I. [1]

19.9K 245 10
                                    

*kringgg kringgg*

"U-ughh. A-anong oras na ba? Maaga pa naman ata." sabi ng lalaking kakagising lang dahil sa alarm clock niya.

"Oh shit! 8 na pala! Late na 'ko, patay ako sa boss ko niyan!" napatayo na lang siya at nag simula ng maligo dahil ma le-late na siya sa trabaho niya, strikto at masungit pa naman ang boss niya. Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na siya sa apartment na tinitirhan niya at pumunta sa pinaka-malapit na coffee shop para bumili ng kape para sa kanya at sa boss niya, mahaba ang pila pero dahil gwapo siya at may gusto sa kanya ang kahera pina-singit agad siya, linalakad niya lang ang trabaho niya dahil malapit lang naman 'yon, nagmamadali na siyang pumunta sa opisina ng biglang...

*BBBOOOGGGSSSHHH!*

"What the! Ang tanga naman, nag mamadali eh!" sigaw ng binata dahil nakabangga siya ng empleyado at natapunan siya ng kape, puti pa naman ang uniporme niya at siguradong magagalit ang boss niya.

"Sorry Vice, di 'ko sinasadya!"

"Shit. Gawan mo 'to ng paraan!! Nakakabadtrip! Billy!" sigaw niya sa bestfriend niyang natanaw niya sa malayo.

"Oh bakit Vic--"

"Billy, palit muna tayo uniform, magagalit si Mam Karylle sa'kin."

"Edi sa'kin naman nagalit!"

"Sige na!! Ilalakad kita kay Coleen pramis!"

"Sige, tara na."

Nag palit na sila ng uniporme habang hindi pa dumadating ang cold-hearted boss niyang si Karylle. Makalipas ang ilang minuto, nakarinig sila ng yabag, sinilip ng isang empleyado ang pinto at nakita ang boss nila kaya dali-dali siya pumunta sa lamesa niya at binuksan ang group chat nila,"The witch is coming!" dumating na din ang kinatatakutang executive editor-in-chief, lahat ng nag kukwentuhan ay napatigil at bumalik sa kani-kanyang trabaho, sinalubong naman ni Vice ang boss niya.

"G-good morning Ma'am." bati pa niya, habang dumadaan sila sa bawat lamesa ng empleyado napadaan sila sa lamesa ni Billy at napatigil si Karylle.

"Kung papasok ka ng may stain 'yang damit mo, mabuti pang wag ka ng pumasok." simpleng sabi ni Karylle sa empleyado niya na ikinatakot ng lahat tumango lang naman si Billy para sa sagot.

Habang papasok na sila sa opisina ni Karylle inabot naman ni Vice ang kape na binili niya, "Excuse me Mr. Viceral?"

"Yes Mam?"

"Where did you buy this?"

"Coffee shop po."

"Yeah, I know. Look at this." tinuro ni Karylle ang cup at inikot may nakasulat na cellphone number dun at nakalagay 'call me later'.

"Kung lalandi ka sa labas, wag mo naman ipasok dito, at pinalagay mo pa sa cup na iinuman ko." nagulat naman si Vice dahil hindi niya naman alam na may nakasulat doon.

"Kindly talk to Ms. Smith, it's about the soon-to-be-published book."

"Yes Mam, I'll report it tomorrow mornin--" naputol siya sa sasabihin niya ng biglang nag ring ang telepono sa tabi niya nag bigay naman siya kay Karylle na 'sasagutin-ko-ba-look' at tinaasan lang siya ni Karylle ng kilay na ibig sabihin 'bakit-hindi-mo-pa-sagutin-look' kaya agad niya naman sinagot ang telepono.

"Yes, good morning Sir. Uhm, she's here. Yes. Okay. Thank you Mr. Gil, have a nice day too."

Pagka-baba ni Vice ng telepono agad naman siyang tinanong ni Karylle. "Who's that?"

"A-ah Mam, si Mr. Gil po, kakausapin niya daw po kayo, kita na lang daw po kayo sa office niya, ASAP daw po." biglang tumayo si Karylle, nag-ayos at lumakad paalis kay Vice hindi na sumunod si Vice dahil naisip niya baka private yung pag-uusapan nila pero binalikan siya ni Karylle.

The Hottest Boss is my Wife • VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon