Kabanata 25

1.4K 41 0
                                    

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Alas dos pa lang umaga at pinapatulog ko ang kambal dahil nagising sila. Si jeramae ay tulog na din dahil ng madaling araw pa.

“Chelsie? Sorry for the late call. My ubas ka ba diyan?” ani Zymon sa akin. Sigurado akong nagc-crave na naman si Naih kaya napatawag ‘tong si Zymon.

“Oo, meron. Naghahanap si Naih?” Tanong ko sa kaniya.

“Oo, umiiyak na nga,” sabi niya. Tumawa ako at umiling.

“Punta na lang kayo dito, maraming ubas dito,” sabi ko sa kaniya. Binaba na niya ang tawag at tinabi ko na din ang cellphone ko. Mabuti na lang at nakabili kami kanina ng prutas.

Tumingin ako kay Ashton na nakamulat pa din hanggang ngayon. Nakatingin siya sa akin kaya binuhat ko siya. Tulog na tulog naman si Alistair ngayon na yakap-yakap ang teddy bear.

“Da..ddy…” Bumilis ang tibok ng puso ko nang sahihin iyon ni Ashton. Araw-araw ko na nga ‘tong naririnig sa kanila. Gusto na talaga nilang makita ang daddy nila. Tama nga si Jeramae kailangan ko nang sahihin sa kaniya na may anak kami pero hindi ko alam kung paano.

Nagising si Alistair nang marinig ang busina sa labas. Kaya ang ending ay nilagay ko na muna silang dalawa sa stroller at bumaba na kami. Mabuti na lang at nagising din si Jeramae kaya tinulongan niya ako sa kambal.

Pinapasok ko na ang dalawa sa loob at kita ko agad ang gulat sa mukha ni Zymon nang makita ang kambal na nasa stroller. Pansin niya siguro na kahawig ng pinsan niya ang anak ko.

Inabot ko na kay Naih ang ubas at agad naman niyaw iyong nilantakan. Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain. Naalala ko tuloy ‘yung pinagbubuntis ko ang kambal, ganiyan na ganiyan din ako noon.

“Ito na ba sila?” Tanong sa akin ni Naih nang makita ang kambal sa harap namin. Tulog na ulit si Alistair at nanatiling gising si Ashton na pabalik-balik ang tingin sa dalawa.

“May anak ka na pala Chelsie?” Medyo hindi pa idn makapaniwalang sabi ni Zymon.

“Oo,” sagot ko. Halata na naman, na alam niya kung sino ang ama ng kambal.

“Bakit hindi mo pa sabihin sa kaniya?” Tanong sa akin ni Zymon.

“Natatakot ako. Iniwan ko siya noon at alam kong galit pa din siya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat,” sabi ko habang nakatingin sa kambal. Nakatulog na din si Ashton. Hinalikan ko ang dalawa sa noo.

“You should talk to him para malaman na din niya,” sabi ni Zymon. “Gusto mo tawagan ko siya?” Tanong niya sa akin.

“Wag na muna, wag muna ngayon,” sabi ko at tumingin ulit sa kambal na mahimbing nang natutulog. Natatakot ako sa posibleng mangyari ngayon. Alam na ni Zymon ang tungkol sa anak namin ni Caelus. Baka mamaya ay magulat na lang ako na nandito na si Caelus.

Iniisip ko na din na baka sabihin na agad ni Zymon kay Caelus na may anak kami. Syempre magpinsan sila kaya sasabihin niya iyon.

“Hayaan mo na muna si Aia, love. Hindi niya pa kayang makipag-usap kay Caelus. Isa pa alam mo namang, may galit pa ang pinsan mo sa kaniya diba?” ani Naih at kumain ulit ng ubas.

Hindi ako nagsalita at inisip na lang ang mga posibleng mangyari sa amin ni Caelus kung sakaling magkausap na nga kami. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kaniya noon. Ginawa ko lang iyon para mapabuti siya, nag-aaral pa siya ng law at ayokong makasagabal ako sa kaniya. Kahit na ang akala niya ay siya ang nakakasagabal sa akin.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon