II. [4]

4.4K 112 9
                                    

Pag kagising ko nag timpla agad ako ng coffee dahil maaga pa naman kaya sigurado akong hindi pa magigising si Karylle. Inikot ko na lang muna yung buong bahay pati yung labas, nadiskubri kong naka tropical style yung garden nila, very refreshing at ansarap mag stay dito.

Pumasok ako sa cottage at nag stay dun just for a while. Mas maganda pala kapag dito ka nakaupo, mas relaxing. Nakaupo lang ako dito nag-iisip kung anong dapat kong gawin sa loob ng isang linggong kasama ko ang asawa ko.

"Vice?" nung narinig ko yung boses ni Karylle, nag tago ako sa ilalim ng upuan sa cottage.

"V.. Vicey?" halatang papungas-pungas at antok na antok pa siya, ang cute cute talaga.

Nung kaunting pag galaw ko, may kaunting kaluskos siyang narinig. "What the... Sino yan! Labas na!!"

Pumasok siya sa cottage at umupo, sakto namang natapat yung paa niya sa akin kaya hinila ko kaya nagulat siya.

"Ahhhh!!" pag kasigaw niya agad akong tumayo at tumakbo sa garden dahil alam kong sasakit ang katawan ko sa kakapalo niya pag naabutan niya ako.

"Viceral!!!!" tumatakbo na siya papalapit sa akin pero paikot-ikot lang ako sa garden pero hindi niya pa din ako nahahabol.

Kinabahan ako ng bigla siyang tumigil sa tabi ng hose at bumagsak kaya napasigaw ako. Jusko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari man sa asawa ko..

"Karylle!!" agad akong tumakbo papalapit sa kanya at yinugyog-yugyog siya pero hindi pa din siya nagigising kaya kinabahan na ako. Bubuhatin ko na dapat siya pero bigla siyang dumilat at ngumisi.

"Gotcha!" sigaw niya at kinuha ang hose at binasa ako ng tubig at mabilis na tumakbo pero dahil mahaba ang hose hawak hawak niya pa rin.

"Humanda ka sa akin kapag nahuli kitang babae ka!" tawa lang siya ng tawa habang pabagal ng pabagal ang takbo niya kaya malapit ko na siyang maabutan.

"Huli ka!" nung nahuli ko na siya, kinulong ko siya sa mga yakap ko, dahil nag pupumiglas siya napahiga kami sa grass na basang-basa na parang mga bata lang.

Nakahiga si Karylle sa naka stretch kong kamay at dinodrawing ang utong ko. Tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga ulap, sunod niya namang ginawa ay paulit-ulit akong hinalikan sa pisngi ng ilang beses. Kung kanina sobrang playful niya ngayon naman tumitig lang siya sa akin habang hinahawi ang buhok ko kaya tinitigan ko lang din siya.

"Vice?"

"Hmm?"

"I love you." nagulat ako bigla dahil kadalasan kasi ako unang nag i-i love you sa kanya pero ngayon siya naman.

"I love you more more more more!"

"Kiss kitaaaaaaaaaaa!!" sabi niya kaya ngumuso naman ako ng todo. "Vicekeeeeeeeeee my loves!!" paano nakarating tong asong tong dito!

"Bayski!!! Daot ka talaga!!!!"

• • •

Todo namang nainis ang aura ni Vice dahil dumating ang kinatatakutan niya, si Vicekee. Ang matinding kaagaw niya sa puso at kaluluwa ni Karylle. Biruin niyo pati aso pinagseselosan ni Viceral.

Kasalukuyang nag bebreakfast ang mag asawa kasama si Vicekee, nakasimangot namang sumusubo si Vice ng bacon habang si Karylle naman ay panay ang haplos sa ulo ni Vicekee na nakakandong pa sa kanya.

Vice: Tapos na akong kumain.

Padabog na tumayo si Vice at iniwan lang ang pinagkainan sa lababo at pumanik sa kwarto, kaya nag taka naman si Karylle kaya tinapos niya na lang agad yung kinakain niya at iniwan si Vicekee kila Mang Carding at sinundan ang asawa.

The Hottest Boss is my Wife • VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon