Kabanata 6

801 37 0
                                    

Ilang araw din akong hindi pumasok dahil sa nangyari, pati na din ‘yung babaeng nakaaway ko ay ganun din. Na suspended kami dahil sa nangyari, mabuti na lang at tapos na ang midterm dahil kung nangyari iyon during midterm ay hindi kami makaka-exam.

Hindi ko din naman sinabi kay tita dahil alam kong papagalitan niya lang ako kaya sa condo ako ni Caled nag stay. Hindi naman nagtanong si tita dahil hindi pa din siya umuuwi sa bahay, umalis kasi sila ng bago niyang boyfriend at nagiwan lang naman siya sa akin ng walong libo. Mabuti nga at medyo malaki ang binigay niya ngayon.

Nakabili din ako ng pangregalo kay Naih dahil birthday niya na. Nandito na nga kami sa Palawan si Caled ang kasama ko at nagmukha talaga siyang straight ngayon dahil napakapormal niya. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang ayos niya eh, baka naman may nagugustohan na talaga siyang babae at ayaw lang niyang iyon sabihin sa amin ni Jeramae. Pansin ko din naman na wala na siyang kinikitang mga lalaki, hindi katulad dati na sobrang dami niyang boylet.

“Advance happy birthday my girl,” sabi ko at inabot sa kaniya ang regalo ko.

“Thank you!” aniya at niyakap ako.

Madami na kami dito pero pansin ko na wala pa si Zymon. Siguro ay susunod na iyon. Napatingin pa ako kay Caelus na ngayon ay may iba na namang kasamang babae. Sabi ko na nga ba at magdadala ulit siya ng panibgao niyang babae. Ano pa nga ba, hindi pa ba ako sanay.

Umirap ako sa kawalan at tumingin na sa katabi ko na tahimik ngayon. Naninibago talaga ko sa kaibigan kong ‘to. Hindi kasi talaga ako sanay na ganito siya, hindi pa nga siya nagsasabi sa amin kung meron ba talaga siyang nagugustohan ngayon na babae.

“Bakit?” Tanong ni Caled sa akin. Gwapo si Caled kaya madami talagang magkakagusto sa kaniya. Lalo na ngayon na nagsisimula na nga siyang hindi magmake-up at magsuot ng pormal.

“Sino ba ‘yang kasama mo girl? Boyfriend mo? Akala ko ba si Caelus ang sa ‘yo?” Tanong sa akin ni Naih.

“Gaga, si Caled ‘to,” sabi ko. Nanlaki ang mata ni Naih at tumingin pa sa katabi ko. Kahit nga kanina nung paglabas ni Caled sa kwarto niya ay hindi ko din siya agad na nakilala. Magugulat din si Jeramae mamaya kapag nakita nila ang ayos ni Caled, susunod din kasi sila ni Brian dito sa amin mamaya.

“Tangina. Seryoso ba?” gulat pa ding sabi ni Naih at tiningnan pa si Caled ngayon.

“Ay gago,” ani Naih nang mapagtantong si Caled nga ang kasama ko. Tawa tuloy ako nang tawa sa kanila. Dumating na din si Zymon kaya lang ay may kasama siya. Napansin ko tuloy ang pagka-ilang ni Naih at pakiramdam ko ay naiinis din siya. Hindi niya nga pinansin si Zymon eh.

Hindi ko din nakita si Venn, ang sabi ni Troy ay hindi daw sumama kaya medyo wala din sa mood ang lalaki. Hindi ko alam kung kelan nga ba sila magkakaaminan. Halata naman na gusto nila ang isa’t-isa eh.

Panay din ang inom ni Naih kaya inawat namin siya pero ayaw namang paawat ng babae. Gusto daw niyang uminom nang uminom kaya hinayaan na lang muna namin. Alam ko naman na masama ang loob niya kay Zymon, pansin din ata iyon ni Zymon dahil panay ang tingin ay habol niya kay Naih.

Uminom na din kami ni Caled. Tumingin ako sa gawi ni Caelus at nakitang naka-kalong na sa kaniya ang haliparot. Umiwas ako nang tingin sa kanila, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko ang bote ng beer at inubos agad iyon, nakita ko na ang tingin sa akin ni Caled. Hindi ko siya pinansin at uminom na lang.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon