Kabanata 5

841 35 1
                                    

“Masarap?” Tanong ni Caled sa akin nang makapasok ako sa room namin.

“Ang ano?” Tanong ko sa kaniya. Masakit ang ulo ko at medyo sabog pa nga ako ngayon. Hindi ko na alam ang nangyari kagabi.

“Shit!” Tumili siya kaya napatingin sa amin ang kablock namin. Hinampas ko siya sa kaniyang braso at sinamaan ng tingin. Ang baklang ‘to ang ingay-ingay talaga.

“Wala kang naalala? Bakit ‘di mo maalala?” Gulat na sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Ano bang sinasabi niya, kung kanina niya pa iyon sinabi ay baka alam ko na ang tinutukoy niya.

“Ang ano ba kasi?” Nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Kung ako ang mahahalikan ng isang Caelus Salazar siguro hindi na ako makakatulog at mababaliw ako kakaisip sa halik na iyon. Shit! Iniisip ko pa lang ‘yung halikan niyo kagabi, kinikilig na ako,” ani Caled.

Nanliit ang mata ko sa narinig. Totoo ba ang sinasabi ng kaibigan kong ‘to. Tumingin ako kay Jeramae na nakatingin lang sa amin, nakangiti siya ngayon at parang sinasabi nga sa akin na totoo ang mga sinasabi sa akin ngayon ni Caled.

“What?” Tanong ko sa kaniya.

“Grabe ang halikan niyo kagabi. Sa sobrang gulat at kilig nga namin ni Jera ay hindi na namin nakuhanan ng video pero girl, ang hot niyong tingnan kagabi at grabe talaga iyong kapit mo sa batok ni papa Cae ah,” ani Caled sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ni Caled. Tangina naghalikan raw kami ni Caelus kagabi, hindi ko talaga maalala iyon dala na din siguro ng alak kaya ganun ang nangyari kagabi.

“Nakakahiya,” sabi ko sa kanila. Nanlaki ang mata ni Caled at gulat na tumingin sa akin.

“Nakakahiya? Ganiyan lang sasabihin mo? At saka anong nakakahiya?!” aniya sa akin. “Kelan ka pa nahiya girl? Grr ka, ang sarap ba ng halik ni papa Cae?” Tanong sa akin ni Caled at nag-ngising aso sa akin. Umiling si Jeramae pero alam kong naghihintay din siya ng sagot sa akin.

“Hindi ko nga maalala diba? Pa’no ko masasabi kung masarap nga iyon,” sabi ko sa kanila.

Napatingin ako sa labas nang makarinig ng ingay sa iba naming schoolmates. Wala siguro silang klase ngayon, may ilan kasing professor ang nag-seminar kaya walang klase ang iba pero nagiwan naman sila ng mga activity.

“Bakit mo nakalimutan iyon?! Shit ka. Ang sarap ng halikan niyo, ramdam ko talaga.” Tinaas pa ni Caled ang kaniyang kamay at seryoso tumingin sa akin.

Umiling ako sa kaniya at hindi na muna sila pinansin. Hindi ko talaga maalala ang mga nangyari kagabi. Masakit pa nga ang ulo ko at napagalitan din ako kanina ni tita dahil raw ang tagal kong magising.

Napayuko ako at hinawakan ang sintido ko. Inaantok pa nga ako at gusto ko na lang talagang matulog ngayon. Nanlaki ang mata ko nang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

So, totoo nga?! Naghalikan kami ni Caelus kagabi? Pagkatapos ng halikan namin ay nawalan ako ng malay ay napatumba sa kaniya. Hindi ko na din alam kung sino nga ba ang naghatid sa akin pauwi.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari kagabi, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganito dati nung may mga lalaki akong nahahalikan, gusto ko pa ngang maulit iyon dahil halik talaga ang gustong-gusto ko. Iyon ang hinahanap ko kapag may dinadate akong lalaki, gustong-gusto kong humalik. Malambot kasi ang labi nila at gustong-gusto ko iyong tikman.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon