25. Who is who (Part 1)

4 1 0
                                    

Chapter 25
Who is who? (Part 1)

Di ko alam kung pano yun nalaman ni Dean ang mahalaga ay mapuntahan na namin ngayon din si Azalea.

Iisang sasakyan lang ang ginamit namin at yun ay kay Kalyx, hindi na namin alintana kung siksikan na kami. Masyadong mabilis magpatakbo si Kalyx pero parang wala lang yun sa kanila dahil alam ko na gaya ko ay mas iniisip nila kung ano nang kalagayan ni Azalea. Ilang linggo pa lang nung sinabi kong di ko kakayanin kung mawawala siya tapos ngayon may parte sakin na natatakot at ayaw kong isipin kung anong rason nito dahil alam kong matapang si Kaykay at hindi din yun papayag na iwan kami.

Pagkarating na pagkarating sa nasabing hospital ni Dean ay agad din kaming tumakbo diretso sa ER at dun ko nakita ang buong pamilya ni  Kaykay. Nagulat ako ng nginitian ako ng tita ni Kaykay, hindi ko siya kilala pero sa tingin ko tita niya Ito dahil may hawig ito sa ama ni Kaykay, baka magkapatid. Bukod sa babaeng ngumiti sakin lahat sila ay seryoso lang ang mukha at walang mababakasan na emosyon pero kung titingnan mo ng maigi ang mga mata nila. Namumula ito at ang iba ay may luha pang nagtataksil.

Tiningnan ko ulit ang babae at nagulat ako ng mawalan na din ng emosyon ang mukha niya at sa pintuan ng ER na siya nakatingin. Lahat sila inaabangan ang paglabas ng doctor, sila Blue naman ay parang umurong ang mga luha nito nang makita ang pamilya ni Azalea pero si Azi ay parang namamangha pa habang nakatingin sa kanila at isa isa pa nitong minata ang mga kasuotan ng mga babae. Ang mukha niya ay puno ng paghanga parang kanina lang ay sobrang aligaga siya pagkarinig ng masamang balita mula kay Dean. Tapos ngayon, parang sinasamba niya na ang mga kasuotan ng pamilya ni Azalea.


Hindi rin naman makakaila ang pagka marangya ng mga kasuotan nila, halatang hindi basta basta ang tela ng mga suot nila pero wala na akong pake dun mas mahalaga ngayon sakin si Kaykay. Hayaan ko na muna yan si Azi dahil hindi na talaga mawawala sa kaniya ang pagiging mahilig sa mga mamahaling damit.

Tinabihan ko ang kapatid ni Kaykay, close din kami neto before di ko lang alam kung kilala pa ba ako neto pero ganon na lang ang gulat ko ng yakapin ako nito at umiyak ng tahimik.

"Hyung...."

Lihim na napangiti na lamang ako dahil kahit na may sakit ang pagkakasabi nito sa akin ay masaya ako dahil hindi niya pa ako nakakalimutang tawaging kuya. Isiniksik nito ang mukha niya sa dibdib ko at hinayaan ko lamang ito.

I hug him back and hush him through brushing his hair with my bare hands. Unti unti naman itong kumalma at namalayan ko na lamang ang mabigat na paghinga nito ilang sandali pa tanda na nakatulog na ito.

"Baka mangalay ka Brent iho,  Akin na"

Nagulat naman ako nang may nagsalita sa harap ko at ngayon ko lang narealize na andito pa pala silang lahat kasama ang pamilya ni Kaykay. Ang mommy ni Kaykay ang nagsalita habang nakalahad ang mga kamay. Ibinigay ko naman sa kanya ang kapatid ni Kaykay at ngumiti ng tipid sa kaniya dahil nahihiya akong humarap sa kanila lalo pa't alam nilang may gusto ako sa babaeng anak nila. Hindi ko din alam kung pinaniniwalaan pa ba nila yun pero hindi ko itatanggi si Kaykay pa rin ang laman ng puso ko.

"Ms. Kaella is already stable and she will be transferred to room 434. If you mind, I gotta go. Excuse me." hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang doktor at kinakausap ang tita nila Kalyx, yung ngumiti kanina sa akin. Parang ang laki din ng respeto ng doktor na ito sa kaharap niya.

She only nod in return at humarap sa aming magkakaibigan. Her stares is too cold and her mere presence shouts authority.

"You better go first on Ella's respective room. Kalyx, you'll stay. We have something to discuss"

Tumango na lamang kami dahil parang wala Naman kaming karapatan umangal sa pamilya ni Kaykay. Tinanguan na lang din namin si Kalyx at naglakad papunta sa room ni Kaykay at doon naghintay sa kanila.

-------------------

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sila kasama si Kaykay na nakahiga sa stretcher and the moment I laid my eyes on her, my hand automatically land on my chest. Normal lamang ang tibok nito ngunit may kalakasan, senyales na kinakabahan lamang ako. Hindi ko naramdaman ang pagmamahal, ang mabilis at malakas na pagpintig nito sa simpleng presensya lamang ni Kaykay.

P-pero

Bakit?

Bakit hindi ko nararamdaman ang presensya niya ngayon?

Nakakatakot na ang pakiramdam na ito. Nakakatakot na baka wala na talaga siya kaya hindi ko siya nararamdaman pero imposible! Dahil hindi pa naman siya nagfaflat line at stable na siya sabi ng doctor. Pahinga na lamang ang kailangan niya.

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit inaalis sa isip ko ang mga ganitong isipin. Pagkapuwesto ni Kaykay sa loob ay nilapitan ito ng tita niya at pumuwesto ito sa paanan ni Kaykay, parang may binali or pinindot ba? Yung parang pareho lang ng ginawa niya noon kay Blue. Hindi ko alam basta't bigla na lang din siya nagising at parang iiyak pa, dahil siguro masakit talaga yung ginawa ng tita niya.

Pero bakit naman siya iiyak? Ang pagkakilala ko sa kaniya ay hindi siya basta basta't iiyak sa simpleng bali o sakit lamang.

Nakakapagtaka!

Napatingin siya sa amin at inilibot ang paningin isa isa sa mga nandito sa loob ng room niya at parang may hinahanap pa. Nilampasan niya kami lahat ng tingin na para bang hindi niya kami kilala.

Kunot na kunot na ang noo ko sa pagtatataka sa inasta niya kahit ang mga kaibigan ko. Ngunit ang mga Bora at Ximenez ay parang binabantayan ang bawat galaw nito.

"S-sino p-po sila?"

Lahat kami nagulat ay mali, hindi pala kaming lahat, kaming magkakaibigan lang, maliban lamang kay Kalyx. Nagtatakang napatingin kami sa mga Bora at Ximenez.

"As expected, you're not her"

Man! Everything is confusing. What the heck is really happening?!

Mas lalo kaming nabigla magkakaibigan nang biglang pumalahaw ng iyak ang mommy ni Kaykay at hindi rin maitatago ang saya sa mata ng mga Bora at Ximenez kahit hindi sila nakangiti.

Akala ko wala nang mas lalaki pa sa mga mata namin ngayon magkakaibigan, ngunit inakala ko lang pala yun nang marinig ang mga salitang binitawan ng mommy ni Kaykay.

"My Errah.....

......Kaerra"

Elapsed MemoriesWhere stories live. Discover now