"Dito lang kayo." I remind them.
Napailing nalang ako bago tuluyag mag lakad papasok sa university, hindi ko talaga napigilan ang gusto ni Ethan na sumama. "Wala kang kasama?" Aria asked when I went to their place.
"Meron, nasa sasakyan lang sila." Saad ko, nag kibit balikat naman sila. "Ano, saan na ba tayo?" I asked, hindi alam kung paano ang gagawing pag enroll.
"Nakapag palista na, pati ikaw nilista na nila. Waiting nalang para sa schedule niyo na ibibigay," Alex answered immediately.
Tumango naman ako, "ikaw Alex, nakapag enroll kana?"
Iba kasi ang school niya kumpara samin, "oo, nung last week pa."
"Lyceum na talaga?" Tanong ko ulit, "yaman ni gaga," ngumisi pa ako.
Sa private school siya gustong paaralin ng mga magulang niya, kaya wala kaming ibang choice para mag sama-sama sa iisang school.
"Oo, matigas sila. Sabi ko meron din namang architectural engineering dito sa PRMSU kaso ayaw talaga nila," Sabi ni Alex bago umiling.
Todo pigil kami sa pag tawa nila Aria at Adva sa mukha ni Alex, para kasing pinagbagsakan ng sama ng loob. Nang may tumawag samin na professor ay agad kaming lumapit para kuhanin ang schedule namin.
"Gagi, ang aga sa first class. Seven-thirty sa demonstration and skills." Reklamo ni Aria habang palabas kami ng university.
Mag kakasama kaming tatlo nila Adva sa first and second class. Habang nahiwalay naman ako sa third, fourth and fifth class. "Chill muna, wala pang pasukan." Ngisi ni Alex.
"Oo nga naman, so ano tara?" Siglang saad ni Aria.
"CSI tayo?" I asked, tinutukoy iyung mall na malapit sa terminal.
"Sige, kita-kita nalang sa parking lot." Ani Alex, tumango ako bago mag lakad papunta sa sasakyan.
Pagbukas ng pinto ng sasakyan ay kaagad akong napangiti dahil sa pwesto nila, kandong kasi ni Ethan si Aliza habang nasa shotgun seat naman si Levi, mga busy manood ng paw patrol sa cellphone ni Ethan.
"Uwi na tayo?" Tanong na bungad ni Ethan nang mapansin ako.
I shook my head quickly bago kandungin ng upo si Levi, "punta muna tayo sa CSI."
Tumango naman siya bago paandarin ang sasakyan. Alam niyang mag gagala kami kaya hindi nalang siya umimik. "Bebe Levi!" Aria shouted before running towards us.
Napailing nalang ako, panggigigilan na naman niya ang pisnge ni Levi. "Ate," Levi called me before holding the hem of my shirt.
"Why are you so cute?" Aria asked before squeezing Levi's two cheeks.
"Aww!" Reklamo ng kapatid ko.
Alex immediately took Aria away from my brother, "nasasaktan na iyung bata, babe." Saway niya sa girlfriend.
Aria snorted, "ang cute kasi." She whispered.
"Cute din naman ako, kaya ako nalang pang gigilan mo mamaya." Alex whispered to Aria even though we heard.
Haharot! I mentally hissed to myself.
"Shakey's tayo," pag i-iba ko sa usapan.
Saba'y-saba'y na kaming pumasok bago dumiretsyo sa loob ng fastfood. Nag order lang kami ng large na hawaiian delight then tag i-isang pasta. Tuna pasta ang inorder ko sakin, ang sa mga bata naman ay mojos 'n' dip.
"Lahari, tutal maganda naman ang lahi niyo. Kailan ka mag a-anak?" I almost choked because of what Aria suddenly asked agad naman akong inabutan ng inumin ni Ethan.
"Kaka-enroll lang natin sa college tapos tatanungin mo kung kailan ako mag a-anak?" I asked with raised eyebrows after drinking.
She immediately frowned, "kasi namn ang cute ng kapatid mo tapos ayaw sakin." Mangiyak-ngiyak na saad niya. Agad akong napatingin kay Alex dahil sa inasta ni Aria, nag kibit balikat lang siya.
Habang tinutuloy ang pagkain namin ay hindi mawala sa isip ko ang ganoong asta ni Aria. Dati naman siyang na c-cute-an sa kapatid ko pero iba ang inaasta niya ngayon. Hanggang sa matapos ay hinabilin ko na muna ang mga bata kay Ethan bago tumayo at hilahin si Aria palabas, sinama ko na din si Adva.
Isa pa sa lalong nag pagulo ng isip ko ay iyong pag tanggi niya sa inorder kong carbonara supreme na alam kong sobrang paborito niya. "Dito muna kayo, may bibilhin lang ako saglit," ani ko kila Aria at Adva bago ako pumasok sa loob ng pharmacy.
Habang sinasabi sa pharmacist ang bibilhin ko ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong una kong iisipin. "Aria, ano... inom ka muna ng maraming tubig," I said nervously before handing her the battle water I bought.
"Okay," ani lang niya na bakas ang pagkagulo dahil sa biglaang ginagawa ko.
"Aria, kailan ang last period mo?" Adva asked gently.
Aria immediately thought, "last month, first week." Sabi niya na parang wala lang.
Dahil sa sinabi niya ay lalong nag kanda bundol-bundol ang kaba sa dibdib ko. "Ano Aria, pasok ka sa cubicle tapos ihi ka dito," kinakabahan na ani ko bago ibigay ang urine cup. "Tapos i-dip mo yung testing stick at ilagay dito," dagdag ko bago ibigay sakaniya ang pregnancy test.
Pag pasok palang ni Aria sa cubicle at agad akong napahawak sa sink. "Adva," nanghihinang tawag ko sa kaibigan bago siya hawakan sa kamay at saba'y na lumabas.
"Feeling ko... buntis si Aria." Mahinang usal ko, "yung trato niya sa kapatid ko, iyung pag tanggi niya sa carbonara na favorite niya,---" hindi ko na alam ang sasabihin dahil sa luhang tumulo mula sa mata ko.
Adva immediately rubbed my back, "shhh,... kung ano man ang kakalabasan ng pregnancy test ni Aria, suportahan nalang natin siya."
Nang huminahon ako ay agad din kaming pumasok sa loob, sakto lang dahil kakalabas din ni Aria. Kaagad namin siyang nilapitan bago tignan ang hawak niyang kit. I immediately covered my mouth at what I saw.
Positive.
Magiging ina na siya, mag kakaroon na sila ng supling ni Alex. "L-Lahari, bakit ka umiiyak?" Aria asked.
"M-Mag kaka-baby kana, kayo ni Alex." Mahinang ani ko, good thing dahil walang ibang tao na pumapasok, kita ko sakaniya ang agad na pag ka-bahala. "Don't worry, makakapag aral ka pa din. Kami ang bahala sayo," pampaluwag loob ko.
Tumango naman siya bago kami mahigpit na niyakap, "ohmyghadd! Hindi ko alam. Hindi ko napansin. Natatakot ako, ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman nila. Pagod na ako, Lahari. Paulit-ulit nila akong sinasaktan. N-Natatakot ako, paano... paano kapag idamay nila ang anak ko?" She said successively.
I immediately shook my head, "no, hindi nila pwede gawin iyun. Wag ka mag-alala, gagawan namin ng paraan. Kaibigan mo kami," paninigurado ko.
Hindi nila pwedeng saktan si Aria maski ang angel nito sa sinapupunan niya. Nung nakaraan na nakita namin siyang puro pasa ay naawa kaagad ako sakaniya, hindi ko alam na sinasaktan na pala siya ng mga magulang maski ng mga kapatid niya.
YOU ARE READING
Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓
Novela Juvenil"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the sound of waves, we are at peace in each other's arms. ꒰ started: 08 - 06 - 21 ꒱ ꒰ ended: 11 - 19 - 21 ꒱ completed edited w.c. 43,115