Kabanata 18

718 34 0
                                    

Can’t Help Falling in Love / Elvis Presley

“Venn,” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at ngumiti pero bakas pa din talaga ang matamlay niyang mata na maraming iniinda ngayon.

“Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko sa kaniya. Kasama ko si Caelus at sila Yosef ngayon. Nasa labas pa kami ng UOC dahil sa hinihintay namin si Venn. Wala si Troy dahil nga hiwalay na sila ni Venn. Naiintindihan ko si Venn kung bakit mas pinili niyang pakawalan si Troy, sobrang dami na ng problema niya ngayon at sa tingin ko ay ayaw na niyang madamay pa si Troy.

Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa pero mahirap talaga ang sitwasiyon nila ngayon. Hindi ko na nga din madalas na makita si Naih, ayaw niya kasing magpakita kay Zymon. Matindi pa din ang galit niya sa ex niya. Kahit anong tingin ko kay Zymon kapag may kasama siyang ibang babae ay mahahalata talaga na hindi niya ito gusto, halatang kay Naih pa din ang uwi niya.

“Mamaya na,” aniya at ngumiti ulit sa akin. Tiningnan ko ang katabi kong si Caelus na nag-aalala din kay Venn ngayon.

“Hatid ka na namin,” sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagtutubig ng kaniyang mata. Agad akong nataranta at lumapit sa kaniya para tabihan siya.

Hindi nagsalita si Venn at nagpatuloy lang sa pag-iyak, alam kong nalaglagan siya. Nung libing ng mama niya ay alam kong buntis na siyag nun, hindi ko lang alam kung alam ba ni Troy na nalaglagan na siya. Naiintindihan ko din naman kung hindi niya sasabihin kay Troy ang tungkol doon dahil masakit pa sa kaniya iyon pero kailangan din namang malaman ni Troy iyon dahil anak nilang dalawa iyon.

“Hindi..k-ko na a-alam..kung a-anong g-gagawin..k-ko..” nahihirapang sabi ni Venn. Patuloy lang ang pag-iyak niya habang inaalo ko siya.

Ang tangi lang naman naming magagawa nila Caelus ay ang hindi siya iwan at samahan lang siya. Sila na lang ang naiwan ng kapatid niya kaya alam kong mahihirapan siya.

“It’s okay, you can cry,” sabi ko. Napatingin ako sa mga kasama na nag-aalala na din ngayon. Pagkatapos ng ilang minuto ay inihatid na namin si Venn. Naghihintay doon ‘yung kaibigan niya na parang kapatid na ang turing sa kanila.

Nagpaalam na kami sa kaniya para makauwi na kami sa condo. Medyo magulo ang sitwasiyon ng lahat, si Zymon nga ay hindi pa din okay hanggang ngayon. Kahit na minsan ko na lang din makita si Naih ay pansin ko din na hindi pa din siya okay.

Dumiritso naman kami sa bar dahil nando’n daw ang lalaki, kasama si Zymon. Kaya pala hindi ko na sila nakita kanina, nauna na pala sa bar. Pagdating sa bar ay nakita kong madami na ang tao. Halos lasing na nga iba eh, nagsasayaw at nagtatawanan pa.

Nakita naman agad namin ang dalawang lalaki na nagiinom. Pulang-pula na ang mukha ng dalawa at ang dami na nilang nainom.

“Kanina pa ba sila dito?” Tanong ni Caelus doon sa bartender.

“Opo sir, madami na din po silang nainom,” sabi ng bartender. Tumingin ako sa dalawa na sobrang pula na ngayon. Ang mata ni Troy ay mapula na din dahil sa pag-iyak niya habang si Zymon naman ay matamlay din ngayon.

“Alam m-mo..hahaha..si Naih kahit maldita..i-iyon m-min..san.. Mahal na mahal k-ko siya…” utal na sabi ni Zymon at ininom ang black label na hawak.

“M-Mahal na m-mahal ko si V-Venn..she’s the one I want to marry… Hindi k-ko lang alam..kung b-bakit nagawa n-niya akong hiwalayan ng g-ganito? N-Nakakapagod ba akong m-mahalin?” saad ni Troy at inubos na ang alak na nasa kamay niya.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon