"Girl, kamusta ang birthday celebration?" Bungad na tanong ni Belle sakin pag pasok ko palang sa nurse station.
"Okay naman," I smiled at her bago ko ayusin ang bag. "Sana hindi toxic ang araw na ito para makapag bonding tayong lahat."
"Ay talaga, second celebration ba iyan?" Tuwang-tuwa na tanong niya.
I laughed softly because of her face, "simpleng birthday celebration lang kasama kayong mga katrabaho ko."
Palagi kong ginagawa ang ganun, kada kinabukasan matapos ang araw ng kaarawan ko ay lumalabas kami kasama ng aking mga katrabahong nurse at mga doctor dito sa hospital. Belle is just new here so she doesn't know yet.
"Schedule for today, sa operating room po." Tarantang saad ni James sa buong station.
Lakad takbo kami kasama ng mga co-nurse kong naka-schedule ngayon tungo sa operating room.
"Good morning, Doc." We quickly greeted Ivan when we entered. Hindi ko alam na siya din pala ang doctor na naka-assigned sa operating room ngayong araw.
He just nodded. Agad kaming nag suot ng gloves at face mask. "We need to cut his left foot because of infection from diabetes," Ivan announced.
I was bitten by my lower lip because of what I heard. Minsan lang ako makakita ng pinuputulan ng parte ng katawan. Sanay ako pero hindi ko padin maiwasan na kabahan.
"Success!" Saad ni Ivan bago bumuntong hininga, napangiti naman kaming lahat dahil doon.
"Congrats, Doc." bati namin sakaniya.
"Congrats sa atin," pagtatama naman niya kaya napangiti kami.
Sobra akong natutuwa kung ano na ang narating ni Ivan ngayon. Dati kasi puro lang siya laro kahit nag k-klase na sa school. Pero ngayon grabe, Doctor na siya.
Limang taon ang tanda ni Ivan sakin. Matured sa ibang tao pero lumalabas ang pagiging childish pag dalawa nalang kami. Naalala ko tuloy si Ethan sakaniya. No wonder, sobrang magka-hawig ang ugali nila.
"May dala kang lunch?" Tanong niya pag pasok ko sa kaniyang office.
I shook my head and smiled at him, "wala, tinamad ako mag luto kaninang umaga. Sa cafeteria nalang tayo, I'm sure matutuwa iyong mga ka-trabaho natin."
He nodded so we went out together to go to the cafeteria. Wala sa sarili akong napapatakip sa aking bibig dahil sa mga nadadaanan namin na sinusundan kami ng tingin.
"Ang cute nilang mag jowa tignan, doctor and nurse."
Hindi ko na mapigilan ang pagtawa lalo na nang makita ko ang mukha ni Ivan.
"Hindi naman ako nag g-girlfriend ng panget, ah." I heard him say in a low voice.
"Mas lalong hindi ako nag b-boyfriend ng matanda na." I shook my head, "gurang," mahinang saad ko.
"Tigilan mo ako, Lahari. Pipitikin ko iyang noo mo," pagbabanta niya, kala mo naman takot ako sayo. Tsk! Nakulong nga kita noon sa kabinet.
"Baka gusto mong ipagkalat kong takot ka sa injection kaya ka nag doctor," pang aasar ko. Totoo iyon dahil noong bata pa kami at mag papa check-up siya ay kailangan pa akong isama para lang hawakan ang kamay ko sa tuwing tuturukan siya ng injection.
I heard him 'tsked' so I stopped talking. Nang makarating sa cafeteria ay tinungo na namin ang lamesa kung nasaan ang mga kaibigan.
"Nurse Lahari, bagay talaga kayo ni Doc Ivan." Saad ng isang nurse na katapat ko kaya hindi ko maiwasang matawa.
YOU ARE READING
Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓
Teen Fiction"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the sound of waves, we are at peace in each other's arms. ꒰ started: 08 - 06 - 21 ꒱ ꒰ ended: 11 - 19 - 21 ꒱ completed edited w.c. 43,115