🖇️ Chapter 13

173 35 2
                                    


🖇️ Chapter 13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🖇️ Chapter 13

Mula ng araw na nahimatay ako ay hindi na ako pinalabas pa ng bahay nina Aling Nadia at Mang Roman. Usap-usapan na din kasi sa buong Eshion ang tungkol sa isang Hesiconian na pumasok sa lupain ng Eshion. Malaki ang paniniwala nila na ako ang taong tinutukoy ng mga ito.


Pero naisip ko, bakit naman nila ako balak kunin gayung wala naman akong kasalanan sa kanila? Hindi ko din sila kilala kaya anong pakay nila sa akin?


Umabot ba hanggang sa Hesico ang radar ng kagandahan ko? Well, they can't blame me. Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong may angking kagandahan. Kung nasa kasalukuyang panahon lang sana sila, madali lang naman ang magpaganda. May mga bagong labas na mga beauty products sa Avon at Personal Collection kaya wala silang problema. Hindi yung mag-uutos pa sila ng kalahi nila para lamang ipahanap ako sa mga ito.


At kung ang dugo ko nga ang pakay nila, edi kunin nila! Itira lamang nila ang red blood ko. Yung weird na kulay itim na dugo lang ang ubusin nila.

Napatingin ako sa pulsuhan ko. Ilang beses ng pumasok sa isip ko na hiwain iyon upang makumpirma ko kung totoo nga na itim ang kulay ng dugo ko. Pero mas lamang pa din ang takot sa akin. Ang daming 'what if' na sumasagi sa aking isipan.


What if hindi pala? Edi nagkasugat lang ako....


What if totoo pala? Edi wala na din akong pinagkaiba sa mga aliens? Yun nga lang, itim ang dugo ko samantala green naman ang sa kanila.


Natigil lamang ako sa pagmomonologo ng makarinig ng tatlong katok mula sa labas ng pinto. Agad naman akong tumayo para buksan iyon. Pagpihit ko pabukas ng pinto ay mukha ni Raffa ang bumungad sa akin. Nagtaka naman ako ng makitang namumula ang dalawang mata nito na parang nanggaling lamang sa matinding pag-iyak.


Hindi gaya ng una nitong pagsugod dito noong nakaraang araw ay walang bakas ng galit ang mukha nito. Sa halip ay kalungkutan ang una mong mababasa sa kanyang mga mata.


"Bakit?" tanong ko. Mukha kasing ayaw magsalita.


Nang sabihin ko iyon ay nakita ko kung paano mangislap ng luha ang kanyang mga mata. Hala! Huwag mong sabihing iiyak siya? May problema ba siya? Something personal? Tapos sa akin niya ginustong humingi ng advise kasi akala niya expert ako? Naku, naku! Wala akong kaalam-alam sa mga advices na iyan...


Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.


"Sumama ka sa akin, Kariella! Ikaw lamang ang tanging makakatulong kay Zep!" sigaw nito. Bakas sa boses nito ang takot.

Bigla nalang nawala sa isipan ko ang akala kong advices na hinihingi nito. Lalo na ng tuluyan nang nagsituluan ang mga luha sa mata nito.


"Pakiusap...tulungan mo si Zep! Ikaw na lamang ang makakapagpagaling sa kanya, Kariella..." dagdag pa nito.



Doon ko lang naisip na doktor na pala ako. Gusto kong sabihing 'Sorry pero di ako doktor' pero hindi ko ginawa lalo na ng makita ko kung gaano kaseryoso si Raffa sa sinasabi niya.

"Bakit? Anong nangyari kay Zep?" takang tanong ko. Habang tinitingnan ang lumuluhang mukha ni Raffa ay nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung para saan, para sa ano, o para kanino. Basta natatakot ako.


"Nalason siya, Kariella. At unti-unti nang kumakalat ang lasong iyon sa buong katawan ni Zeprael..." natatakot na sumbong nito sa kanya. "Kariella... Pakiusap...tulungan mo ang kuya ko!" malakas nitong palahaw.


Gusto ko mang siyang tanungin tungkol sa sinabi niya pero hindi ko ginawa. Okupado kasi ang isip ko tungkol sa kung anong nangyayari kay Zep. At kung bakit ganito na lamang umakto si Raffa.


"Sige. Sasama ako... Hintayin mo lang ako sandali" sabi ko dito saka muling lumapit sa kabinet na malapit lamang sa higaan ko. Kinuha ko mula doon ang librong dala-dala ko. Ang libro ni Karia.


"Halika na! Baka kung ano pang mangyari sa Mamang gwapitong adik na iyon!" pagyayaya ko dito at nagtipauna ng maglakad na parang tunay na expert na sa mga pasikot-sikot sa lupaing ito.


"Maraming salamat, Kariella..."





"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Ang hangin talaga ni Kisses! Laging nasisingit ang kagandahan niya 'kuno'! Hahahaha 😂😂 Well, maganda naman talaga siya...pagbigyan niyo nalang 😆😆😆

Don't forget to vote and drop your comment below!!! Kamsahamnida, Hopefaithers!!!

Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now