“Ano? Nagtext na boyfriend mo?” Tanong ni Caled. Nasa bar kami dahil nag-aya sila. Hindi nakasama si Caelus dahil may importante siyang ginawa at abala din siya sa mga activity na binigay sa kanila. 3rd year na din kasi kami kaya abala na.
Mabuti nga at hindi kami masyadong busy ngayong araw kaya nakapag-bar kami. Nakita ko din kanina sila Naih, hindi ko alam kung nandito pa ba sila kasi ang dami ng tao.
“Hindi pa,” sabi ko. Sabi kasi ni Caelus ay susunduin niya ako kung uuwi na daw ako. Kunti pa nga lang ang naiinom ko at parang wala namang talab ‘yung alak sa akin.
“Bakit? Gusto mo na akong umuwi?” Tanong ko sa kaniya.
“Hindi naman,” aniya at tumawa. Umiling ako at uminom ng tequila. Katabi ni Caled si Jeramae na kanina pa din inom nang inom. Hindi na talaga nagbalikan si Jeramae at Brian at hindi ko na din nakikita si Jeramae na may kasamang lalaki. Si Caled ang lagi niyang kasama.
Umayo ako ng upo, nakasuot pa naman ako ng dress ngayon. Hindi naman masyadong maikli pero kung hindi ako aayos ng upo at makikita talaga ang suot ko sa loob.
“Dance floor tayo,” sabi ni Caled. Tiningnan ko si Caled at Jeramae na tumayo. Timing silang dalawa sa akin at hinihintay ako na sumama sa kanila.
“Mamaya na ako,” sabi ko. Tumango sila at pumunta na sila sa dance floor. Napatingin ako sa cellphone ko para tingnan kung nagtext na si Caelus pero wala pa. Busy pa siguro ang lalaking iyon.
Napatingin ako kay Naih na nasa kabilang table lang pala, papunta siya sa gawi ko. Iniwan niya si Zymon sa table nila pero alam ko naman na susunod din ang lalaki kapag nalaman niyang nawala sa tabi ni si Naih.
“Okay ka pa ba?” Tanong ko sa kaniya. Naupo siya sa kaharap kong upoan. Namumula na nga ang mukha niya at parang patulog na din ang isang ‘to dahil pumikit-pikit na din siya.
“Oo naman!” hyper na sabi niyq at ngumiti sa akin. Umiling ako at ininom ang tequila na nasa baso.
“Susunduin ka ba ni Cae?” Tanong ni Naih sa akin. Her chin resting on her palms while looking at me, she’s also sleepy.
“Oo.” Tumango ako sa kaniya. “Umuwi ka na kaya, inaantok ka na oh,” sabi ko sa kaniya. Umiling siya sa akin at uminom ulit ng vodka.
“Maya-maya na, alam mo bang ako lang mag-isa,” sabi niya pa. Ang babaeng ‘to, lasing na nga. Hindi niya na alam na kasama niya ang boyfriend niya.
“Kasama mo si Zymon girl,” sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa akin.
“Zymon? Sinong Zymon?” Tanong niya at uminom ulit ng vodka na nasa baso. Lasing na talaga ang babae kaya kailangan na niyang umuwi. Tumingin ako sa table nila kanina ni Zymon at nakita ko naman na papunta na sa gawi namin ang lalaki.
“Your boyfriend,” sabi ko.
“May boyfriend ako? Hala?!” tarantang sabi niya sa akin. Natawa ako doon at umiling sa kaniya.
“Let’s go home love,” sabi ni Zymon nang makalapit sa girlfriend niya.
“I’m not love. My name is Nailah,” ani Naih sa lalaki. Tumango lamang si Zymon sa girlfriend niya at inalalayan itong tumayo. Daldal lang naman nang daldal si Naih hanggang sa makalayo sila sa akin.
Umiling ako sa dalawa at uminom ulit. Medyo sumasakit na din ang ulo ko dahil sa alak. Nasaan na ba sila Caled? Kanina pa sila sayaw nang sayaw ah. Ang tagal naman ng dalawang iyon.
“Why are you alone?” Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Caelus na nakatingin sa akin. Umupo agad siya sa tabi ko at hinalikan ako sa saglit sa labi.
BINABASA MO ANG
Perfect Match (Salazar Series #3) ✓
RomansaDate Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng mga lalaki. Hindi marunong magseryoso at para sa kaniya ang relasiyon ay laro lang. Hindi siya naniniwala sa love dahil naghiwalay ang mga ma...