“Omg! Hi po Miss Chelsie,” bati ng mga babae nang makababa ako sa sasakyan.
“Hi.” Kumaway ako sa kanila. Naglabas naman agad sila ng mga cellphone nila at nagpapicture sa akin.
“Ang ganda niyo po,” sabi nila sa akin. Ngumiti ako sa kanila kaya mas lalo silang kinilig.
“Thank you, kayo rin,” saad ko. Nagpaalam na sila sa akin. Malaki ang simbahan at madami din ang bisita. Hindi pa man ako nakakapasok ng simbahan ay may mga nakakilala na sa akin. Nakita ko na din ang kumpolan nila Naih. Namiss ko ang mga babaeng ‘to.
Napansin ko agad ang lalaking nakatingin sa akin. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanila ay kinakabahan na ako.
“Hi! Late na ba ako?” sabi ko sa kanila. Lumingon sila sa akin at una ko agad napansin si Naih at ang kaniyang tiyan. Buntis ata ang gaga.
“Omg! Namiss ko kayo!” sabi ko sa kanila nang kumalas kami sa yakap. Nakita ko ang anak ni Sandra. Kambal din, babae naman ang sa kaniya. Kamukha niya!
Nagtama ang mata namin ni Caelus pero umiwas na agad ako. Malamig ang tingin niya sa akin wala din akong nababasang kahit na ano sa kaniyang mukha. Galit pa din talaga siya sa akin.
Nagsimula na ang kasal at nakapokus lang ako doon. Binuhat ko pa si baby Macklaine at hindi naman siya umiyak. Nagulat nga sila dahil ngayon lang naman ako nakita ng kambal pero hindi sila umiyak. Hindi pa nila alam na may anak na ako kaya hindi nila alam na sanay na ako sa bata.
Tumingin ako sa kabila at nakita si Caelus na seryoso lang na nakatingin sa ikakasal. Kahit naka side view lang ay kamukha niya talaga ang anak niya. Hindi ko maipagkakaila iyon dahil ‘yon naman ang totoo.
“Miss mo na?” Napatingin ako kay Naih nang bigla siyang magsalita.
“Ha?” Kunot noo kong tanong sa kaniya. Mamaya kung ano-ano na naman ang naisip ng babaeng ‘to.
“Miss mo nang manood ng kasal,” aniya at tumawa. Umiling ako sa kaniya at inayos ang pagkakakarga kay baby Macklaine.
“Ewan ko sa ‘yo, kung ano-ano na naman pinagsasabi mo,” sabi ko sa kaniya.
“Bakit? Iba siguro ang iniisip mo no?” Ngumisi siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagpokus na lang sa kasal. Tumingin ulit ako kay Caelus at nakitang nakatuon talaga ang atensiyon niya sa dalawa.
“You may now, kiss the bride.” Nagpalakpakan kami sa sinabi ni father at hinalikan na nga ni Carlos ang asawa niyang si Jaica.
“Sanaol!” Natawa kami kila Troy nang isigaw nila iyon. Nagkatinginan pa kami ni Caelus pero umiwas na agad ako ng tingin.
Nang matapos ang kasal ay dumiritso na agad kami sa venue. May ilan pang nagpapicture sa akin bago kami makapasok sa loob.
“Wait lang, pila muna. Ako nauna,” pagbibiro ni Naih. Umiling ako sa kaniya.
Kinuha ko ang cellphone ko nang maupo ako sa tabi ni Naih. Nakakuha na din kami ng pagkain. Bumungad sa akin ang isang article na may picture ko.
LOOK: Gorgeous Chelsie Tadeo attend her friends wedding.
May ilang larawan ako doon na nasa simbahan at kasama sila Naih. Ang ilan naman ay ‘yung dito na sa venue.
BINABASA MO ANG
Perfect Match (Salazar Series #3) ✓
RomanceDate Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng mga lalaki. Hindi marunong magseryoso at para sa kaniya ang relasiyon ay laro lang. Hindi siya naniniwala sa love dahil naghiwalay ang mga ma...