Tulad ng pangako ni Ethan, friday palang ng hapon ay nasa bahay na siya. "Love, four p.m na. Sunduin na natin si Levi?" He asked, dahil nga nangako siya sa kapatid ko na kaming dalawa ang susundo.
Tumango lang ako bago palitan ang suot na pang bahay. Nag paalam lang din kami saglit kay Mamang bago mag tungo sa school ni Levi.
Nag hintay lang kami saglit bago namin makita ang mga nanay na kaniya-kaniyang punta sa mga room ng mga anak para sunduin. Hindi kasi pinapalabas ng room ang mga bata hanggan't walang sundo ang nga ito.
Lumabas na din kami ni Ethan ng sasakyan bago maglakad sa papunta sa room ni Levi. "Hi, ikaw ang ate ni Levi, right?" His teacher asked me.
Tumango naman ako, "yes po ma'am. Bakit po?"
"Can we talk in private?" I nodded bago ko tignan si Levi na akay na ngayon ni Ethan, nagkatinginginan kami ng lalaki kaya tumango ako bago sabihin na 'mauna na sila'.
"Hindi ko alam kung may problema ba sa bahay niyo or what, though its private." Mapait siyang ngumiti, bago nag kibit balikat, "napapansin ko kasing laging malalim ang iniisip ng kapatid mo, every recitation wala siyang naisasagot, kapag may quizzes naman kung hindi two ang score ay one or zero ito."
Sinabi niya din na kung dati halos line of nine lahat ng average ni Levi sa every subject niya, pero ngayon ay line of eight na. Ang iba pa ay malapit na sa line of seven.
Nang binanggit ng teacher niya ang salitang problema, pumasok agad sa isip ko ay iyung palagi niyang iniiyak na tungkol kila mama. Lalo na at nalaman niyang may kapatid pala siya... kami sa ibang bansa na kasama ni mama... naaalagaan niya. Palagi niyang tinatanong kung bakit daw iyong kapatid namin kasama ni mama at naaalaagan niya, samantalang kami mahigit limang taon nang wala siya sa tabi namin.
"Happy ba ang Levi namin?" Ethan asked my brother as he entered the car.
Kakatapos lang namin pumunta sa CSI dahil sinabi ko kay Ethan ang sinabi ng guro ng kapatid ko. We decided na ipasyal si Levi kaya ayun. Naisip ko din na sana kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan na nararamdaman ng kapatid ko.
Hindi niya deserve ang sadness. At his age dapat nakikipag laro pa siya, pero sa edad na eight years old ni Levi ay agad niya iyong itinigil. All he want is love... love from his... our parents.
"Yes po, thank you po sainyong dalawa. I'll treasure this moment po," saad ng kapatid ko bago kami ni Ethan saba'y na niyakap.
Agad kong pinalis ang luhang tumulo mula sa mata ko. Sobrang sarap makita si Levi na masaya, nag e-enjoy.
"Gagalingan mo pa sa study mo, haa?" Ethan said while looking at my brother's eyes, "kapag may honor ka, mag gagala tayong tatlo sa Baguio. Ano deal?"
My brother quickly nodded, "I'll do my best po, para magkaroon ako ng honor." Siglang saad ng kapatid ko, Ethan knows about his favorite place, kaya ganoon nalang ang saya dahil sa pangakong sinabi ng lalaki sa kapatid ko
Ethan:
Lahari, magiging busy ako this month. Ang daming pinapagawang thesis, ehh. Tambak mga gagawin, mga terror prof pa ang nag bigay.Napanguso ako sa text ng lalaki. Hindi na nga kami nag kita ng mahigit tatlong linggo tapos magiging busy pa siya. Nag reply lang ako ng 'okay' bago inabala ang sarili sa pag a-advance reading.
Malapit na ang final exam for first year student. Kaya hindi pwedeng bumagsak ako. Hindi na ito tulad ng elementary na ayos lang kahit wag mag review kapag may test.
Ayaw ko din naman bumagsak sa exam, ano! Nakakahiya sa boyfriend ko!
"Lahari, meryenda muna. Mamaya na iyang pag r-review!" Aria exclaimed, natawa nalang ako dahil para na talaga siyang nanay kung mag salita.
Andito kami sa bahay nila ni Alex dahil napag kasunduan namin na magkaroon ng 'one day review together'. Kami lang namang tatlo ang nandito bukod sa dalawang helper nila dahil wala din naman si Alex. Umalis daw dahil nag r-review din kasama ang bagong mga kaibigan na lalaki.
"Six months ka ng buntis, 'di ba?" Adva asked.
Aria immediately nodded before she smile, malaki na din ang tiyan niya.
"Alam niyo na ang gender ng baby?"
Natatawang umiling naman ang kaibigan dahil sa tanong ko, "hindi pa, ayaw muna ni Alex. Gusto surprise daw pag nanganak ako."
Habang lumilipas ang mga araw ay palapit na talaga ng palapit ang exam. One week nalang din ay matatapos na ang busy month ng boyfriend ko.
Hindi ko kaya na hindi kami nag kakausap ng isang araw pero kinakaya ko. We need to sacrifice, hindi lang ang isa't-isa ang priority namin. Palagi ko padin siyang tinitext na huwag kalimutan ang kumain at mag pahinga. Wala siyang reply pero okay lang, basta alam kong school naman ang pinag kaka-abalahan niya.
Tito Liam:
Lahari si Mamang sinugot namin sa hospital, inatake ng puso. Pumunta ka agad dito, si Levi nag wawala.Agad kong sinilid ang mga gamit ko sa bag bago nag mamadaling nag paalam na mauuna na ako. Natataranta akong pinaandar ang sasakyan bago iyon mabilis na patakbuhin patungong hospital.
Matanda na ang lola kaya delikado sakaniya ang atakihin sa puso.
Nang makarating sa hospital ay agad akong nag park bago patakbong lumabas ng sasakyan. Nag tanong muna ako sa mga nurse na naka-assigned sa front desk bago ko nalaman na nasa E.R padin ang lola ko.
Pagkarating ko palang doon ay iyak na ng kapatid ko ang naririnig, habang si tito Liam ay lakad ng lakad, hindi mapakali.
"T-Tito, anong nangyare? Bakit inatake si M-Mamang?" I asked.
Kaagad kong dinaluhan si tito Liam ng malakas niyang suntukin ang pader. "Iyang ama mong gago kasama ng kaniyang magulang, sumugod sa bahay. Tinatanong kung nasaan ka dahil isasama kayo sa probinsiya nila, syempre ayaw ni Mamang tapos... tapos putangina yung nanay ng ama mo... t-tinulak si Mamang, hanggang sa paglapit ko sakaniya.... sabi niya huwag ko daw kayong ibigay sa ama niyo maski sa ina niyo. Tapos sinabi na niyang nahihirapan siyang h-huminga," he said between his sobs.
Walang tigil ang luha ko sa pagtulo. Hanggang sa may lumabas na doctor mula sa silid kung nasaan ang lola ko.
"Doc, kamusta na po ang Mamang namin?" Tito Liam immediately asked the doctor.
Kinakabahan ako pero lalong dumoble iyon dahil sa ginawang pagyuko ng doctor. "I'm sorry, we did our best. But she didn't survive, hindi niya kinaya." The doctor muttered, "condolence, I'm sorry again. I have to go."
Napasalampak nalang ako sa sahig habang umiiyak. "Nooo! H-Hindi totoong wala na siya! Buhay s-siya... buhay ang l-lola ko!" I shouted because of pain, hindi pwede... tangina hindi pwede mawala ang lola ko!
Nag mamadali akong tumayo bago pumasok sa loob kung nasaan ang lola ko. Pag pasok ko palang ay agad na akong tumakbo palapit sakaniya. "No Mamang! Please g-gumising kana po jan... p-pakiusap. W-Wake up Mamang ko, p-please." Umiiyak na napaluhod ako dahil sa panlalambot na naramdaman, "h-hindi ka pwedeng mawala," I cried, it's just a dream right? Please wake me up! P-Please wake me up!
"A-Any one t-there? C-Can you please w-wake me up?" I said with a low voice, I hate this kind of dream! I hate it!
H-Hindi patay ang lola ko! Nandoon siya sa s-salas namin, nanonood ng balita habang sumisimsim sa k-kape niya!
"H-Hndi siya p-patay! H-Hindi! K-Kakasuhan ko iyung doctor! Mali ang sinabi niya! B-Buhay ang lola ko! Buhay s-siya. H-Hindi patay!" At the nth time, I shouted before I could feel the tiredness.
YOU ARE READING
Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓
Novela Juvenil"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the sound of waves, we are at peace in each other's arms. ꒰ started: 08 - 06 - 21 ꒱ ꒰ ended: 11 - 19 - 21 ꒱ completed edited w.c. 43,115