I. [3]

9.6K 181 7
                                    

"Good morning Joseeeeeeee!!" sigaw ni Karylle kay Vice para gisingin na may kasamang yugyog pa.

"Viceeeeee! Gising naaaaa!!" yinugyog niya pa ng malakas, nasa kama si Karylle at nasa lapag si Vice, dahil ayaw pa gumising ni Vice nakaisip si Karylle ng bright idea.

"Ayaw mo magising ha." sabi ni Karylle sa sarili niya at kinuha ang manika niya sa bag, incase kasi na bwisitin siya ni Vice may baon siyang manika manakot kay Vice. Tinapat niya yon sa mukha ni Vice at ginamit niya naman ang kanang kamay niya pang pisil ng ilong ni Vice para magising.

"Ano ba K-karylle! Ahhhhhh!! Manika!!" sigaw ni Vice at nahagis niya ang manika dahilan ng pagka out of balance ni Karylle at mapatong sa kanya.

*tugdug tugdug tugdug*

Sandali silang nagkatitigan pero umalis na din agad si Karylle dahil sa hiya at umakyat sa kama niya na parang walang nangyari.

"Sorry Karylle. Ikaw kasi. Bakit mo ba kasi ako ginising?! Ang aga-aga pa." sabi ni Vice na umakyat sa kama at tinabihan si Karylle.

"A-ano kasi. Mag aano kasi ako. Ano. Mag shopping tayo, please? Dun ka nga." napa-'hayy' na lang si Vice at dumapa.

"Oo na. Sige na. Bihis ka na. Maya na 'ko." dagdag pa ni Vice.

"Thank you Vice!" sabi ni Karylle at kumaripas na ng takbo sa banyo habang si Vice naman naisip na, may pagka-childish din naman pala 'tong si Karylle at napangiti lang.

.

.

.

15 mins. after

"Okay ka na?" tanong ni Vice.

"Yep. Tara na?"

"Tara."

Bumaba na sila para mag paalam na aalis sila, hindi na sila nag breakfast dahil tanghali na din naman daw at sa mall na lang sila kakain ng brunch, natuwa naman ang buong pamilya ni Vice para sa kanya dahil sa wakas nakahanap na din siya ng mapapangasawa niya dahil dati, nag propose si Vice sa isang babae pero hindi pumayag ang babae kaya sobrang nasaktan talaga si Vice doon kaya muli noon hindi siya nanligaw ng kahit sino dahil natakot siyang masaktan.

"Una na po kami Tito, Tita. Lola, bye po!" at bumeso si Karylle sa kanilang lahat, si Vice ay bahagyang nagulat dahil hindi masungit at mukhang maganda ang gising ni Karylle ngayon.

"Pa, Ma, Lola, alis na po kami." at bumeso na din si Vice sa pamilya niya, binulungan siya ng lola niya at sinabing, "Nice apo. 3 points for Viceral!"

Lumabas na sila na at sumakay sa porsche ni Vice, sobrang tahimik sa loob ng kotse kaya hindi na napigil ni Vice ay hindi magsalita.

"Alam mo madaldal ako kaya dapat madaldal ka din para magkasundo tayo." sabi niya at napatingin sa kanya si Karylle. "Alam mo namang hindi ako mahilig makipag-usap diba." sabi pa sa kanya ni Karylle, pero dahil gusto niyang humaba pa ang usapan at makilala pa si Karylle inasar niya ito at kung ano-ano ang tinanong.

"Natakot talaga ako dun sa manika. Sayo ba yun?"

"Haha! Oo, ang tagal mo kasi gumising eh. Sorry ha."

"A-ah, okay lang. Ako nga dapat mag sorry dahil nahulog ka sa-- Nga pala bakit ba bigla kang nag-aya pag shopping?"

"Ah. Kasi. Gusto 'kong. Ano kasi. Yung. Wala lang."

"Mabuti na lang nag-aya ka para magkakilala naman tayo ng mas mabuti." sabi ni Vice at nginitian lang siya ni Karylle dahil wala ng ibang masabi si Karylle.

The Hottest Boss is my Wife • VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon