28

122 5 0
                                    

"I have a cancer... breasts cancer.  Natakot ako nang malaman ko iyon lalo na noong sabihin na stage two na daw. I have no choice kung hindi ang iparamdam na hindi ko kayo mahal at iwan sa lola niyo." Sabi niya habang hinahaplos padin ang buhok ko.

"I could do nothing, sabi ko sa sarili ko, 'okay lang na magalit kayo sakin, atleast kapag namatay ako hindi kayo mag luluksa kasi... kasi galit lang ang mararamdaman niyo.'" She smiled at me before continuing to speak again. "I didn’t tell anyone, nangutang ako sa ibang tao para makapunta sa ibang bansa. Nag trabaho ako doon ng mahigit isang taon, pagtapos, nag pa-confine ako sa hospital, nag pa-opera. Halos isang taon din ako nag pagaling, hirap na hirap ako doon, wala akong kakilala, walang trabaho. Hanggang sa gumaling ako ng tuluyan, nakapag-apply ako ng trabaho... limang buwan ang nakalipas nakilala ko ang tito Hary niyo, sobrang bait niya. Sobrang kabaliktaran niya ang ama niyo. Nang lumipas ang dalawang taon nag pakasal kami, nag karoon ng anak," pinalis niya ang luhang tumulo ng saba'y sa dalawa niyang mata bago tumingin sakin at haplusin ang pisnge ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan ko naman," sabi ko bago lumihis ng tingin.

Ganoon ba ako ka-hirap pagkatiwalaan?

"Natakot ako... a-anak," sagot niya, bago ako ipaharap muli sakaniya. "Iniisip ko, 'paano kapag namatay ako sa sakit ko, mag luluksa kayo, mas okay nang mamatay akong galit kayo sakin'. Hindi ko kayang makita na umiiyak kayo dahil sakin."

Mabilis akong tumayo galing sa pagkakahiga sa binti niya bago isubsob ang mukha sa dalawang palad. "P-Pero hindi mo alam kung paano kaming dalawa ni Levi nahirapan dahil sa... hindi ka namin kasama! A-Ang hirap-hirap. Halos araw-araw nag tatanong si Levi noon kung bakit wala kaming papa at mama. Simula nang... m-mag kaisip at maka-intindi si Levi, iyon nalang ang paulit-ulit na t-tinatanong niya. N-Nakakapagod! N-Nakakarindi! Kapag wala akong maisagot sakaniya... p-papalahaw siya ng iyak. Nakakapagod, ma. Pero hindi ako nag reklamo, kasi kapatid ko iyon, eh. Kami nalang dalawa, kaya iintindihin ko nalang yung nararamdaman niyang sakit." Hindi ko namaiwasang humagulgol, bumabalik sakin lahat ng sakit at hirap sa tuwing susunduin ko sa school si Levi mag tatanong siya kung bakit ako ulit ang sumundo sakaniya, kung bakit hindi si mama o si papa.

The more na gusto kong makalimutan ang sakit na dulot ng mga magulang namin, the more na hindi ko magawa dahil kay Levi. Almost every day I wake up, he will ask if mama and papa have come home.

"P-Patawad, s-sorry kasi... kasi ang h-hina-hina ng mama." Umiiyak na din siya bago ako lapitan at yakapin sa gilid.

"Ma, naman! Sa loob ng thirteen years, iniisip namin na nag punta ka ng ibang bansa para lang makapag hanap ng matinong asawa!" I couldn’t help but raise my voice out of frustration.

Hindi alintana ang sitwasyon dahil nagawa niya pang tumawa ng mahina, "well, isa din iyon sa dahilan ko." She turned to me before wiping away the tears that had spread on my cheeks. "Pero anak, okay na... wag kana umiyak. Magaling na ako. P-Pwede na ba tayong mag simula ulit?"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa huling sinabi, "ganun-ganun nalang iyon?" Medyo mataray na sabi ko.

Nakita kong medyo kinabahan siya kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang tawa. "A-Ano ang dapat kong gawin, p-para mapatawad mo na ako?" Utal-utal pa niyang tanong.

Pabalang akong tumayo bago mag lakad patungo sa loob ng bahay, "well, paborito ko ng egg stick at caldereta mo kaya turuan mo akong mag luto ng ganoon." Saad ko bago humarap muli sakaniya at ngumiti bago patakbong bumalik sa kinaroroonan niya at yumakap.

"A-Anak---" gulat niyang saad, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Well, hindi naman ako marunong magalit ng sobra lalo na at nalaman ko na ang dahilan niya.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now