilo na ako sakanila.

"Ako ang bata kuya, so you must follow what I want. Ako ang gitna niyo ni ate, dapat po ako lang ang katabi niya dahil ako po ang kapatid," he said seriously, akala mo ay magulang ang dating dahil sa pananalita niya.

"Pero boyfriend ako ng ate mo. Mas matanda ako, so you must follow what I want." Pagganti ni Ethan, ginaya pa ang salita at tono na ginamit ng kapatid ko.

Napailing nalang ako sakanila, parehas isip-bata, tsk.

"Ako ang gitna kasi bata ako," pinal na saad ng kapatid ko.

"Okay," munting saad ni Ethan bago tumingin sakin at ngumisi. "Lahari, gala tayo bukas. Kakain tayo sa lahat ng restaurant dito."

Napa-tampal nalang ako sa aking noo, I thought he had given up on my brother, pero ang loko bumwelta pa.

Mas lalong lumaki ang ngisi niya sa labi nang marinig ang sunod na sinabi ng kapatid ko. "Okay fine, tskk. I will come with you tomorrow," patay malisya na sabi ni Levi bago tumayo at umupo sa kabilang gilid, ako na ngayon ang pinag-gigitnaan nila

"I won. Parehas talaga kayong masungit ng kapatid mo," bulong ni Ethan sakin habang tumatawa.

Masungit.

Masungit.

"Pardon?" Taas kilay na saad ko.

"Parehas kayo na ma... macute," alanganin niya pang sabi.

"Sinungaling, masungit ang narinig ko. Nananahimik ako sa sulok tapos dinadamay mo ako, ang panget mo kabonding parang iyang mukha mo."

"Okay... love. Kaya nga po pumayag ka kaagad makipag relasyon sakin kasi 'panget' ako, right?" Sobrang hina na bulong niya.

Bwiset talaga na lalaki. Hindi ko nalang siya kinibo at nakinig na lamang sa usapan nila tito sa harap.

Pag dating sa Lumang Gapan ay nag libo't-libo't lang muna kami. Tinagurian kasi itong tourist spot.

"Lahari, did you bring your instax?" Tito Liam asked, I nodded before opening the tote bag I was carrying.

Nakisuyo si tito Liam sa taong dumaan para kuhaan kami ng litrato, sa pinaka arko kami naka pwesto, andito kasi ang sign kung saan nakalagay ang 'Tagpuan sa Lumang Gapan'.

"Thank you po," pasasalamat ko pag tapos bago kuhanin ang instax.

While we were waiting for the photo to appear, naupo muna si Mamang sa malapit na bench dahil medyo napagod daw siya sa pag lilibot.

"Ate, ang duga. Kuhanan mo din kami ng picture ni Lahari," reklamo ni Ethan.

Hindi naman natiis ni tita Ali si Ethan kaya kinuha niya ang instax sakin bago kami kuhanan ng litrato. Ang laki ng ngisi ni Ethan habang naka-palibot ang isang braso sa bewang ko.

"Chansing ka," bulong ko bago ngumiti sa camera.

Tumawa ang lalaki pag tapos, "isa pa, para may copy ako."

Wala na naman kaming nagawa, pagtapos muling pagbigyan ang gusto  ng lalaki ay naupo muna kaming lahat.

"Madami kanang album, Lahari. Baka bumili ka ulit ng isa para naman sa mga picture niyo ni Ethan," sabi ni tita Lia.

Natawa naman sila dahil doon, "mahilig pa naman siya mag tago ng mga picture." Dagdag pa ni Mamang.

Totoo ang sinabi nila, gustong-gusto ko ang mag kolekta ng mga litrato.  Gusto ko kasi na meron akong mababalikan na ala-ala, gusto ko na kahit litrato lang iyon ay maaalala ko ang araw na kung kailan namin ti-nake ang picture.

"Lahari and I will make many memories, then."  Ethan seriously said.

Wala sa sarili akong napangiti. I hope what he said is true, but it is not easy to fulfill that especially since our relationship is untrue.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now