Kabanata 7

706 34 2
                                    

TW: Violence.

“Chelsie tangina ka talaga,” inis na sabi sa akin ni tita. Kakauwi niya pa lang at sermon agad ang ibinungad niya sa akin. Undas break ngayon kaya nasa bahay ako, kakauwi ko lang din dahil dumaan kami sa sementeryo ni Caelus.

“Bakit po?” Tanong ko. Napapagod na talaga ako sa mga sermon ni tita. Gusto ko na ngang umalis dito pero saan naman ako pupunta. Nakakahiya naman kila Caled dahil marami na din silang naitulong sa akin.

“Punyeta ka! Kanina pa ako nagugutom at wala man lang pagkain dito sa bahay,” reklamo niya sa akin.

“Diba po galig ka sa bahay ng boyfriend mo? Hindi po ba kayo kumain doon bago umuwi?” Tanong ko. Totoo naman, galing siya sa bahay ng boyfriend niya dapat lang na kumain sila doon. Nakita ko ang sama ng tingin sa akin ni tita.

“Tangina mo at sumasagot-sagot ka pa!” inis na sabi niya at hinila ang buhok ko. Napapikit ako nang maramdaman ang kirot doon.

“Magsaing ka na punyeta, wala ka talagang kwenta. Bakit ka pa ba nabuhay? Wala namang nagmamahal sa ‘yo! Pati ng mga magulang mo iniwan ka dahil wala kang kwenta!” sabi niya at hinampas pa ako ng hawak niyang sandal na suot niya kanina.

Naramdaman ko ang hapdi sa aking balikat. Hindi pa man ako nakakaalis sa kaniya ay humampas niya muli ako sa aking likoran at mas lalong hinila ang buhok ko. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang sakit.

“Bwiset ka talagang babae ka! ‘Yan na nga lang ang gagawin mo tapos hindi mo pa nagawa ng maayos. Nagugutom na ako at wala pa ding pagkain, potangina ka talaga! Bakit ka pa ba nabuhay?” gigil na sabi ni tita at kinurot pa ako.

“T-Tama na..p-po,” pilit na sabi ko. Hindi ko na magalaw ang isa kong kamay dahil sa sakit. At ang sakit-sakit na din ng katawan ko.

Tinulak ako ni tita kaya tumama ako sa pader. Umirap siya sa akin at sinipa pa ako.

“Magluto ka na, punyeta ka,” sabi niya bago ako iwan habang umiiyak. Yumuko ako at mas lalong umiyak. Kaya ayoko talagang mag stay dito sa amin dahil ganito lagi ang ginagawa sa akin ni tita. Hindi ko alam kung bakit ba galit na galit siya sa akin.

Dahan-dahan akong tumayo para makapagluto na. Hindi namam ako gutom kaya hindi na ako nagluto. Hindi ko din naman alam na hindi pa kumakain si tita, sana ay nagtext siya sa akin. Napatingin ako sa braso ko na dumudugo, dala siguro nang paghampas sa akin ni tita kanina. Nilinisan ko na muna iyon bago ako magluto.

Madami na naman akong pasa nito at alam kong magtatanong na naman sila Caled sa akin.

“Ano ba? Matagal pa ba ‘yan?” Tanong ni tita sa akin.

“Sandali na lang po,” sabi ko at inayos na ang sarili.

“Ang tagal kumilos. Bilisan mo na nga at nagugutom na ako. Tangina talaga,” inis na sabi niya sa akin. “Mamaya mo na linisin ‘yang sugat mo, mas mahalaga pa ba ‘yan kesa sa pagkain ko? Bwiset ka,” dagdag ni tita at binatukan pa ako.

Hindi na ako nagsalita at tinapos na ang pagluluto. Pinipigilan ko ang luha na nagbabadya na namang tumulo. Iniisip ko kung nandito kaya sila mama, ganito pa din ba ang buhay ko?

Hindi ko naranasan ang magkaroon ng kompletong pamilya, hindi ko din naranasan ‘yung mahalin ako ng buong-buo puro bugbog at sermon lang ang binibigay sa akin ni tita. Hindi ko alam kung bakit ba galit na galit siya sa akin. Wala naman akong nagawang masama sa kaniya, lahat ng utos niya sinusunod ko.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon