🖇️ Chapter 12

171 35 3
                                    




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




🖇️ Chapter 12

NAGISING ako sa isang kulay puti na silid. Simple lamang ang silid na ito. Nasaan ako? Anong nangyari?

Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula roon si Aling Nadia. May dala-dala itong isang plangganang gawa sa luwad. Umupo ito sa isang upuang nasa gilid lamang ng aking hinihigaang papag.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, ineng? Nawalan ka na lamang ng malay kanina. Masyado mo kaming pinag-alala ni Roman. Ano bang nangyari?" tanong nito sa akin.

Umiling ako kay Aling Nadia. "Hindi ko po alam. Ang natatandaan ko lamang po ay nakikinig lamang ako sa usapan nina Mang Roman at Endoy nang bigla nalang akong nahilo. Pagkatapos nun ay wala na akong natatandaan..." paliwanag ko.

Ngumiti ito sa akin sabay haplos ng buhok ko. Sa mga sandaling iyon ay bigla kong na-miss si Mommy. Lagi din kasi niya iyong ginagawa sa tuwing binibisita niya ako sa kwarto ko noon. Kumusta na kaya sila? Nagtataka ba sila kung bakit ako biglang nawala?

Inalala ko kung ilang buwan na nga ba akong nandito? Tatlo o apat? Ewan. Basta lampas sa tatlong buwan na ako dito.

Naisip ko kung paano nga ba ako napunta dito sa silid na ito? Sinong nagdala sa akin? Tatanungin ko na sana si Aling Nadia ng bigla na lamang bumukas uli ang pinto at pumasok Ang isang magandang babae sa kabila ng pagiging morena nito. Bakas sa mukha nito ang irita kaya naman napakunot ang noo ko.

Sino siya?

"Anong meron at naparito ka, Raffa?" takang tanong dito ni Aling Nadia. Raffa? It's sounds familiar pero di ko alam kung saan ko narinig.

"May kailangan lang po akong turuan ng leksiyon, Aling Nadia. Masyado kasing mapapel sa buhay ni Zep!" sagot nito ng di man lamang inaalis ang galit na tingin sa akin. Ano bang problema ng babaeng ito? At tsaka si Zep? Bakit naman nasali dito ang Mamang gwapitong adik na iyon?

"Si Zep?" bulalas ko. Anong pumapapel kay Zep? Ako? Wow naman...

"Mapapel ka din noh? Alam mo na hindi sayo pwedeng lumapit si Zep kasi nga pareho lang kayong magkakasakitan pero ikaw mismo ang pumapahamak sa kanya!" galit nitong sigaw sa akin.
Tila bigla na lamang nawala ang kaunting hilo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Pinapahirapan ko si Zep? Eh ilang linggo na ngang walang pakita ang isang iyon tapos ngayon kung alaskahin ako ay parang ako pa ang may kasalanan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako lumalapit kay Zep! At ganun din siya sa akin. Bakit naman naming ipagpipilitan ang sarili sa isa't-isa kung magkakasakitan lang naman kami?" seryosong sabi ko sa babaeng nagngangalang Raffa na nasa harapan namin ngayon.

Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Aling Nadia para sa akin. Pero inilingan ko lang ito at muling tiningnan ang babaeng kaharap ko.

"Sinungaling! Huwag ka ng magpanggap pa, Kariella! Alam kong sinasadya mong ilagay ang sarili mo sa alanganin upang maapektuhan din si Zep! At kapag nangyari iyon, ay siya na mismo ang lalapit sayo..." sigaw ulit nito. Tumingin itong muli ng may pagbabanta sa akin.

"At ito ang tatandaan mo, Kariella... Sa oras na may mangyaring masama kay Zep, sa akin ka Mananagot kaya itigil mo na ang pagpapanggap mo..." pagbabanta pa nito sa akin sabay padabog na lumabas ng pinto.

Kung hindi ba naman baliw, pumunta lang pala dito para pagbantaan ako sa kasalanang di ko naman ginawa.

Ngayon naalala ko na kung saan ko nga ba nakita ang babaeng iyon. Siya pala yung babaeng nakita ko na tumakbo matapos mabara ni Zep noong unang araw ko pa lamang dito sa Eshion.

"Adik din po ba iyon Aling Nadia gaya ni Zeprael?" wala sa sariling tanong ko kay Aling Nadia. Nakita kong nangunot ang noo nito.

"Adik? Ano yung adik, ineng?" nagtatakang tanong nito. Gusto ko sanang mapa-face palm pero di ko ginawa. Oo nga pala. Nasa lugar ako na kahit ang salitang adik ay hindi nila alam.

"Ahh...yung adik po? Maganda po ang ibig sabihin nun...hehe" natatawang sagot ko dito. Nakita ko naman itong ngumiti. This time napa-face palm na ako...

"Iyong si Raffa? Oo, adik yun. Mana din sa kanyang ina..." sagot nito. Napangiwi naman ako.

"Kaya pala...may pinagmanahan...parehong mga adik" sabi ko.

Tumango-tango naman si Aling Nadia sa sinabi ko. "Tama ka, ineng..."



"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Hahahhaha!! 😂😂 My gosh... May pinagmanahan nga, Kisses!! 😆😆😆 Maganda daw ang ibig sabihin ng salitang 'adik'. Take note niyo yan 😂

By the way, thank you for reading!! Keep your support!!! Tenchuu 🌺😊

Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now