🖇️ Chapter 18

150 23 1
                                    




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





🖇️ Chapter 18


LUMIKO kami ni Raffa pakanan. Nagbabakasakaling naroon ang daan palabas. Pero parang pabalik-balik lamang kami. Kung anong nadaanan namin kanina ay ganun pa din naman. At doon ko lang napagtanto na pabalik-balik nga kami. We're trapped!!

"May mga Eshionian na nandito, Kariella. Kailangan natin silang hanapin!" puno ng pag-asang sambit ni Raffa. Lihim akong nanalangin... Sana nga...

Mas binilisan pa namin ang lakad namin lalo na nang makarinig kami ng mga tinig sa kabilang pasilyo. Hinawakan ko ang braso ni Raffa at tinakbo ang isang daan na may liwanag na nag-aabang sa pinakadulo. Iyon na ang lagusan!

"Bilisan mo, Raffa! Malapit na tayo!" sigaw ko saka siya muling hinila. May mga nakausling tinik ang bawat pader kaya doble ingat kami. Baka matuhog nalang kami bigla... Edi may instant barbeque agad... Pero dahil hindi ito oras ng pagbibiro ay mas dinoble namin ang bilis ng takbo namin.


"Napapagod na ako, Kariella... Ang sakit ng buong katawan ko..." dinig kong sabi pa nito. Nilingon ko siya at nginitian. Hindi ngayon ang oras para sumuko... Kailangan naming makalabas na dito!


"Konting tiis nalang, Raffa! Malapit na tayo!!" sigaw ko sa kanya. Takbo lang kami ng takbo. Subalit ng malapit na kami sa lagusang iyon ay may kung anong humila sa amin pababa. Isang patibong!!

"Aray..."

"K-kariella..." daing nito sa pangalan ko. Tumingala ako. Hindi naman masyadong malalim ang kinahulugan namin. Pero malakas ang impact... Ang sakit...

Nag-isip ako ng paraan kung paano kami makakalabas sa patibong na ito. Bakit ba ang lupit ng mga Hesiconian na ito? Problema sa paglabas ng lagusan at problema na naman sa paglabas sa patibong na ito! Tsk!

Nilingon ko si Raffa. "Masakit ba?" tanong ko.

Alam kong obvious ako pero nag-aalala ako eh. Tumango naman ito saka dahan-dahang tumayo. Baka sa oras na makalabas kami sa lupaing ito ay nagkalasog-lasog na kaming dalawa... Huwag naman sana...

Tila may kung anong pumasok sa utak ko kaya napatayo ako ulit. Tiningnan ko si Raffa na medyo nagtataka sa akin. I estimated the height of this hole. At sa nakikita ko ay kasingtaas lamang ng dalawang tao ang butas. So, lumapit ako sa gilid at muling tiningnan si Raffa.


"Tumungtong ka sa balikat ko... Lalabas na tayo dito..." sabi ko dito saka umupo upang makatungtong siya sa balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod nito kaya kinailangan kong hawakan. Nang makatungtong ay dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng lakas sa lupang nasa harap ko.


Nang maramdaman ko na medyo gumagaan na ito ay saka ko nalaman na nakasampa na ito sa gilid ng butas. Pagkaakyat ay inilahad nito ang kamay kaya agad ko iyong inabot. Ginamit ko ang buong lakas ko upang makaakyat ako. At salamat naman kasi nagawa ko. Pareho kaming pawisan at kapwa hinihingal.

Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now