23. Unveiling the Truth (Part 2)

3 1 0
                                    

Chapter 23.
Unveiling the Truth (Part 2)

"Do you still remember the day when I cried because Angel is going to leave me and I even think that she will going to marry someone that's why she needed to leave me. Nagtampo ako nun sa kanya kasi ang nasa isip ko noon ay mas pinipili ni Angel ang mapangasawa niya kaysa sa akin na bestfriend niya. But then you came, you explain everything to me and I was shocked to know na you already know me and ikaw pala yung kinukuwentong kuya ni Angel. I can still remember how exactly you called me the first time we me.

"Hoy uhuging bata! Ang ganda ganda mo pero napaka kalat mong umiyak"

Oh God!

It felt humiliating AHAHAHAHAH hiyang hiya ako sayo nung time na yun! Kumakalat pa ang sip on ko nun kasi kamay lang ang ginagamit ko pang pahid. Mas lalo pa akong umiyak nung lumapit ka sakin at nilinisan mo ang mukha at kamay ko gamit ang towel mo at kitang kita ko yung sip on ko doon, yun ang nag trigger sa akin na umiyak ulit dahil nahiya ako."

Hindi ko maiwasan ang matawa kahit na patuloy pa rin na umaagos ang mga luha ko. Ito yung time na nagpaalam ang kapatid ko sa kaniya na aalis siya sa bansa. Nataranta pa ako noon sa kaniya dahil sa pag iyak niya ulit, sanay akong magpatahan ng bata na kagaya niya dahil nga may kapatid akong babae pero talagang nataranta ako pagdating sa kanya at di ko na alam kung ano ang mga nasabi ko AHAHAHHA.

"Ang landi ko din nung time na yun dahil nung sinabi mong 'Sige ka, hahalikan kita kapag di ka pa tumigil sa kaiiyak' pinatulan kita noon AHAHHAHA ang sabi ko pa 'Sige nga kung kaya mo' talagang hinamon kita. Sa murang edad ang landi ko na pala. Namumula ka pa nun at parang nagising ang diwa mo at nung napagtanto mo kung ano ang sinabi mo sakin bigla mo na lang akong tinakbuhan AHAHAHHA. Yun yung araw na nalaman ko sa sarili kong ikaw yung tipo ng taong magbibigay saya sa akin kahit na sobrang lungkot ko nang time na yun."

Damn!

Nakakahiya yun, ganon talaga ang nasabi ko nang time na yun dahil nagkabuhol buhol na ang isip ko kung paano siya patahanin. Hanggang ngayon ramdam ko ang hiya.

"Nagtuloy tuloy ang pagkakaibigan natin at masasabi kong napakasaya ko nang mga panahong iyon. Sinabi ko din sa pamilya ko na ikaw ang gusto kong pakasalan. Tutol sila mommy dahil napakabata ko pa daw pero nagmatigas ako at umiyak pa ako nun kahit andon lahat ng kamag anak ko. Sa sobrang galit ko kina mommy lumabas ako sa bahay namin at may nakita akong isang babaeng may pagkakamukha ni mommy at sinabihan niya akong siya na daw ang bahala sa lahat at sisiguraduhin niyang ikaw ang pakakasalan ko balang araw at magtatagumpay ako sa kung anong mission ko sa buhay pero kailangan kong panatilihin itong sikreto sa pagitan naming dalawa at sabi niya pa makipag bati na ako sa mommy ko dahil mahal lang daw ako ni mommy kaya ayaw niyang magpadalos dalos ako sa desisyon ko"

Naiinitindihan ko naman si tita kung bakit tutol siya dahil napakabata pa namin ng mga araw na yun at pwede pa magbago ang mga gusto namin. Hindi ko alam na matigas pala ang ulo ni Kaykay at halatang spoiled. Uto uto din dahil napaniwala siya sa sinabi ng babae sa kaniya na siya na ang bahala sa lahat na dapat ako ang mapapakasalan niya. Hindi ko alam pero umaasa akong sana tuparin ng babae ang sinabi niya dahil noon pa man bago ako umalis, gusto ko munang pakasalan si Kaykay kahit wala pa kami sa wastong edad AHAHAHA gusto kong makasigurado noon na akin siya hanggang sa pagbalik kahit hindi sigurado kung babalik ba kami talaga dito sa Pilipinas. At haggang ngayon siya pa rin ang gusto kong pakasalan.

"Hindi ko akalain na matatapos din pala ang masasayang araw ko na kasama ka. Umalis ka, iwan ang isang bracelet na palatandaan ng pagkakaibigan natin. Alam ko kung saang bansa kayo tumira, nais kong sundan ka pero may naka abang na responsibilidad sa akin sa pagtungtong ng sampong taon. Kaya mas minabuti kong isanay ang katawan ko para sa pagdating ng totoong training namin ay hindi na mahihirapan ang katawan ko sa pag adjust at sinanay ko din ang sarili sa sakit. Kaibigan mo si Kalyx, at alam mo naman sigurong pamilya kami ng mga agents? O hindi pa? Ngayon sinasabi ko sayo, mga matataas na antas na mga agents o detectives kami Bree. Kaya't nararapat lamang na tanggapin ko kung anuman ang naka atas na mission sa akin at ito rin ang gusto ko. Ang maging isang magaling na agent, ang maging parte nila mommy. Hindi din lingid sa kaalaman ko na ako ang isusunod nilang Head Mistress o ang siyang pinakamataas na rango sa lahat ng agents sa isang agency. Kami ang nangungunang agency sa lahat ng mga agencies Bree kaya natatakot akong magkamali at sa tingin ko ikaw ang huling mission ko. Inatasan kami ng Head Mistress na bantayan kayo dahil kayo ang target ng Black Blood Agency, Alam niyo naman siguro kung gaano kayo kayaman diba? Ang nasa top 5 most richest heirs ay balak nilang kunin at hingian ng ransom. At hindi Basta basta't ransom lamang ang hihingiin nila sapat na para wala kayong maipangkain at malugmok sa utang dahil hindi rin sila basta bastang kidnapper lang. Mga demonyo sila Bree kaya hindi ako makakasigurado kung makakabalik ba ako sa inyo, sa iyo ng buhay. Kaya kong ibuwis ang lahat kahit buhay ko basta't nasisiguro ko lang ang kaligtasan mo at ng ibang tao. Pero isa lang ang maipapangako ko kung sakali mang makabalik ako ng buhay, gusto kitang pakasalan kahit medyo minsan para kang bakla. Hayaan mong ako ang magpo propose sayo kasi nakakawala ng angas kapag ikaw, gusto ko maging unique, ayoko gumaya sa ibang babae AHAHAHAHA Iloveyou Bree, sana naaalala mo pa ako"

Silly! Of course, how can I forget you. You're the only woman who stole my heart in an early age. Aasahan ko ang iyong pangako Kaykay, at oo sige ikaw na magpo propose para naman malaman ng lahat kung gaano ka kabaliw sa akin AHAHAHAHAH napakagwapo mo talaga Brent!

Andito ako ngayon sa kama ko at gaya ng kwarto ni Mark, maliit lang ito pero nagtaka ako dahil bakit parang mas malaki ang kama ko kaysa sa nakita ko kay Mark. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil baka alam niyang magalaw talaga akong matulog. Grabe stalker ko ata si Kaykay dahil kahit sa pagtulog alam niyang hindi ako mapirmi sa isang posisyon. Nanghina na ang mga tuhod ko kanina sa pagbasa pa lang ng pamilyar na pangalan na mismong si Kaykay lang ang tumatawag sakin ng ganon. Pero pinilit kong tatagan ang mga tuhod ko at kinuha ang isang papel sa pinto ng closet na nakadikit. At dun ko na nabasa at nalaman ang lahat. Hindi ko alam na pinamumunuan ng isang agency ang lumalaganap na pagnanakaw sa bansa. Ako ang kinakabahan para kay Kaykay dahil sa nalaman ko na masyado pala silang mapanganib. Pero may tiwala ako kay Kaykay na na babalik siya dahil siyempre hindi yun papayag na hindi ako mapakasalan noh!


------------

Yabang ng baklang ito kala mo hindi natakot ma reject noon kay Kaella.

Elapsed MemoriesWhere stories live. Discover now