14. Marky the Ace

3 2 0
                                    

Chapter 14.
MARKY THE ACE

Ella's POV

Today's our last day here in my island at andito pa talaga si Charmie.

Inutusan niya pa si Marky na gisingin ako, alam niya namang ayaw ko ang ginigising ako o di kaya ay pumapasok sa kwarto ko nang walang paalam.

Nakakatawa yung itsura ni Marky pero naawa din ako sa kanya, eh kasi naman, malay  ko bang kumatok daw siya, eh hindi ko narinig kaya sorry nalang talaga.

So yun na nga, last day na namin ngayon dito at plano ko ngayon turuan sila ng mga nalalaman ko sa pakikipaglaban, buti na lang andito si Charmie. Hindi siya puwedeng pumunta dito para lang pagalitan ako aba dapat lang na tulungan niya ako dito habang andito pa siya.

Nagtaka sila nang pinalabas ko silang lahat. Dito din ako sinanay ni tita sa island na ito, kaya dito ko din sila dinala para makapag concentrate sila sa mga ituturo namin.

Mas maganda sa tahimik na lugar kung magsasanay, yan ang sinabi ni tita nung dinala niya ako dito.

Pinalinya ko sila, at inihiwalay ang mga babae sa lalaki. Mas lalo naman silang naguluhan pero alam kong naiintindihan na ako ni Charmie kaya tinanguan ko siya at lumapit naman siya sakin.

"So..." panimula ni Charmie.

"You'll take the boys" simpleng sabi ko


Nanlaki ang mga mata niya at alam ko na ang ibig sabihin niya. Tamad kasi kaya alam kong gusto niya sa mga babae kasi dalawa lang sila.

Hindi naman siya nakapagsalita nang naunahan siya ni Zia.

"What are we going to do Lea?" naguguluhan niyang tanong.

"Sasanayin ko kayo sa pakikipaglaban kasi hindi ako makakasiguro kung dadating ako parati para sa inyo" yeah, my life as an agent slash detective is not that easy.

Sometimes, police will request for me in investigating such cases.

Narinig kong nagsalita si Blue kaya napabaling ako sa kanya.

"Why? Alam naman namin kung pano makipaglaban. We're not that weak as you think" mukhang naoffend ko ata siya sa sinabi kong sasanayin ko sila.

"You misunderstood my point Mr. Carter" kalmadong sabi ko at maiging nakipagtitigan sa kanya.

Siya ang unang umiwas "Our knowledge in fighting is already enough Azalea"

Enough, huh?

I have an idea!

I smirked at him. "Well, you leave me no choice Blue."

Ibinalik niya ang tingin niya sakin at nagtataka namang napatingin sakin ang iba, mas lalo namang nanlaki ang mga mata ni Charmie.

"What are you going to do Ella?!" nagpapanic na si Charmie dahil alam niya kung anong sunod na sasabihin ko.

Hindi ko siya pinansin at ang mga mata ko ay na kay Blue lamang. "Let's duel."

Kita ko ang pag aalinlangan ni Blue, tatango na sana siya pero naunahan siyang magsalita ni Charmie.

"No! Ako, ako ang makikipagduel sa kanya Ella, just stand there and watch"

Natawa na lamang ako kay Charmie dahil alam kong sasabihin niya yan.

Ayaw ko naman talagang makipaglaban kahit kanino ngayon. Tuturuan ko lang naman sila.

Elapsed MemoriesWhere stories live. Discover now