I was scrolling on my feed when I saw the post of Zymon. It was a picture of him and Naih.
Nakahawak si Zymon sa tiyan ni Naih habang nakangiti sila sa camera at ‘yung isa naman ay suot na ni Naih ang singsing na bigay ni Zymon habang pinapakita iyon sa camera. May caption pa ‘yung ‘Double celebration! My love, said yes! And we’re having a baby!’
I’m so happy for them. Sa wakas, at ikakasal na silang dalawa.
Desiree Ramos
Halaaaa! Omooooo, congrats huhu!!😭♥️
Jovi Marie Gonzales
Omg!! Congrats po!!😭❤️❤️
Sheena Dela Cruz Repato
Hoooyyyyyy! Congrats!❤️❤️
Hazel Anne Malapo
Yeyyyy! Congrats!!❤️
Ellaine Pulanco Baroman
Omg! Congrats to the both of you!!!😍❤️
Chelsie Tadeo
Yeyyyy! Congrats!❤️❤️
Hannie Mae Abucay
Huhu! Congrats po!!😭😭♥️
Agatha Bianca Zuen
OMG! Congrattsssss!!!❤️
Julianne
Congrats po!!!♥️
Troy Salazar
Inggit ako.😼
Caelus Salazar
Inggit ako. (2)
Zymon Salazar
Troy Caelus kawawa HAHAHAHAHAHAHA.
Troy Salazar
Zymon tangina mo. Sasabihan ko si Naih na bawiin ‘yung yes niya.😾😾
Natawa ako sa comment ni Troy at umiling na lang. Nakita ko din ang comment ni Caelus, ginaya lang niya ‘yung comment ni Troy. Nagbibiro lang siguro siya. He’s dating an actress. Nakita ko nga sila nung birthday ni Tawan diba.
Nandito kami sa bakery shop ni Naih. Hinihintay na lang ang dalawa, nagpahanda ang babae. Celebration para sa engagement nila at sa baby nila.
“Congrats ma’am!” sabi ni Elle kay Naih.
“Congrats girl!” sabi ko at niyakap din siya. May pinsan na din ang kambal ko.
Nilantakan agad ni Naih ang red velvet cake. Ganiyan din ako noon. Ang pinagkaiba lang may nag-aalaga sa kaniya ngayon, ako wala.
May nakita akong brownies kanina doon sa may kusina nila. Gusto ko tuloy magdala dahil favorite iyon ng kambal.
Sabay kaming napatingin sa may pinto nang may pumasok. Nakita ko si Nancy at Caelus. Sinama niya talaga ang babaeng ‘yan dito.
“Sana’y ‘di na lang kita nakilala~” naputol ang katahimikan dahil sa pagkantang iyon ni Troy.
“Omg! Hi Chelsie! Nandito ka pala?” agad na sabi ng babae nang makita ako.
Nakita ko tuloy ang pagkunot ng noo ng mga kaibigan ko. Nagtataka siguro sa inasta ng babae.
“Malamang, nakikita mo naman diba,” mahinang sabi ni Naih.

BINABASA MO ANG
Perfect Match (Salazar Series #3) ✓
RomanceDate Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng mga lalaki. Hindi marunong magseryoso at para sa kaniya ang relasiyon ay laro lang. Hindi siya naniniwala sa love dahil naghiwalay ang mga ma...