Chapter 6
"SINO KA BA TALAGA?"
Nagtataka ko siyang tiningnan. Base sa tono ng boses niya ay parang nahihirapan siya. Sapo-sapo pa din nito ang dibdib niya. Ano bang nangyayari sa kanya? May sakit ba siya sa puso? O baka kinakabahan siya sa presensiya ko?
Luhh! Siya yata ang may crush sa akin eh...
"I'm Kisses Monterez. I'm 20 years old..." pakilala ko sa kanya. Para naman alam niya name ng crush niya. Arte...
Nabigla naman ako ng biglang mag-iba ang awra niya. Naging kulay apoy ang kanyang mga mata! Anong nangyari?
"Isa kang espiya mula sa Hesico! Tanging Hesiconian lang ang nakapagsasalita ng ganyang wika!" may bahid na galit na sigaw nito. Sa pagkakataong ito, ako naman ang napaatras. Ano bang pinagsasabi niya? Hesico? Ano yun?
Pinagbabawal bang magsalita ng English dito sa Pilipinas?
Pero ang nakapagtataka. Sobrang lalim naman yata ng pinagsasabi niya? Kalahi niya ba si Balagtas? Siguro apo siya ng kanuno-nunuan ng lahi ni Balagtas.
Buwan ng Wika yata ang trip nitong Mamang gwapitong adik na ito, eh! Lakas bumalagtas. Nose bleed ako... (TT)
"Hindi talaga kita maintindihan. Ano bang problema mo sa akin huh? Eh kung ituro mo nalang kaya sa akin ang daan pabalik sa bahay namin! Hindi yung nagsisigaw ka diyan..." paismid kong sabi sa kanya. Ngayon ko lang napansin na masyadong malayo ang pagitan namin.
Aba! Arte nitong Mamang gwapitong adik na ito. Akala niya yata may nakakahawang sakit ako. Lakas maka-social distancing. As far as I know, baka siya itong may sakit sa balat. Ang init-init naka-long sleeve... Amp!
"Binibini, sabihin mo na kung anong pakay mo at naparito ka sa Eshion. Kakaiba din ang iyong kasuotan!" sigaw ulit nito. "Ngayon, sabihin mo kung saang dinastiya ka nagmula?"
"Dinastiya?!" tanong ko. Ano bang dinastiya? Eh sinabi ko na ngang sa bansang Pilipinas ako nagmula. Teka—? Dinastiya? Dinastiya?!!!
O_O
"Anong lugar ba ito? At saka...sa anong dinastiya nabibilang ang panahong ito?"
"Dinastiyang Esh. Ngayon, sabihin mo kung anong pakay mo sa lugar na ito? Kung hindi ka nagmula sa Hesico, bakit nakakapagsalita ka ng wikang Hesca?" nagdududang tanong nito.
Alam niyo iyong clueless ka na nga, inulan ka pa ng madaming katanungan? Masasapak ko na talaga itong Mamang gwapitong adik na ito. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito sa maganda pero weird na lugar na ito eh.
"Pasensiya na. Pero di talaga ako taga dito or kahit saan pang lugar mula sa dinastiyang ito! Taga-Pilipinas po ako. At please lang, kung panaginip lang ito, pwede bang gisingin mo ako? Ayoko ng makipag-usap sayo. Dami mong tanong!" inis kong sigaw sa kanya saka tumalikod na. Hahanapin ko na ang daan pauwi. Baka nasa bahay na si Manang Dory at hinahanap na ako.
Pero di pa man ako nakakalayo ng biglang may sumabog mula sa may kalayuan. Ano yun? Bomba?
Hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko ng matanaw ang pag-angat ng apoy papuntang kalangitan. Nanginginig ang mga tuhod ko. O my gosh! Ano bang nangyayari sa akin?!
"Halika na!"
Naramdaman ko nalang ang isang napakainit na kamay na humawak sa aking braso. Masakit. Para bang napapaso ako. Kumakalat ang init papuntang puso ko.
"A-Aray..."
Pero patuloy lang siya sa paghila sa akin. Naramdaman ko namang medyo bumabagal na ang takbo namin. Saka ko napansin na hinihingal na siya. Anong nangyari sa kanya? Kasabay ng paghinto niya ay ang malakas na pagbitaw niya sa braso ko. Hindi ko alam pero sobrang nanghina ako. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Bakit ganun? Parang nagkukuhaan kami ng sari-sariling lakas.
Sino siya? Bakit parang may mali?
"Makinig ka... Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero kailangan malayo tayo sa isa't-isa. Kinukuha ng presensiya mo ang lahat ng lakas ko..." hinahapong paliwanag nito.
Hindi ko maintindihan. Bakit ganun?
"Ngayon, dadalhin kita sa mga Omegas. Doon matutulungan ka nilang bumalik sa pinanggalingan mo...kung talagang hindi ka isang espiya ng isang dinastiya..." Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit inuubos ng presensiya niya ang lakas ko. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako.
Gusto ko ng umuwi! Ayoko na dito. Kung totoong panaginip lang ito, sana naman ay gisingin na nila ako.
Tiningnan ko lang siyang maglakad palayo sa akin. Sino siya? At bakit ako narito sa lugar na ito? Isa ba itong pahiwatig?
A/N: End of chapter 6. Keep reading and voting! Tenkyu!!
YOU ARE READING
Reincarnated Affection | Completed
Fiction HistoriqueC O M P L E T E D Kisses Monterez is a happy-go-lucky type of girl, who loves reading historical books to feed her curiosity about history. She maybe inherited that traits from his great-grandfather, who was a well-known historian before. Then she...