11. Deciphering Codes

1 2 0
                                    

Chapter 11.
DECIPHERING CODES

Ella's POV

Hindi nila ako pinansin nung binati ko sila, natuon lamang ang pansin nila sa isla ko. Err ganon? After kong buhatin sila isa isa mula sa van patungo sa yacht. Buti na lang, pagdating ko dito naghihintay na sakin ang mga ipinadala ni tita dito dahil alam niyang mga tulog ang dala ko, kinuha nila ang mga gamit namin at sinabing iisang kwarto lang daw kami ng mga girls at iisang kwarto lang din ang mga boys.

Bago sila umalis ay may iniwan silang dalawang papel sakin. Itinago ko muna yun sa bulsa ko kasi baka di naman masiyadong importante yun.

Pagkatapos nilang lumibot sa isla ay naglakad ulit sila papalapit sakin, ako naman ang tumalikod sa kanila at hindi sila pinansin.

"Oy oy san ka pupunta?" tanong sakin ni Blue.

Tinaasan ako ng kilay ni Zia. Problematic nito? "You have to explain what you have done to us"

Ahh yun lang pala yun. Tumango tango na lamang ako at nagpaliwanag na. "This is a private island, kaya kaming mga nakaka alam lang ng lugar na ito ang nakakapag balik balik dito. Ang iba kong kasama kapag may dinadala sila dito ay binablind fold lang nila pero mas gusto ko yung tulog talaga kayo para hindi niyo talaga malaman ang dinaanan natin, may iba kasing kahit naka piring ay nakaka alala ng mga nadaanan. Kung nagtataka kayo kung bakit parang andami naming nagmamay ari ng islang to, ang totoo niyan ay akin talaga to. Hinihiram lang nila minsan sa mga bagay na kami lang ang nakaka alam"

Tumango tango naman silang lahat na parang naiintindihan nila ang sinasabi ko.

"Ba't ayaw niyong may mga pumupunta ditong ibang tao?" Ngayon ko lang ata narinig magsalita ulit si Brent.

Inilibot ko ang tingin sa buong isla at tiningnan sila isa isa, I smiled at their confused look. "It's for you to find out"

Mas lalong silang naguluhan pero ipinagkibit balikat na lang.

Pumasok na agad kami sa loob nang makaramdam ng gutom. It's already lunch time, medyo natagalan kasi sila sa pagtulog.

Nang matapos kaming kumain ay naghiwalay na kaming mga babae sa mga lalaki para pumunta muna sa kwarto namin para magbihis, pero laking gulat namin nang makitang nakasarado ito at hindi mabuksan. Hindi ko alam na nilock pala nila ang mga kwarto namin.

"Bumaba muna tayo, nasa kusina ang lalagyan ng susi namin" sabi ko sa kanila.

Sumunod naman sila sakin at pagbaba namin ay nasa sala na ang mga boys.

Mark POV

Nagtaka kami ng makitang naka lock ang kwarto para samin kaya bumaba na muna kami at hinintay sila Azalea sa sala, hindi kasi namin alam kung san ang kwarto nila.

Ilang minuto lang ay nakita ko na sila Azi pababa ng hagdan na parang problemado din, mukhang naka lock din ata ang room nila.

Sumenyas sa amin si Azalea at sumunod na lang din kaming lahat sa kanya.

Pumasok siya sa kusina at pumunta sa may water faucet. Weird. Anong gagawin namin dito? Iinom ng tubig?

"Andiyan ba ang susi Lea?" rinig kong tanong ni Cess. Mukhang hindi lang ako ang nagtataka, kaming lahat pala ay nagtataka sa kanya.

Tumango siya na mas lalong nakakapag gulo sa mga isip namin. May matataguan ba diyan?

It's just a water faucet for sake!

She press the only button that can be seen on the faucet at nagulat kami nang biglang nagbukas ang ibabang bahagi ng faucet at parang nagmistulang locker ang ibabang bahagi ng faucet.

Elapsed MemoriesWhere stories live. Discover now