🖇️ Chapter 14

154 30 2
                                    






Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




🖇️ Chapter 14



DOON ko lang nalaman na nasa emperyo ng Eshion pala kami nagtungo ni Raffa. Sa mga oras na iyon ay siya naman ang nangunguna sa paglalakad. Namamangha ako sa bawat pasilyong dinaraanan namin ni Raffa. Sobrang ganda at linis ng bawat sulok ng pasilyo.


Lahat ng pasilyong iyon ay mga mga taong nakatayo na nagmistulang mga estatwa. Nakasuot ito ng kasuotang pangkawal. Tahimik lamang akong sumunod kay Raffa. Hindi sinasadyang tinitigan ko ang kanyang likuran. Pinag-aaralan ang kanyang mga galaw.

Sa totoo lang, hindi masyadong kataasan si Raffa. Katamtaman lang. Pero mapapansin ang pagiging balingkinitan ng katawan nito.


Lumiko kami patungo sa isang pasilyo. At doon ko napansin na pader na ang pinakadulo niyon. Saan ba kami pupunta? Kanina ko pa napapansin na liko kami ng liko. Natigil ang katanungang iyon sa aking isipan ng huminto kami sa pinakadulong silid ng pasilyong iyon.


Lumingon siya sa akin at malungkot na inginuso ang silid na iyon. Nasa loob ba ng silid na ito si Zep?


"Nasa loob si Zeprael, Kariella. Mula kahapon ay wala pa rin siyang malay..." sabi nito saka bumuntong-hininga ng malalim. "Pumasok ka na lamang at suriin siya. Huwag kang mag-alala. Dahil hindi kayo magkakasakitan sapagkat wala siyang malay..." dagdag pa nito ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha ko

Tumango lamang ako saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Hindi na sumama pa sa akin si Raffa. Pagkasara ko ng pinto ay tinungo ko ang isang higaan na may telang nakatakip. Hinawi ko iyon at doon ko nakita ang walang malay na si Zeprael.

Totoo nga ang sinasabi ni Raffa na kumakalat na ang lason sa buong katawan nito. Nang mga sandaling iyon ay kinain ako ng pag-aalala.

Ganun ba kabilis ang bisa ng lason at ganito agad ang kalagayan ni Zep? Nangingitim na ang kabilang kamay nito. Ano ba talaga ang nangyari?

Ang alam ko lang ay siya pala ang tinutukoy ng mga tao na nakakita sa isang Hesiconian na nakapasok sa lupain ng Eshion. Tuluyan ko itong nilapitan at hinawakan ang kamay niyang nangingitim na...

"Ano bang nangyari sayo?" nagtataka kong tanong sa kanya kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig. Hinawi ko ang mahabang manggas ng damit na suot ni Zep. Nagulat ako ng makita ang maliit lamang pero alam kong malalim na sugat na nasa braso niya. At doon nanggagaling ang itim na kumakalat sa kanyang buong katawan.


Nagtaka naman ako... Hindi ba sila nababahala? Paano kung tuluyan na ngang kumalat ang lason sa buong katawan ni Zep? Anong mangyayari sa kanya? Mamamatay ba siya?


Doon ko naisip si Mang Roman. May nabanggit siya sa akin noon tungkol sa iba't-ibang klase ng gamot na maaaring ipanlunas sa mga malalalang karamdaman. Hindi ko nga lang alam kung may gamot din para sa lason.


Pero alam ko na ang lahat ng lason ay may kalakip na panlunas. Hindi pare-pareho ang gamot sa isang lason. Gaya na lamang ng mga drugs na mapaminsala. May iba't-ibang antidote din ito.


Napunta naman ang atensiyon ko sa gwapong mukha nito. Napakapayapa ng mukha nito kapag tulog. Bakit ba ang gwapo mo masyado?

Doon ko lamang napagtanto ang lahat ng iniisip ko. O my gosh!! Anong nangyayari sa akin at panay ang puri ko sa mukha nitong Mamang gwapitong adik na ito? Erase! Erase!


Pero gwapo naman talaga siya... At iyon ang totoo kahit ilang beses ko pang i-deny.

"Babalik ako, Zep... Hahanap ako ng pwedeng makagamot sayo... Naaapektuhan din kasi ako ng pagiging walang malay mo. Humihina din ako... Kaya please...magpagaling ka. Kahit hindi na para sa kapakanan ko. Kahit para sa sarili mo na lang..." malungkot kong sabi dito saka hinaplos pa ng ilang beses ang pisngi niya...

"Huwag kang mag-alala, Zep... Hangga't nandirito pa ako ay susubukan kong itama ang lahat ng mga nangyayari. Para sa oras na makabalik akong muli sa totoong pinanggagalingan ko, wala ka ng dapat pang alalahanin..." pahabol ko pa.

Naglakad na ako palabas ng pinto. Pero muli akong huminto saka tiningnan siyang muli...


"Pupunta ako sa Hesico... Dahil naroon ang tanging makakalunas sayo..." seryosong sabi ko saka tuluyan ng isinara ang pinto. Buo na ang pasya ko...




 Buo na ang pasya ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





A/N: Ohhhh myyyy!!! Bakit kaya pupunta siya sa Hesico?? Di ba delikado doon??!!! Goodluck, Kissesssss!!!

BTW, thank you soooo muuucchhh, Hopefaithers!!!! Mahar ko kayoooooo!!!! Luv luv🤗🤗




Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now