"Kila ate Ali tayo diretsyo?" Ethan asked while driving, kakatapos lang namin mag simba kasama si Levi.
I nodded at him, tutal wala naman kaming gagawin sa unit ni Ethan kung hindi ang matulog lang ng matulog dahil mamayang hapon ay uuwi na kami ni Levi.
"Pupunta po tayo sa bahay nila Aliza?" Agad na tanong ng kapatid ko kaya tumango ako.
"Message mo si ate, sabihin mo papunta tayo sakanila." Saad ng lalaki habang tutok sa pagmamaneho, mabilis kong kinuha sa bag ang cellphone ko para gawin ang sinabi ni Ethan.
Tita Ali:
Tita, diretsyo po kami jan sa bahay niyo.Matapos kong i-send ang message ay tumutok nalang ako sa labas ng bintana. "Bakit huminto ka?" Kunot noo na tanong ko sa boyfriend.
Ngumisi lang siya bago umiling, sandali niyang kinuha ang wallet bago lumabas. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita na pumasok siya sa cake shop.
Ano naman kayang trip nito? I asked myself.
Nang makabalik siya sa loob ng sasakyan ay kaagad akong nag tanong sakaniya. "Bakit bumili ka ng cake?"
"Nag c-crave ako," natatawang ani niya.
Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa pagka-isip bata niya. Bwiset na lalaki, nag tatanong ako ng maayos, eh!
Isinandal ko nalang sa bintana ng sasakyan ang ulo nang simulang paandarin muli ni Ethan ang sasakyaan.
"Ate, we will leave papa kuya Ethan again later po?" Tanong ng kapatid ko matapos manood ng 'how to train your dragon' sa ipad niya.
"Opo, school day ulit bukas, eh." I said softly to my brother.
"Pero ate, kawawa po si papa kuya Ethan. Mag isa lang siya... tayo po magkasama," Levi said while frowning. Napalingon nalang ako kay Ethan para sana humingi ng tulong at siya ang mag paliwanag sa kapatid ko kaso parang wala siyang naririnig at talagang nakatuon lang sa harap ang atensiyon.
Ito ang ayaw ko, eh. Kapag malapit na kaming umuwi palaging ganito ang asta ni Levi. Ayaw na ayaw niyang nalalayo sa papa kuya Ethan niya.
Nasanay na malapit sila palagi.
"Mag kikita naman ulit kayo next week... 'di ba Ethan?" Kausap ko kay Ethan.
Ethan quickly nodded his head. "Oum, friday palang ng tanghali after school pupunta na ako para masundo ka namin ng mama ate Lahari mo. Gusto mo ba iyun?"
"Pero... four days pa po bago ulit tayo mag kita."
Mapatampal nalang ako ng noo dahil ang hirap pakiusapan ng kapatid ko. "Levi, hindi pwedeng lagi kayong magkasama ng papa kuya Ethan mo dahil parehas kayong may school." Medyo napataas ang boses ko kaya pagtingin ko sa rare mirror ay ganoon nalang ang pagpikit ng mga mata ko dahil sa nakita, umiiyak na ang kapatid ko.
Ayaw na ayaw niyang napag tataasan siya ng boses. "Sorry." I simply said.
"It's okay ate, Levi's okay." Sabi niya bago ngumiti.
Tipid lang akong ngumiti bago ihilig sa bintana ng sasakyan ang ulo. "Anong trip niyo?" Tanong ni tito pag pasok namin sa living room nila.
I shrugged, "ewan ko jan kay Ethan, siya yung nag request na dito tumuloy. He even bought a cake, ang lakas ng amats, nag c-crave daw. Peww!" Saad ko habang umiiling, kaagad akong sumalampak sa couch nila. "Anong ulam niyo tito?" I asked.
"Itlog at hatdog," simpleng tugon niya na kaagad kinatawa ni Ethan.
"Potek! Ikaw nag isip, ano? Galing, kompleto pa, ah." Natatawang saad niya.
"Manahimik ka nga jan, Ethan! Kung ano-ano iniisip mo," singhal sakaniya ni tito.
Ethan laughed even more because of that, "takte! Kuya wala akong sinabi, naku baka ikaw iyong kung ano-ano iniisip." Napailing nalang ako sakanila bago maisipang kargahin si Aliza na seryosong nanonood ng peppa pig sa flat screen tv nila.
Bubuksan ko na sana ang pinto sa kitchen nang mabilis akong pigilan ni Ethan, "love, teka chill ka lang. Gutom kana ba talaga?" Naka-ngisi na tanong niya, tinaasan ko lang siya ng kilay bago walang pasabi na buksan ang pinto.
"Happy birthday, Lahari!" Saba'y-saba'y na saad nilang lahat, maski ang dalawang bata kumakanta na
"Anong petsa na ba?" Walang muang na tanong ko.
Bakit kasi agad silang nag s-surprise ng ganito?
"Mahal, june sixteen na. Psh! Palutang-lutang ka." Ethan said before approaching me while holding the cake he bought, "make a wish."
Saglit akong pumikit bago mag wish, "anong wish mo?" tanong ni Ethan pagtapos kong ihipan ang kandila sa cake.
I just quickly pinched his nose before I smiled, "ayaw kong sabihin, baka hindi mag ka-totoo, eh."
Baka hindi mag ka-totoo na tayo na talaga hanggang dulo. Peww! Ang corny pero iyun talaga ang wish ko, eh.
"Mahal, sama ka sakin sa taas." Saad ni Ethan pag tapos namin magpahinga dahil kakatapos lang din kumain.
Ano na naman bang trip nito? At anong gagawin sa taas?
Sumunod nalang ako sakaniya bago kami huminto sa tapat ng kwarto dito sa second floor. "Bakit kailangan pa ng blind fold? Daming arte!"
Natawa siya sa tinuran ko pero nilagay pa din niya ang panyo sa mata ko bago iyun ibuhol. "You ready, mahal?" He asked before I could feel the three kisses on my head.
Tumango ako bago ko marinig ang pag pihit niya ng door knob, maya-maya pa ay kaagad din naman niyang tinanggal ang takip sa mata ko.
"Happy birthday, beautiful!" Ethan said happily before handing me the bouquet of roses.
Napangiti ako dahil doon lalo na nang ilibot ko ang paningin sa buong silid, naka-sabit sa ceiling ang mga pictures namin, habang nasa kama naman ang color gold na baloon na bumubuo sa salitang 'happy 19th birthday mahal'.
"Thank you," I smiled before I hug him. "Hindi talaga ako makapaniwala na may boyfriend akong sobrang sweet sa kabila ng nakakabwiset na ngisi." Pagbibiro ko.
"Gwapo mahal, hindi bwiset." Natatawang saad niya bago ipagdikit ang noo naming dalawa, "hmm... I'm so grateful you came into the world."
Kumunot naman ang noo ko dahil doon, "why?" I asked.
Matamis siyang ngumiti sakin bago ako hagkan sa noo, "because you made may world better every day."
I couldn’t help but smile because of what he said. Wala akong masabi dahil sa kiliting nararamdaman sa tiyan. Oo na kinikilig na ako!
"I love you," saad ko.
"I love you too." Kaagad akong napalingon sa daliri ko nang makaramdam ako ng malamig na bagay na sumu-suot doon.
Ring. He put a promise ring on my finger!
"I promise, I will not leave you. Like the waves of the sea, together we will reach the end."
"I promise," I smiled, "together we will reach the end."
When I finished saying that, I could feel his face slowly approaching me. Until I could feel his soft lips sticking to mine.
"I love you," we both said as our lips parted.
'I will keep our promise in my heart, mahal.'
YOU ARE READING
Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓
Novela Juvenil"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the sound of waves, we are at peace in each other's arms. ꒰ started: 08 - 06 - 21 ꒱ ꒰ ended: 11 - 19 - 21 ꒱ completed edited w.c. 43,115