🖇️Chapter 8

224 46 4
                                    


   

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


🖇️Chapter 8

NAPAKADALI NG ARAW. Hindi ko namalayan na mag-iisang buwan na ako sa lugar na ito. Bakit nga ba ako narito? Yun ang araw-araw kong tinatanong sa aking sarili. Bakit ako nandito? Anong papel ko sa kapanahunang ito?


Nalilito na rin ako. Halos lahat ng mga tao sa buong Eshion ay tinatawag akong Kariella. Wala din namang saysay kung ipagpipilitan kong itama na hindi ako ang Kariella na sinasabi nila. Alam ko iyon. Sapagkat may mga proofs ako na anak ako nina Mom and Dad. Kompleto ang pictures ko since the day of my mom's labor.


"Kariella..." tawag sa akin ni Mr. Koen. Nilingon ko ito saka tipid na ngumiti. Medyo nasasanay na akong tawagin akong Kariella kahit di naman.


Naalala ko tuloy sina Mommy at Daddy. Kumusta na kaya sila? Hinahanap ba nila ako? Si Harris? Si Manang Dory? Lahat gusto kong kumustahin. Makakalabas pa ba ako sa mundong ito? Alam kong hindi lamang isang panaginip ang lahat. Nasa loob talaga ako ng isang nakaraan kung saan mararanasan ang sinasabi nilang pinagbabawal na pag-ibig.


"Palaging nasa pinto na lamang si Zep. Nabanggit niya sa akin na pareho daw kayong nasasaktan kapag nagkalapit kayo sa isa't-sa?" naguguluhang tanong ni Mr. Koen sa akin. Tumango lang ako saka malungkot na ngumiti. Bakit kaya?


"Nagmula sa lupain ng Heptiro ang pamilyang kinabibilangan ni Zeprael. Isa siyang dugong pula, Kariella. Kung ganun nga ang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa, may posibilidad na tumatalab na ang sumpa ni Pio..." paliwanag nito. Anong ibig niyang sabihin?


"Kariella... Si Zeprael... Siya yung taong nagmula sa angkan ng mga may dugong pula at hindi kayo maaaring magkalapit! Sapagkat masasaktan niyo lamang ang isa't-sa."


Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mr. Koen. Si Zep? Kung ganun...may posible bang nananalaytay sa katawan ko ang dugo ni Karia? Paano?


Pero lumaki ako sa milenyong panahon. Paanong maging kadugo ko ang isang taong nabuhay noong mga panahon pa ng Era? Wala na kasing dinastiya. Kung meron man ay mga bago na rin ito. At wala akong alam tungkol sa ganitong lugar. Walang bayang Eshion, Heptiro, at Hesico sa Pilipinas maging sa ibang bansa!


"Kayo ni Zeprael ang nakatadhanang magkita pero hindi pwedeng magkalapit sa isa't-isa..." dagdag pa ni Mr. Koen.


Magdamag akong nalunod sa malalim na pag-iisip pagkatapos makipag-usap sa akin ni Mr. Koen. Kahit anong gawin ko ay wala akong maintindihan. O mas sabihin nalang natin na hindi ko kayang tanggapin na nasa ganitong kalagayan ako ngayon.


Package na sana iyong si Zeprael, eh! Kaso para lang kami yung sumikat na kantang 'pinagtagpo pero di tinadhana'. Bakit pa kami pagtatagpuin kung hindi naman pala pwede?


Siguro hindi lang talaga para sa akin ang salitang pag-ibig. Kasi sa panahon namin, may nagustuhan nga ako pero taken naman. Tapos maging sa panahong ito, may nakilala nga ako pero bawal naman...


Pero isa lang ang alam ko. Malakas ang atraksiyon namin ni Zep sa tuwing nagkikita kami. Pero ganun din kalakas kaming maghilaan ng lakas.


Naisip ko...kung sakaling pilitin kaya naming mapalapit sa isa't-isa, ano kayang mangyayari? Hindi ko alam at hindi ko gustong malaman!


Dahil hanggang ngayon ay di pa rin kayang tanggapin ng isip ko ang lahat ng nangyayari...


Naisip ko si Mommy. Sana hindi siya mag-alala sa akin. Kahit naman minsan lang kami magkakasama nila Mom and Dad, alam ko at ramdam kong mahal nila ako. At nakikita ko iyon everytime na nagkakaroon kami ng bonding moment.


Ganun din si Daddy. Kung may pagkakataon lang sana na masabi kong ayos lang ako sa lugar na ito, ay sinabi ko na. Gustuhin ko mang makalabas na sa panahong ito, ginawa ko na. Hindi ako nabibilang sa panahong ito. Hindi ako si Kariella! Ako si Kisses! Kisses Monterez.


Pero wala na yata akong ibang choice kundi ang makiayon sa pinagdalhan sa akin ng panahon at tadhana.



"MABUTI naman at kasya lamang sa iyo ang damit na iyan. Nabili ko iyan sa dampa noong dalaga pa ako..." paliwanag ni Mrs. Koen habang pinagmamasdan ako. Nasa harap kami ng isang mahaba at malapad na salamin na pinalilibutan ng iba't-ibang palamuti.


"Kasya lang po siya, Aling Nadia. Maraming salamat po." Nakangiti naman itong tumango sabay lapit sa akin. Pumuwesto siya sa bandang likuran ko habang hawak-hawak ang isang suklay na hugis buwan. Namamangha talaga ako sa lahat ng bagay na ngayon ko lang nakita. Gaya na lamang ng suklay na hugis buwan.


Napagdesisyunan pala ni Mrs. Koen na ipasyal ako sa sentro ng bayan ng Eshion.  Hindi pa rin ako sanay sa mga atensiyong ibinibigay nila sa akin subalit ipinagsasa- balewalang bahala ko na lamang. Umaasa akong masasanay din pagdating ng ilang araw.


"Maging ang iyong buhok ay namana mo rin kay Karia. Para lamang kayong pinagbiyak na kawayan ng iyong ina..." sabi pa nito pero ngumiti nalang ako. Hahayaan ko na lamang sila kung ano ang paniniwala nila. "Tapos na, ineng..."


Pinagmasdan ko ang aking repleksiyon sa harap ng salamin. Masasabi kong maganda naman talaga ako. At hindi iyon sa pagbubuhat ng sariling bangko.


Wala namang masama kung pupurihin ko ang sarili ko di ba? At isa pa, totoo naman ang sinasabi ko. Maganda ang genes nina Mom and Dad kaya proud ako sa mukha ko!


"Halika na. Baka wala na tayong masakyang Cerbes papunta sa sentro ng bayan..." Isang tango lang ang isinukli ko at muling tiningnan ang sarili sa salamin.


Napakaganda ko talaga!







Napakaganda ko talaga!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Hahahaha! Minsan talaga, uso din magbuhat ng sariling bangko. Lalo na kung totoo naman. Masamang magsinungaling di ba? Kaya masyadong honest lang si Kisses! Haha!

Pasensiya din sa malalalim na tagalog ko. Siguro may sanib lang ako ni Balagtas kaya ganun! Hehe<3

By the way, thank you ulit sa pagbabasa! Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito.

Cerbes — (own word ko lang iyan okay? Kaya huwag niyong iresearch! Haha!)

     ~ isang sasakyang may dalawang malalaking gulong sa unahan at dalawang medyo may kalakihang gulong naman sa hulihan. At parang kalesa din siya kasi may kabayo sa unahan. Kaso nakasakay sa kabayo ang driver. ^_^

Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now