Simula

2K 51 6
                                    

“Chelsie, dito!” Lumapit ako kila Caled na sumasayaw na sa dance floor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Chelsie, dito!” Lumapit ako kila Caled na sumasayaw na sa dance floor. Kakarating ko lang sa bar at gusto ko na talagang uminom.

Nakakainis kasi sa bahay. Pinagalitan na naman ako ni tita Rhiane.

“Kanina pa kayo?” Tanong ko. Tumango si Caled at sumayaw-sayaw sa katabi niyang lalaki. Ang baklang ‘to, kaya pala hindi na nagreply sa akin dahil may nahanap na.

“Si Jera?” Tanong ko. Nginuso niya ang table na ‘di kalayuan sa amin at nakita ko si Jeramae na nagiinom doon.

“Puntahan ko muna.” Tumango lang sa akin si Caled at nagmartsa na ako papunta kay Jeramae.

“Hoy ano? Okay ka pa ba?” Tanong ko sa kaibigan. Tumingin sa akin si Jeramae at nakita kong namamaga ang kaniyang mata dahil sa pag-iyak. Pa’no ba naman kasi hiniwalayan siya ni Rush. Ewan ko ba sa babaeng ‘to, ang ganda-ganda tapos sa mga manloloko lang napupunta.

“Tangina talaga ng mga lalaki. Bwiset sila,” aniya at nilagok ulit ang vodka na nasa kamay niya. Umiling ako at tumingin sa paligid.

May napansin akong tatlong lalaki na nasa kabilang table. Pare-parehas silang mga hot! Shems! Nung nagpaulan siguro ng kagwapohan ay sinalo nilang lahat. May kasama din silang tatlong babae at pakiramdam ko ay hindi naman nila iyon mga girlfriend.

Nanlaki ang mata ko nang makitang lumingon ‘yung isang lalaki sa akin. Ngumiti pa siya kaya nahiya ako. Talaga lang Chelsie may hiya ka? Umiling ako at tinuon na lang ang pansin kay Jeramae na mukhang wala atang kapagoran sa kakainom. Hindi pa din naman bumalik si Caled sa pwesto namin at mukhang didiritso ata sila sa condo ni Caled.

“Chelsie tingnan mo nga ako. Anong m-mali s-sa..akin? Ha? Bakit lagi akong niloloko?” Iyak na sabi ni Jeramae.

“Girl, maganda ka okay. Sadyang mga tanga lang talaga sila,” sabi ko sa kaniya. Hindi nagsalita si Jeramae at mas lalong umiyak. Napatingin ako kay Caled na nawala na sa pwesto nila kanina.

Ang baklang iyon, sigurado akong umalis na siya kasama ang lalaki niya. Sayang at hindi ako makakahanap ng lalaki ko ngayon kailangan ko pang alagaan si Jeramae.

Inakay ko si Jeramae dahil alam kong hindi na talaga niya kaya. Iniwan talaga ako ni Caled. Mabuti na lang at may dala akong sasakyan at hindi ako uminom. Mahahatid ko ang babaeng ‘to.

Napahinto kami sa may table nung mga lalaki kanina. Ang bigat kasi ni Jeramae kaya hindi ko talaga siya kaya na ako lang. Napatingin sa akin ang mga nasa mesa at nakita ko pang umirap ang isa.

Taray ah, akala mo kagandahan. Tanggalin ko mata mo eh.

“Hi miss, do you need help?” Tanong nung lalaki. Siya ‘yung napatingin sa akin kanina. Mas gwapo pala siya sa malapitan ang ganda pa ng boses. Nakakainlove naman ang lalaking ‘to.

“Pwede ba?” Tanong ko sa kaniya at ngumiti.

“Sure,” sabi niya at tinulongan ako kay Jeramae. Narinig ko pa ang pagtikhim ng kasama niyang lalaki at pagtawag sa kaniya ng babae niyang kasama.

Nang makalabas sa bar ay nilagay namin siya sa loob ng sasakyan ko.

“Thank you,” sabi ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ata ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“I’m Caelus,” inilahad niya ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman iyon.

“Chelsie,” sabi ko. We did shake hands after we introduce ourself.

Kinuha niya pa ang number at Facebook name ko at binigay ko naman agad. Bakit pa ako hihindi eh grasya na iyon.

Dapat ang mga ganoong blessing ay hindi sinasayang.

Mukha naman siyang masarap.

Masarap kasama.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon