Napupuwing ang mata, nasasaktan ang puso, naguguluhan ang utak. Halo-halo ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang mga lungkot na titig sa akin ni Vice. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, napanghihinaan na ako ng loob. Gusto ko nang sumuko na lang para hindi na ako mag sasakripisyo. Nag improve na ako sa pag sasalita ko, at pati sa pag galaw dahil sa therapy kaya kailangan kahit hindi oras nang therapy ako makipag communicate ako.. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko, siguradong ang pangit pangit ko na pero laging sinasabi sa akin ni Vice na ako pa din daw ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Kalbo na ako, kakaunti na lang ang buhok ko at nalulungkot ako dahil ang buhok ko ay isa sa pinaka moahalagang parte ng katawan ko. Wala na yung kulot kong buhok, I wonder if tutubo pa ulit ito? Sana naman hindi na kulot, hehe.
"Hi lovey ko." sabi niya habang hinahaplos ang kamay ko. "I'm sorry sa mga pag kukulang ko, sana binantayan ko kayo nung mga panahon na yun, I'm sorry."
"O-Okay lang, w-wala kang ka-kasalanan. Buma.. bawi ka n-naman da.. hil bina.. binabantayan mo k-ko rito,"
"Karylle, kailangan mong mag pakatatag okay? Wag kang bibitaw ha? Hindi tayo bibitaw. Mananalo tayo sa laban na to, okay?"
"Pa.. aano kung h-hindi ko na ka.. ya? P-Paano kung pa.. pagod na ako?"
"Basta andito lang ako lagi sa tabi mo, gagawin ko lahat ng kaya ko. Wag ka mag alala ha? Kayanin natin to, Karylle--"
Bigla akong naubo. Hindi ako makahinga. Ang hirap. Ang hirap-hirap. Para akong nakikipag habulan at nahuhuli ako dahil hinihingal ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, wala nang pumapasok sa utak ko. Walang nag poprocess. Wala akong marinig.
"K-Karylle? Karylle!" "Nurse! Nurse!" yan ang huli kong narinig at bigla na akong nawalan ng malay.
•••
"Vice, didiretsuhin na kita. Malala na ang kondisyon ni Karylle. Ano na bang gusto mong gawin?"
"I want you to do everything! Kahit magkano wala akong pake! Kunin niyo ang pinaka magaling na doctor dito basta pagalingin niyo lang ang asawa ko!"
Tinap ni Doctor Ran ang balikat ni Vice para ipahayag ang pag cocomfort niya. "We will Vice. Gagawin namin lahat."
Nag hihintay siya sa labas ng emergency room kun saan may ginagawa kay Karylle. Halos mag lupasay na si Vice sa sobrang lungkot at hindi na alam ang gagawin dahil awang-awa na siya sa asawa niya. Napag desisyunan niyang tawagan ang Mama niya para kumuha ng lakas ng loob.
"Mama..."
"Okay ka lang anak?"
"Mama.. Nasa emergency r-room si K-Karylle. Hindi na siya nakahinga kaya chinicheck siya ng mga doctor sa loob... Mama, h-hindi ko na alam k-kung anong gagawin ko, Mama."
"Anak, be strong--"
"Ma, paano ako magiging s-strong kung nasa loob ng e-emergency room ang l-lakas ko. M-Mama, anong g-gagawin ko.."
"Kaya mo yan anak, mahina na nga si Karylle tapos manghihina na din ang loob mo? Ano nang mangyayari sa inyo ni Karylle niyan anak? Kailangan mong lumaban, kasi kung hindi..."
"M-Mawawala sa akin si Karylle... Mama! A-Ayoko!"
"Lumaban ka Vice, hindi kitang pinalaking mahina. Kaya mo yan, maliit lang yang problemang yan. Sinusubukan lang kayo ng Diyos, anak. Mag tiwala ka sa Diyos, mag dasal ka parati at maniwala ka sa Kanya."
"T-Thank you M-Mama, I love you po."
"Sige na anak, I love you."
•••
Ilang linggo na ang lumipas at papayat na nang papayat na si Karylle at lalong nanghihina pero may pag-asa pa din si Vice na gagaling at babalik muli sa dati si Karylle. Sa ilang linggo na yun ay hindi na nakakapag salita si Karylle, at kahit hawakan mo siya ay sumasakit agad ang pakiramdam niya pero kinakausap pa din siya ni Vice at patango-tango at iling iling na lang din ang naisasagot niya.
BINABASA MO ANG
The Hottest Boss is my Wife • Vicerylle
DiversosThe impossible relationship of the cold-hearted boss and her secretary.