🖇️ Chapter 15

155 27 2
                                    






Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



🖇️ Chapter 15


"SIGURADO ka ba sa sinasabi mo, Kariella?" nag-aalalang tanong ni Aling Nadia sa akin. Ngayon na ang paglalakbay ko patungong Hesico. Pero hindi naman ako nag-iisa. Kasama ko si Raffa at si Pier, ang anak na lalaki ni Aling Solan. Kahapon ko lamang siya nakilala.


Tumango naman ako. "Opo, Aling Nadia. Hindi naman po pwede na hayaan nalang naming kumalat ang lason sa buong katawan ni Zeprael..." paliwanag ko. "At sabi pa nga ni Mang Roman, walang ibang makakagamot kay Zep kundi ang eksperto lamang na naninirahan sa bayan ng Hesico..."

"Pero masyadong delikado ang lupaing iyon, Kariella. Baka nakakalimutan mong ikaw ang pakay nila sa bayang ito kaya sila naparito noong isang araw. Kariella, ineng... Ipagpaliban mo na lamang ang desisyon mong iyan..." paalala pa sa akin ni Aling Nadia.

Malungkot akong ngumiti saka umiling sa kanya. Wala na talagang makakapagpabago ng desisyon ko. Tutulungan ko si Zep. At kahit hindi ko alam kung bakit ko nga ba ginagawa ito ay hindi ko na lamang inintindi.


"Kasama niya naman po kami, Aling Nadia. Hindi po ako magtatanga-tangahan doon dahil kasama namin si Raffa ng buhay ko..." pagbibiro pa ni Pier.

Agad naman itong pinanlisikan ng mata ni Raffa.

"Hoy! Huwag mo akong madamay-damay diyan sa kabaliwan mo! At kahit kasama man ako o hindi ay tanga ka pa din! Huwag mong pagtakpan ang sarili mo..." nanggagalaiting sigaw dito ni Raffa.

Bago pa magkagulo at humaba ang away nila ay nagsalita na ako. "Aalis na po kami, Aling Nadia. Mag-iingat po kayo dito... Susubukan po naming ipaalam palagi ang mga nagaganap sa aming paglalakbay kung maaari..." pagpapalubag ko sa loob ni Aling Nadia.

Napipilitan naman itong tumango.


"Mag-iingat kayo. Doon na lamang kayo magpalipas ng gabi sa nasabi kong kuweba sa inyo..." pagpapaalala pa nito sa amin.

"At ikaw Kariella... mag-iingat kang mabuti. Ikaw ang pakay nila kaya huwag na huwag mong huhubarin ang kuwintas na suot mo kahit anong mangyari..." dagdag pa nito ng mapatingin sa akin.

Tumango naman ako. "Tatandaan ko po iyon, Aling Nadia. Aalis na po kami..." Yumukod lamang ako saka inayos ang medyo may kalakihang bag na nasa likod ko. Ganun din naman sina Raffa at Pier.

Napahawak ako sa kuwintas na nakasabit sa leeg ko. Malaki ang maitutulong nito sa akin upang hindi nila ako maramdaman. Malakas kasi ang pakiramdam ng mga Hesiconian sa taong may dugong itim na kagaya ko...

"Malayo-layo pa ang lalakbayin natin. Pero sakto lang na makarating tayo sa kuweba pagsapit ng gabi..." sabi ni Pier na siyang nangunguna sa paglalakad.


" sabi ni Pier na siyang nangunguna sa paglalakad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




A/N: Mag-ala Dora the explorer na po sila!!! Going to Hesico!!! Goodluck sa kanilang tatlo!!!

Ommmooooo!!! 🤩🤩.  Another chapter done na naman!!!!! Keep supporting me, Hopefaithers!!!!! I luv you!!!






Reincarnated Affection | CompletedWhere stories live. Discover now